CHAPTER FOURTEEN

41K 1.3K 75
                                    

Napa-double take ako sa chick na umaali-aligid sa amin. I thought she was trying to catch my attention. Pero nang hindi siya ngumiti nang ngitian ko, I knew right there and then that I was not her target. Siniko ko si Markus. Itong utol ko na ito minsan pakiramdam ko autistic. May sariling mundo. Oblivious siya palagi sa nangyayari sa paligid.

"What?" tanong niya sa akin without even looking at me. As usual nakapokus na naman ang atensiyon niya sa kung ano ang ipinunta namin sa tindahang iyon.

"I think somebody likes you," anas ko sa kanya.

"Really? Who?" patanong na sagot. Ni hindi man lang nag-angat ng tingin mula sa pagbubutingting ng skiing gear na gagamitin namin sa skiing escapade sa Swizerland.

Hindi ako nakatiis, hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinaharap sa magandang babae na kanina pa patingin-tingin sa kanya. Napangiti ang girl at napahagikhik din ang mga kasama nito. I guess that gesture of mine gave her confidence. Lumapit siya sa amin at nagpakilala kay Markus.

Siguro kung hindi ako tikhim nang tikhim sa gilid para magparamdam ng presensiya ko, hindi siya mag-abalang balingan ako. Nakakainis na siya, ha? Itong pang-iisnab sa akin ng isang babae ay hindi pa nangyari ever!

"I'm Matias, his brother," pakilala ko na. Nagsilapit na rin ang dalawa niyang kasama. Mga magaganda rin sila, pero nakapokus ang atensyon ko sa babaeng tila walang interes sa akin.

"Nice to meet you," nakangiti niyang sabi sa akin at tinalikuran na ako. Nakipagkuwentuhan na siya kay Markus. Hindi ba niya napapansing walang interes ang utol ko? Masokista yata ito, a.

Pasalamat ako't nag-ring ang phone ni Markus. Nang napag-alaman kong si Dad ang tumatawag, natuwa ako kahit paano. We have an excuse to leave the store. Nakakaimbyerna naman kasi na manatili pa ro'n kung alam mong parang hindi appreciated ang presensiya mo.

"Oh," tila dismayadong sagot ng nagngangalang Cherry nang sabihin naming kailangan na naming umalis. "So when will I see you again, Markus?" pa-sweet pa niyang tanong. Nagpapungay pa ng mga mata niya.

"I don't know," sagot naman ng clueless kung kapatid.

I rolled my eyes. Itong lalaking 'to talaga. Walang kaalam-alam when it comes to having fun. Dahil alam kong wala namang patutunguhan ang usapang iyon, hinila ko na lang siya at umalis na kami roon. Pero siyempre, like the gentlemen that we are, we waved at them before leaving the store. Cherry pouted her lips. I thought she was very cute.

**********

Nakailang ikot kami sa village bago natunton ni Grace ang address ng kaibigan. Isang nakaunipormeng katulong ang nagbukas ng malalaking bakal na gate para papasukin kami. When we got inside, parang naalangan kami pareho. Sa amin lang kasi ang hindi luxury car. Nakakahiya tuloy i-park katabi ng BMW at Lexus.

"Next time, sabihin mo sa dad mo na idispatsa na itong Kia. Puro sosyal mga friends mo't relatives, hindi ka ba nahihiya sa kotseng ito?" biro ko sa kaibigan.

"Nagsalita ang may kotse."

Hindi ako nakasagot sa pang-aasar niya dahil may lumapit sa aming babae. She looked so fabulous! Ni wala siyang masyadong make up. Posible palang magmukhang glamoroso sa suot na shorts mula sa pinutol na maong pants at puting t-shirt na tinanggalan ng kuwelyo at kalahating tela. Labas ang pusod ng girl kaya kitang-kita ko na flat na flat ito at makinis. Nainggit ako. Flat din naman sa akin at makinis pero boring. Hindi ko kayang magpalagay ng tattoo sa ilalim ng pusod kahit na nagagandahan ako.

"Gracie, my baby!" tumatawang bati ng babae kay Grace. Nagbeso-beso sila.

"Looking fabufvckinglous, Cherry pie!"

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon