CHAPTER THIRTEEN

42.3K 1.3K 71
                                    


Kaunti na lang at mahahalikan ko na si Ella kaya pinatulis ko pa ang nguso, pero nang gahibla na lang ang pagitan ng mga labi namin may bigla na lang tumama sa ulo ko. Biglang naglaho si Ella at nakakita ako ng isang libo't isang bituin. Pagdilat ko nakatunghay sa akin si Markus at may kung anu-anong sinasabi. May hawak siyang unan at parang hahambalusin na naman ako kaya tumagilid ako ng higa. I wasn't aware that I was holding my little one with my two hands. Napag-alaman ko na lang ito nang bigla siyang natawa sabay sabi ng "You're crazy, lil bro. Playing with your sword in broad daylight?"

Uminat ako at dahan-dahan kong pinakawalan ang alaga.

"What are you doing here?" sita ko nang inaantok.

"Ipag-drive mo nga si Shelby. Wala si Mang Andres. Pinag-day off ni Mama dahil birthday ng anak. Hindi kami pwede ngayon ni Marius. We both have important commitments somewhere."

"Si Moses na lang. I'm trying to make up for my sleepless nights. Now, go away and leave me alone, please," sagot ko naman at tinalikuran siya.

"May pinuntahang robotics competition daw sina Moses at Morris. Tsaka ayaw ni Mama na ang dalawang iyon ang kasama ni Shelby. Kapag nawili sila sa kabutingting ng mga gadgets nila'y nakakalimutan nilang kasama nila ang prinsesa."

Binaon ko pa ang ulo sa unan para hindi marinig si Markus. Mayamaya pa sumilip si Kuya Marius at nagtanong kung nagising na raw ba ako ng kakambal niya. Paninindigan ko pa sana ang pagtutulug-tulugan nang marinig ko ang huli nitong sinabi kay Markus. Napaupo ako bigla sa kama at biglang nagising ang diwa.

"O, gising na pala iyan, e. Pakitingnan kung sino iyong guy na umaali-aligid kay Shelby, ha? Dad's pretty worried. Kung wala nga lang kaming meeting with our suppliers today ako na ang maghahatid do'n sa St. John's."

Sa isipan ko binubugbog ko na ang manliligaw ni Shelby. Lagot siya sa akin mamaya.

"Iho, pakisabi na lang pala kay Matias na may susundo raw kay Shelby. Sabi ng prinsesa hindi na siya kailangan pang ihatid. Pumayag naman daw ang mommy n'yo," sabat naman ng yaya ni Shelby. Nakasilip na pala ito sa bahagyang nakabukas na pintuan.

"Ano'ng may susundo?" halos ay sabay naming tanong na tatlo. Bahagyang mataas ang mga boses. Bumaba agad ako sa kama at naghagilap ng tuwalya. "I'll drive her to school. Pakisabi hintayin niya ako!" sabi ko pa at tumakbo na sa banyo.

**********

Nalula kami pareho ni Grace nang makapasok na sa campus ng St. John's Academy. Kahit saang sulok ng eskwelahan namin ibaling ang tingin, naghuhumiyaw ang karangyaan. Sa parking lot pa lang animo'y exhibit na ng mga luxury cars. Buti na lang naki-hitch kami sa Rolls Royce ng dad ni Alfonso. Kung pinagpilitan pala naming dalhin ang Honda Civic ni Grace tiyak na kami lang ang naiiba roon.

Dahil may pinin na boutonniere sa ama ni Alfonso, may sumalubong sa aming usher at usherette. Sila ang nagdala sa amin sa soccer stadium ng school. Pagpasok namin sa hugis-itlog na building, tumambad sa aming paningin ang malawak na soccer ground at hindi mabilang na tiers of seats para sa mga manonood. Matingkad na kulay berde ang kulay ng field at mukhang tunay na damo ang naroon o baka nga tunay talaga. Hindi halatang nasa loob ito ng isang gusali dahil ang mataas na ceiling ng stadium ay ginawang parang langit kung ito'y maaliwalas at maganda ang panahon. Pareho kaming napahanga ni Grace sa ambience ng lugar.

"Grabe pala rito," bulong ko pa sa kaibigan habang umiikot ang mata sa paligid.

"Ngayon ka lang ba napunta rito? Akala ko dinadala ka rito minsan ng kababata mo."

"Once lang ako nakapasok dito – no'ng graduation nila Kuya Marius. Pero dumeretso noon ang sasakyan nila sa harap ng little theater kung saan ginanap ang ceremony at hindi kami talaga nakapaglakad nang matagal sa campus. Hindi rin nila ako tinour."

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon