A/N: Dedicated to the first commenter.
**********
Ilang oras na akong nakatingin sa draft ng promotional plan na pinagawa sa akin ng marketing director namin sa winery, pero hindi ako makausad-usad. Isang linya lang ang nababasa ko at lumalakbay na agad ang aking isipan. Paulit-ulit ko kasing naririnig ang sinabi ni Daddy na hindi tinanggap ni Ella ang offer niyang trabaho. Pinili raw nito na makipagsapalaran sa ibang kompanya. Natanggap daw itong bookkeeper sa isang maliit na publishing company sa Makati. Nang ni-research ko ang kanyang employer napag-alaman kong pinsan ito ng best friend niyang si Grace. At kung pinsan ni Grace malamang ay kamag-anak din iyon ni Dela Peña.
"Hey, Matty! Have you seen the new QC Head? She's scorching hot, man! Every male on this floor has the hots for her!" excited na balita ni Eddie, isang Fil-Am na kasamahan ko sa Marketing Department. Ito palagi ang nakakasama ko sa gimikan. Gaya ko, mahilig din ito sa magagandang babae.
"Hey! Did you hear me, man?"
Napabuntong-hininga ako sabay tayo. Kumuha na naman ako ng kape sa staff lounge na ilang hakbang lang mula sa working area namin. Kabuntot ko si Eddie na patuloy na nagkukwento kung gaano ka ganda at seksi ng bagong head ng quality control. Mula ulo hanggang paa raw perfect ten. Detalyado pang isinalarawan ang mga assets ng girl sa paraang tila naglalaway na. Dati-rati sapat nang sabihin sa akin ninuman na may bagong chick sa paligid. Bumibilis na agad ang daloy ng dugo ko at nae-excite pa pati si Big Bird. Pero ngayon...
"Stop! What are you doing?" asik ko kay Eddie. Sinalat-salat na kasi nito ang noo't leeg ko. "Why don't you go back to your cubicle and start working?"
"You need to see a doctor, Matty! I think you're sick!" nakangisi nitong sagot bago bumalik sa sariling lungga. Sinundan ko ito nang nakasimangot na tingin.
**********
Sabi ni Kuya Alden dumating daw siya. Siyempre na-excite naman ako. Ang aga kong nagising at naligo. Kung dati-rati kuntento na ako sa maluwang na palda at t-shirt na puti, this time I tried to look presentable. Sinuot ko ang graduation gift sa akin ni Grace na isang white and blue dress. Puti ang background color nito pero kulay asul mula sa bandang dibdib hanggang sa hipline. Mayroon itong floral accents kung saan nagsisimula at nagtatapos ang kulay asul at nakadagdag iyon para magmukhang babaeng-babae ang sumusuot ng damit. Napa-double take nga si Kuya nang dumaan ako sa harap niya sa kumedor namin.
"May lakad ka?" tanong pa nito.
"Kapag nakabihis ba may lakad agad?"
Napangisi ito. "Babalik din ng California mamayang gabi si Matty. I don't think makakadalaw siya rito. Ni hindi nga nakasilip sa MD e."
Saglit akong natigilan sa pagkuha ng fresh milk sa ref. Para kasing may tumusok sa puso ko. Ang sakit-sakit! Hindi ko sukat-akalain na sa kabila ng pagbubuwis niya ng buhay para iligtas ako sa kamay ng mga nang-kidnap sa akin ay wala pala akong halaga sa kanya. Marahil sinagip niya lang ako dahil sa pagiging magkaibigan namin at hindi dahil sa mahal niya ako bilang girlfriend. Matty will always be Matty. Mahilig sa babae. Hindi makokontento sa iisa lang. Ba't hindi ko agad na-realize iyon? Ba't naniwala pa akong kaya ko siyang baguhin?
"Akala mo naman sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Siyempre, may sarili na akong buhay 'no? May pupuntahan kami ni Grace kaya nagbihis na ako. Mamaya nang kaunti ay narito na iyon kaya pakisabi kay Mama na next time na lang kami kamo manonood ng sine sa Southmall," asik ko kay Kuya at dali-dali nang bumalik sa kuwarto ko. Narinig ko siyang tumawa. Alam kong hindi siya naniniwala. Lalo akong naimbyerna.
**********
"O, ano tutunganga ka lang ba riyan? Aren't you coming with us?" untag sa akin ni Markus habang papaliko sila sa eskinita papunta kina Mang Andoy. Inabot ko sa kanya ang maliit na kahon na pasalubong ko kay Ella.
BINABASA MO ANG
MASTER M (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
HumorSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangarap na ni Ella na maging asawa si Matias ngunit binasted siya agad ng kababata pagka-confess niya ng f...