CHAPTER FIVE

45.5K 1.4K 56
                                    

Kahit ano'ng gawin ko hindi maalis-alis sa aking isipan ang maamong mukha ni Ella, lalung-lalo na ang cute na cute niyang tsinita eyes. Nakakainis lang. Ba't kasi kailangan ko pang maaninag ang mga dunggot niya? Parusa! Tuloy ay kung anu-ano ang naiisip ko.

Napamura ako nang marahan nang pagtingin ko sa ibaba ay makitang halata na ang laman ng isipan ko. Ako pa naman ang susunod na sasalang sa entablado. Mabilisan akong nag-isip ng pinaka-nakatatakot na horror movie na napanood ko. Nanlupaypay na sana si General nang bigla kong naalala na kasama kong nanood no'n si Ella at nasagi ko ang boobs niya nang bigla na lang siyang yumakap sa akin sa sobrang takot. Kasunod no'n naging mabagsik na naman si General. "Fvck!"

"Seemed like you need it," nakangising sabi ni Michael at sumulyap sa harapan ko. Sinadya pa niya akong sagiin lalung-lalo na sa parteng iyon. Umatras agad ako at binigyan siya nang masamang tingin.

"One wrong move and you're dead!" banta ko sa kanya. Nagtaas lang siya ng kilay at tinukso-tukso pa ako by holding his manhood and pointing it at me. He really thought I'm gay. Maturuan nga ng leksiyon. Without even thinking much about it, binigwasan ko siya. Pumutok ang labi niya. Minura niya ako. Tinalikuran ko na lang siya at lumabas na sa entablado. Nakipag-high five sa akin ang dalawang kasamahang Brazilians na katatapos lang sa kanilang routine bago tumuluy-tuloy sa back stage.

Sumasayaw-sayaw na ako sa I'm Too Sexy ng Right Said Fred nang bigla ko na lang siyang naispatan sa mga manonood. I'm dreaming. Saglit akong pumikit pero pagdilat ko nandoon pa rin siya. Hila-hila siya ng kaibigan niya. I panicked inside. Nagpalinga-linga agad ako kung saan pupwedeng umexit. Nahagip ng tingin ko ang senyas ng emcee namin. I knew I was messing up my dance moves, but I had to go! Hindi pa sana tapos ang tugtog pero tumakbo na ako sa back stage. Sinundan ako ni Dexter, ang half-Pinoy, half-Japanese naming emcee. Galit na galit ito. Natigilan ito saglit nang makitang ginagamot ng iba naming kasamahan ang pumutok na labi ng Amerikano. Lalo siyang nabuwisit sa akin nang malamang ako ang dahilan no'n.

"He tried to grope me so I had to teach him a lesson," parang wala lang na paliwanag ko kay Dexter. Inismiran ko pa ang nagdadadada na Amerikano. Ang sabi pa niya sa galit na boses, "Why would I fvcking do that? Are you fvcking implying that I'm gay?"

"Then, why would you grab my cvck?" sagot ko naman.

Sinigawan kami pareho ni Dexter.

"Someone has to go out there. Now!" Tumingin siya sa akin. Hindi pa kasi dapat tapos ang number ko. Tumalikod ako. Lumapit siya sa dalawang Brazilians na ngayo'y nagbibihis na. Umayaw din ang mga ito. Nang walang pumayag sa aming apat, basta na lang niyang kinwelyuhan ang Amerikano at hinila papunta sa entablado. Nangiti ako nang marinig ang tugtog ng YMCA. Pero ang ngiting iyon ay napalis nang bigla na namang lumitaw si Dexter at minanduan akong maghanda dahil isasalang niya ako sa ayaw ko man o gusto. Aangal sana ako nang bigla na lang niya akong dinuru-duro.

"If you refuse, you're gone!"

Sinigawan din niya ang tatlo naming kasama na kararating lang na magbihis na agad-agad at isasalang niya kaming apat. Ang dalawang Brazilians naman ay napangisi sa akin. Huwag na raw akong tumanggi pa. He meant what he said. May nangyari na raw noon na gano'n. Kahit star stripper iyon, pinaalis na lang bigla ni Dexter. Gano'n daw siya ka maimpluwensiya sa management. I thought about all the money that I will lose kung saka-sakali. Nanghinayang ako. Hindi ko pa nababawi ang isang kotseng pinampusta sa drag race. I have to get it back first before I fvck something up. Mahirap nang madiskubre iyon ni Dad bago ko pa magawan ng paraan. Baka hindi na niya ako ibibili ng kotse ever.

Nang tumugtog ang kantang Pony ni Genuwine nawala na sa isipan ko si Ella. Ganado akong lumabas ng entablado kasama ang tatlo pang strippers. Nakadagdag sa excitement ko ang hiyawan at pagwawala ng mga babae't bading sa audience. Nang tumingin ako sa harapan, wala na nga siya. Ang nandoon ay dalawang magagandang babae. Lumapit ako sa kanila and I pumped in their direction. Nagsigawan silang dalawa. Nakampante naman ako. Hindi na ako natakot tumalon sa pinakaharap ng stage, do'n malapit sa audience. Gumiling-giling muna ako bago ko biglang hinablot ang suot kong overalls. Nang tumambad sa mga manonood ang manipis kong thong lalo silang nag-riot. May mga malalakas ang loob na nagtangka pa sanang humablot sa ano ko, pero mabilis akong umatras habang umiindayog na tila tinatakam sila. Ngumiti pa ako nang nakahahalina. Nang nagsibalik na sa kani-kanilang mga upuan ang ilang nangahas manghipo sa akin, saka lang ako bumalik sa pinakadulo ng stage. At ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita na naman siya. Kung kanina nasa malayo pa siya, this time ay nasa harapan ko na.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon