CHAPTER ONE

88.9K 1.9K 83
                                    

Napabukas ako ng bintana nang may naispatang dalawang magagandang babae. Parehong naka-palda ng halos hindi umabot sa kalagitnaan ng hita ang dalawa. Ang suot nilang blouse ay parang polo shirt na naka-rolyo hanggang siko ang manggas pero halos hindi naman umabot hanggang puso ang laylayan. Ang kagandahan pa halos dikit na dikit na ang blusa sa kanilang katawan like a second skin. But what's refreshing is they still look like innocent seductress!

Makaraan ang ilang sandali, may nadaanan na naman kaming isang grupo ng medyo may edad na mga babae na halos nagpapatalbugan din sa kaseksihan. Ang tatlo ay naka-skinny jeans ng kulay itim at crop top na walang manggas. Litaw din ang pusod ng mga seksing titas. Saan kaya sila sasayaw? Ang nakakapagtaka, they all turned to the same corner at pumasok sa tinatawag na Foxes' Haven.

"Is that a new club in town? Why the hell didn't I know that exist?"

Napasulyap si Kuya Markus sa tinutukoy kong club.

"You wouldn't like to be there."

"Why not?" Tiningnan ko ang relos. Alas otso pa lang ng gabi. Alam kong masyado pang maaga iyon para sa simula ng kasiyahan sa isang regular club pero willing akong mag-antay sa loob kung ganoon ka gaganda ang mga kasama ko. "C'mon, bro. Maghanap ka na ng parking at nang makarami na tayo," nakangisi kong suhestyon.

"Diyan mo gustong pumunta?" at itinuro pa with emphasis ang Foxes' Haven.

"Yup. The one and only."

"That's a strip club. Babae lang at bading ang tinatanggap nila sa loob. Unless you want to pretend as a flamboyant gay man, you can never get in there."

"What? No!" Ngumisi na si Kuya sa reaksiyon ko. Nagkaideya ako. "Don't tell me---no! Wala sa lahi ng mga San Diego ang bading!"

Hinampas niya ako ng naiwang Winnie the Pooh ni Shelby sa kotse.

"Marius, Alden, and I were offered a job as strippers in that club. Kumain kasi one time ang bading na may-ari niyang club na iyan sa MD," na ang ibig niyang sabihin ay Mucho Delicioso. Ang baduy na restobar ng panganay naming si Marius na kakambal naman ni Kuya Markus. Though I called him Kuya here, never ko pa siyang natawag-tawag na Kuya. Hahaha. It sounds awkward kasi. I don't see him that way naman, e.

Nang nag-sink sa akin ang sinabi niya, napahagalpak ako ng tawa. Inimagine ko kasing gumigiling-giling si Kuya Marius. Napailing-iling ako. Nope. Hindi bagay. Baka malugi ang club. Statue dance lang ang alam no'ng sayaw, e.

"Yeah, funny," panggagagad sa akin ni Kuya Markus. "You know why he'd offered us the job? Kasi we look the part. Ang sabi niya sa amin na pinatotohanan naman ng mga regular naming customers sa MD na regular customers naman nila riyan, wala pang Pinoy stripper ang Foxes' Haven. Mahigpit kasi ang criteria nila. Dapat at least six-footer ang guy, may abs, at guwapo."

Niloloko-loko ko pa rin siya.

"Weh? Hindi nga?"

"Half of the strippers in the club, ayon sa may-ari, are Brazilians. Mabenta raw kasi sila sa mga matrona. A third of them are either Korean or Japanese and another third are North Americans. Inisip nga niya Fil-Ams kami ni Marius. Akala naman niya kay Alden, Koreano."

"Buti naman at di n'yo tinanggap ang offer?"

"Marius was tempted at first."

Humagalpak na naman ako ng tawa. "Hindi nga?"

"That was the time when their business was a bit losing. Kung hindi siya napahiram ni Dad ng pandagdag na kapital, malamang kinaya nila ni Alden mag-stripper," at do'n na natawa si Markus. "It's tempting nga if you are after easy money. Biruin mo, popular strippers earn fifty thousand pesos in tips on a lousy night and ---hulaan mo magkano naiuuwi nila on a lucky night."

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon