Nakita ko agad si Ella na parang wala sa sariling naglalakad sa pasilyo ng ospital. May hawak-hawak itong papel. Kumaway ako sa kanya pero mukhang hindi niya ako nakita. Nakatingin naman sa direksiyon ko. Kung hindi ko siya hinawakan sa balikat, hindi pa niya malalaman na mababangga na siya sa akin. Gulat na gulat siya nang makita ako.
"Mukha kang zombie," sabi ko sa kanya.
"Salamat sa moral support," sarkastiko niyang sagot sabay irap sa akin. Napangisi ako at itinaas ko ang baba niya. Tinabig niya agad ang kamay ko.
"Puwede ba, Matias? Wala akong panahong makipaglokohan sa iyo!" bulyaw niya sa akin at nilayasan ako. Dali-dali siyang pumunta sa kuwarto ng tatay niya. Do'n na rin ako galing at kapapaalam ko lang kay Aling Nene na uuwi muna sa amin, pero hindi ko natiis na huwag alamin ang dahilan ng pagkakagano'n ni Ella.
Kumatok ako nang marahan at naghintay. Walang sumagot. Binuksan ko nang kaunti ang pintuan at sumilip sa loob. Nakita ko si Ella at si Aling Nene na masinsinang nag-uusap. Tulog pa rin si Mang Andoy.
Na-guilty ako na bigla na lang mag-barge in. Mukha kasing pampamilya ang usapan. Aalis na lang sana ako nang marinig ko ang salitang PCSO at humagulgol na si Ella. Pinasok ko pa ang ulo ko sa loob. Hindi ko lubusang narinig ang usapan ng mag-ina pero nakuha ko ang kailangan kong marinig. Declined ang application nila for financial support.
"Hoy! Ano'ng ginagawa mo riyan?"
Bigla kong naisara ang pinto dahil may humampas sa puwet ko. Galit kong tiningnan si Markus na tawa nang tawa ngayon sa akin.
"Para kang magnanakaw na nag-aabang maka-tsamba. Ano ba'ng sinisilip-silip mo riyan? Ba't hindi ka pumasok?" at hinawakan na niya ang seradura para buksan ang pinto. Pinigilan ko siya.
"Mamaya ka na umeksena sa loob. Nagmo-moment pa sina Aling Nene at Ella."
"Akala ko ba nakalampas na sa critical period si Mang Andoy?" nag-aalalang sagot nito. Bumaba na ang boses niya at nawala na ang pilyong ngiti.
"Mang Andoy's fine. Si Aling Nene at Ella ang hindi."
Lalung nangunot ang noo ni Markus. Inakbayan ko siya at inilayo ko na ro'n.
"Teka, paano ito?" at pinrisinta niya sa akin ang isang basket ng prutas.
"Aanhin ko naman iyan?"
"Kaya nga tinatanong kita. Ibibigay ko sana ito kina Mang Andoy, e."
No'n naman may napadaang nurse. Cute siya. Nginitian ko ang babae nang magtama ang paningin namin. Nakita kong namula agad ang pisngi niya. Tinaasan ako ng kilay ni Markus. Hindi ko na siya pinansin. Inagaw ko na lang ang dala niya at nakiusap ako sa magandang nurse na ipasok iyon sa kuwarto nila Mang Andoy. Hindi naman ako nagdalawang salita sa babae. Magiliw nitong kinuha sa amin ang basket. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong lumingon pa siya saglit sa amin. Kumaway naman ako sa kanya. Napansin kong para siyang kinilig. Lalo akong napangisi. Siniko na ako ni Markus at inuntag kung ano ang nangyayari sa mag-ina.
"PCSO denied their application for financial support," walang kagatul-gatol kong sagot.
"E, ano'ng problema? Handa naman tayong tumulong, a. Magkano raw ba ang kulang? 'Lika nga. Tanungin natin sila."
"Ang hirap mong makaintindi. They don't want us to help."
"If they were denied, then the more that they need our support."
"Oo nga. Kaso siyempre marunong din namang mahiya ang tao. Parang hindi na nga makatingin nang deretso si Aling Nene kay Kuya Marius dahil do'n sa pinahiram ni Kuya sa kanila tapos dadagdagan mo pa."
BINABASA MO ANG
MASTER M (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
HumorSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangarap na ni Ella na maging asawa si Matias ngunit binasted siya agad ng kababata pagka-confess niya ng f...