Alfonso Miguel dela Peña. Bakit parang pamilyar sa akin ang pangalan niya?
Nagkunwari akong dedma sa mga kuwento nila Kuya Marius at Markus, pero ang totoo niyan ay nilakihan ko pa ang tainga para mahigop ko lahat ng detalye tungkol sa pinag-uusapan nila. 'Ika nga sa bibliya, know thy enemy.
"Kuya Markus!" bigla na lang ay tili ni Shelby. Kararating lang nito mula sa kung anu-anong pinapraktis sa school. Binigyan niya kaming tatlo ng light kiss sa pisngi bago nagpakandong kay Markus at magpakita ng exam result niya sa Math. Sumilip din kami ni Kuya Marius at kapwa kami na-impressed. Our little princess is a math genius!
Naamoy siguro ni Mom ang halimuyak ng nag-iisa naming dalaga dahil bigla na lang itong lumitaw buhat kung saan. Excited na tumayo si Shelby at yumakap sa kanya sabay proud na nagbalitang nag-top daw siya sa long exam nila sa math. Dahil daw iyon sa pagtitiyaga ni Markus sa pagtuturo sa kanya.
"Anong si Kuya Markus lang? Di ba tinuruan ka rin ni Kuya Matias ng kung anu-anong algorithms?" nakangisi kong panloloko sa kanya.
"What algorithm? Sige nga, define it," sagot naman ng prinsesita with her taray look. Nilapitan ko siya at lolokohin pa sana nang mapansin ko ang larawan sa suot niyang t-shirt. Nawala ang ngiti ko sa labi nang mabistahan iyong mabuti. Ang bisita ni Ella!
"What are you doing, Kuya Matty?" nakakunot ang noong tanong ni Shelby dahil hinila ko pa ang t-shirt niya at pinakatitigan ang black and white photo roon.
"Who's this bastard? And why are you wearing his t-shirt?" tanong ko in the most innocent voice I could master. Kunwari kaswal din ang tanong ko para hindi rin mahalata nila Kuya Marius na interesado akong malaman kung sino ang lalaking iyon.
"This is Alfie Dela Peña, iyong star football player ng St. James International School," nakikilig na paliwanag ni Shelby. Nakitaan ko pa ng sparkle ang mga mata niya. I scowled at her.
Nakiusyuso na rin si Mom sa t-shirt niya at kinantiyawan na nito si Shelby. Ako nama'y nabwisit. Bakit tila pati ang kapatid ko'y parang nabighani sa kanya?
Kung ako'y na-bad shot sa balita, sina Kuya Marius at Markus nama'y dedma. Excited na silang nag-uusap tungkol sa biglaang pagtaas ng presyo ng bitcoins o iyong digital currency na maaring gamitin pambili ng goods online. Mayroon din akong investments do'n but not as much as my brothers'. Although its rising price is good news to me too, it wasn't enough to make me feel better. Kakaiba ang takot na nararamdaman ko nang mga oras na iyon lalo na nang sabihin ng prinsesa naming halos lahat daw sila sa school ay crush ang lalaking iyon. Hindi nga malayong magkagusto rin do'n si Ella.
"Matias, where are you going?" tanong ni Mom nang walang pasabi akong tumungo sa front door. Sinundan pa niya ako para sabihin sa akin na kailangan kong makabalik in time for dinner dahil gusto ni Dad na magkakasalo kaming lahat sa hapunan.
"I'll try, Mom. Bye," wala sa sariling sagot ko sabay halik sa pisngi niya. Narinig ko sina Kuya Marius na nagsabi kay Mom ng "I think he's being paranoid," sabay tawa.
**********
Nagsusuklay ako ng buhok nang bigla na lang may umarangkadang motor sa bakuran namin. Napasilip ako sa bintana. Kumabog ang dibdib ko nang makita ang mukha ni Matty nang hubarin na niya ang helmet. Dali-dali akong nagwisik ng pabango at minadali ko ang pag-aayos sa sarili. Siniguro ko ring nasa ayos ang kuwarto ko dahil baka bigla na lang siyang pumasok.
I sensed his presence in our living room but I didn't leave my room yet. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi sa lahat ng oras ay magkakandarapa ako sa presensiya niya, kahit na iyon ang totoo. Pakiramdam ko kasi'y natutunugan na niyang patay na patay ako sa kanya kaya lagi na lang ay gino-good time niya ako.
BINABASA MO ANG
MASTER M (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
HumorSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangarap na ni Ella na maging asawa si Matias ngunit binasted siya agad ng kababata pagka-confess niya ng f...