CHAPTER FOUR

48.3K 1.4K 68
                                    

Manamis-namis na medyo mangasim-ngasim ang labi niya. Parang cherry. Awtomatikong nag-init ang katawan ko lalo pa't mukhang nagustuhan din niya ang paglapat ng bibig ko sa bibig niya. Nakita ko pa siyang pumikit bago ko rin itiklop ang mga mata. Kaso nga lang nang tangkain kong haplusin ang isa niyang hita sa ilalim ng laylayan ng kanyang unipormeng palda, bigla na lang niyang hinampas ang kamay ko.

"Aray!" Nawala ang romantic ambience.

Pinandilatan niya ako sabay sabi ng, "Napakabastos mo! Ihatid mo na nga ako sa amin!"

"E kung ayaw ko?" hirit ko pa.

Hinampas na naman niya ako. This time sa balikat na.

"Ano ba! Napakabayolente mo talaga. Nagbabakasakali lang ang tao, e."

"Bakasakaliin mo'ng mukha mo!"

Napailing-iling ako sa kanya.

"Sumusobra ka na, Ella, ha? Porke pinagbibigyan kita palagi lagi mo na lang akong sasaktan," drama ko pa kunwari. I just want to be with her for a little longer. Kung iikot na kasi kami, after ten minutes sa sports car ko mararating na namin ang kanila. Ayaw ko pa siyang pakawalan.

"C'mon, Matty! Let's go!"

What? Matty? She called me Matty? Napakurap-kurap ako. Iyon kasi ang tawag niya sa akin noon. That was before Fiona came into my life. Ibig bang sabihin nito'y napatawad na niya ako?

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo riyan?" pagtataray na naman niya.

"You called me, Matty."

"Ano ngayon? Iyon naman talaga palayaw mo. Ang bantot naman kasi ng pangalan mo."

"At least pangalan lang ang mabantot, hindi pagmumukha."

Inirapan niya ako. Lalong lumiit ang tsinita niyang mga mata. Natutukso na naman akong halikan siya. Pero baka pukpokin na niya ang ulo ko ng sapatos niyang de takong. Minsan na niya akong napukpok no'n nang silipan ko siya. Kaso nga lang, the body is weak...

"Matias, ano ba!"

Mabilis ko kasi siyang nahalikan sa pisngi. At maagap ko ring nailayo ang ulo sa kanya kaya sa braso ko na lang siya naghahahampas.

"Gusto mo ba'ng mabangga tayo? Baka gusto mo. Sige pa. Hampas pa." Bigla akong nagpreno. Kunwari may iniwasan akong sasakyan. Naalog kami sa loob. Namutla siya. I felt guilty. Ginagap ko ang isa niyang palad.

"Sabi ko sa iyo, e. Kapag nagmamaneho ang tao huwag mong dini-distract. Ayan tuloy muntik na tayong mabangga."

Hindi siya sumagot. She made a sign of the cross and prayed silently. Lalo akong nakonsensya. Habang pinagmamasdan ko siyang nakapikit, I suddenly felt a rush of this warm, fuzzy feeling. Gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko.

**********

"What do you mean wala na kayo ni Liz?"

"Wala na. As in totally over. I'm fed up.

"Ilang beses mo nang nasabi iyang fed up na iyan. Isang tawag lang sa iyo ni Liz, takbo ka na naman sa kanya kahit na may pinalit ka na."

"This time, it's real."

"Naku, for sure bukas makalawa lang ay susunduin mo na naman iyon sa kanila. Ganyan talaga bro. Minsan okay rin iyong nagkakagalit kayo to spice things up. Boring din kasi kapag smoothsailing ang relationship."

Hindi sumagot si Markus. Basta lang siya tumalikod sa akin. Ano'ng nangyayari ro'n?

Pagdating ni Kuya Marius sa garahe saka ko lang nalaman. Nagkuwento na pala si Markus sa kanya. At kahit babae si Liz parang gusto ko siyang sapakin maiganti man lang ang kapatid ko.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon