CHAPTER EIGHT

39.1K 1.4K 65
                                    

A/N: Pasensya kung matagal ang update. I was just so busy.

*********

Natigilan ako nang tumigil ang van ng tropa sa harap ng isang pamilyar na hotel sa Baguio City. Napamura ako nang malutong. Lalong nag-init ang ulo ko nang masayang lumabas sa front seat si Dexter, ang emcee namin at ianunsiyo sa lahat na nakarating na kami sa destinasyon namin.

"We're performing here?!" tanong ko. Hindi ako tuminag sa kinauupuan. Ang mga kasamahan ko sa likuran ay nagrereklamo na kung bakit ang tagal kong bumaba.

"Yeah. Didn't I make myself clear?" pasupladong sagot naman ni Dexter at hinampas niya nang marahan ang suut-suot long cap.

"I'm not joining you guys. Kayo na lang!"

Nagtanggal ng sunglasses si Dexter at pinaningkitan ako. Hindi na siya nagsalita pa. Tinitigan lang ako nang matalim. Tinulak ako ng ibang kasamahan na nasa likuran. Bibigwasan ko sana sila nang mabilis na nahagip ng isang kasamahang Brazilian ang braso ko.

"C'mon, man. Let's go! I can't wait to get this over with. I still have a gig at a private party later tonight. I don't want to be late for it."

Hinimok din ako ng ibang kasamahan na huwag nang magmatigas pa. Sayang din ang pera. Dapat ko na lang daw isipin ang kalahating milyong bayad sa isang oras na performance. Napamura uli ako, pero napababa na rin ng sasakyan.

Nilagay ko sa ulo ang hood ng sweater at nagsuot na rin ng sunglasses. Kung dati-rati pabaliktad kong sinusuot ang baseball cap, ngayo'y hindi na. Lalo ko pang binaba sa mukha ang pantakip sa sikat ng araw para walang makakakita sa hitsura ko. Nagmistula tuloy akong hoodlum sa dilim ng gabi.

Nagtatakang pinagtinginan ako ng mga kasamahan. Natatawa ang iba sa kanila. Sinikap ko na lang na huwag silang pansinin. I kept thinking about the money. Sayang din iyon. Nagdasal na lang ako nang lihim na sana'y wala roon ang mga taong ayaw kong makita.

Pinagbihis agad kaming anim ni Dexter pagdating namin sa loob ng hotel. Magsisimula raw agad ang palabas. Wala nang oras para sa ensayo kaya dapat kabisado na namin ang galaw. Sa oras na magkamali raw huwag daw dapat tumigil. Kailangang ipamalas namin sa manonood na parte iyon ng gimik.

Nang magsimula na ang nasabing show, kinabahan ako. Habang sinusuot ko nga ang kapiranggot na kulay ubeng thong ay pinagpapawisan ako. Inisip na naman siguro ni Michael, ang Amerikanong laging nang-aasar sa akin, na siya ang dahilan ng tensyon ko. Panay sulyap nito kay General at sa tuwing nagtatama ang paningin namin ay kumikindat-kindat pa. Winasiwas ko sa mukha niya ang mabagsik kong kamao. Ngumisi lang sa akin ang gunggong. Natukso na naman sana akong pasabugin ang labi niya kung hindi ako tinapik sa balikat ni Dexter. Ako raw ang mauunang lalabas sa entablado. Galingan ko raw at halos kalahati ng audience ay pumunta para sa akin.

Habang sinusuot ko ang puting t-shirt at blue jeans, narinig ko nang pinapakilala ni Dexter ang grupo namin. Tumalon-talon ako sa backstage, trying to compose myself. Pagkarinig ko sa signature jam kong Pony ni Ginuwine, kaagad akong tumakbo sa entablado. Masigabong palakpakan at hiyawan ang sumalubong sa akin. Ang palakpakan ay mas naging nakabibingi nang punitin ko na ang t-shirt at umindayog sa gitna ng stage. Mayamaya pa, nagsilabasan na rin ang lima kong kasama. Umatras ako sa kanila habang nagba-body roll at sabay-sabay naming binaklas ang halos nakapatong lang na blue jeans. Natira ang thong namin na nagkaiba lang sa kulay. Nothing's left with the imagination.

"Master M! Master M!" sigaw ng mga kababaihan.

Dumausdos ako sa pinakadulo ng stage at nang marating ko iyon ay nagpakawala ako ng ilang pumping moves. Nakita kong nagsitayuan na sa kani-kanilang upuan ang audience. Halos nagra-riot na ang mga bading at matrona na nasa bandang front row. Lalo akong ginanahan. Pinagbuti ko pa ang mga pumping moves. Nang may lumapit na babae sa harapan ng stage hinawakan ko siya sa ulo at tinapat doon ang ano ko and I pumped away. Sumigaw siya na parang kinikiliti at nagsukbit ng kung ilang libong papel sa manipis na strap ng thong ko. Nang may lumapit pang isa, gano'n rin ang ginawa ko. Pero nang makita ko ang isang mukhang kolehiyala't maganda hinila ko siya paakyat sa entablado at pinahiga ko. Tinapat ko sa mukha niya ang ano ko while pumping hard. Tawa siya nang tawa. Tinayo ko siya at inikot-ikot sa stage na parang nagsasayaw lang kami sa ordinaryong slow music nang magkadikit ang katawan pero nang bandang chorus na'y binuhat ko siya and we simulated the standing position. Halos magiba ang entertainment hall ng hotel sa tili ng audience. Bago matapos ang kanta, pinababa ko na siya at bumalik na ako sa gitna ng stage at sumayaw na kami as a group. Papatapos na ang performance namin nang mahagip ng tingin ko ang dalawang babaeng ayaw na ayaw kong makita sa hanay ng mga manonood. Si Ella at Mommy.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon