CHAPTER EIGHTEEN

39.1K 1.3K 263
                                    

Ilang oras na lang at aalis na ang eroplano ko, pero wala pa rin si Ella. Naiinip na ako at kinakabahan na rin na baka hindi siya umabot. Kanina pa ako sinasabihan ni Mommy na pumasok ng immigration dahil baka magahol daw ako sa oras, pero hindi ko pwedeng iwan ang Pilipinas nang hindi nasisilayan ang babaeng iyon. Bwisit! Nasaan na kaya iyon?

"Ba't di mo siya tawagan?" suhestyon sa akin ni Markus.

"Nakailang tawag na ako, cannot be reached ang phone niya," naiinis kong sagot. Napaka-impertinenteng suhestyon. Kung pwede, ba't magtitiis ako sa text?

Nagtinginan sina Kuya Marius at Markus. I didn't like what I saw on their faces. Lalo nila akong pinakaba. "Stop, you guys! Pinag-aalala n'yo ako, e!"

"Dapat kasi kanina dinaanan na natin siya," may halong paninising sabi ni Kuya Marius.

"Kayo rin naman ang nagsabi na nag-text sa inyo si Kuya Alden na nakaalis na nga siya no'ng time na iyon, di ba?"

Napahinga nang malalim si Markus at nagpaalam nang papasok daw muna ng airport at baka nagtataka sina Mommy at Daddy kung ano ang ginagawa naming tatlo sa labas.

"Call her again. Heto ang phone ko. Use it," mando sa akin ni Kuya Marius.

Nagsalubong agad ang mga kilay ko. May phone naman ako ba't ko pa gagamitin ang kanya? Saka ko lang na-realize ang nasa isipan niya. He was thinking Ella doesn't want to talk to me anymore! Ni-replay ko agad sa isipan ang huli naming pagkikita. Wala naman akong nakitang palatandaan na ayaw na niyang makipagkita sa akin. Katunayan, ang saya-saya namin no'n. Hagikhikan kami nang hagikhikan sa boardwalk ng MOA. At parang ayaw na naming mawalay sa tabi ng isa't isa.

Pagka-pindot sa numero ng cell phone niya, napahinga ako nang malalim. Hinanda ko na ang sarili sa maaaring mangyari. Baka totoo nga ang sapantaha ni Kuya Marius. Nang marinig kong nag-ring ang phone niya, dumagundong ang puso ko. Mukhang tama nga si Kuya. Hinanda ko na ang mga panunumbat, pero automated machine ang narinig ko pagkatapos. Unattended call. Nanlupaypay ako. Marahil nagtatampo nga siya sa akin. Pero bakit?

**********

"What are we doing here kung hindi rin natin siya pupuntahan?" medyo naiiritang untag ni Grace sa akin. Hindi pa rin kasi ako makadesisyon kung lalapitan si Matty o ano.

"C'mon, Ella! Make up your mind! Masisita na tayo ni Manong Guard kapag hindi pa tayo umalis dito. Babaan lang ito ng mga pupunta ng airport. Bawal dito mag-park."

Napahagulgol ako. Tumigil sa kadadakdak si Grace at inalu-alo ako. Nag-sorry din siya dahil inakalang naiyak ako sa pagtaas niya ng boses sa akin.

"I can't bear to see him go. I can't!"

"Sshh. Hindi ba't sabi naman ng dad niya, he's only staying there for six months? Saglit lang iyon. Before you know it, nandito na uli siya at ginugulo ka."

"You don't know, Matty, Grace. Natatakot ako."

Napahinga nang malalim si Grace. Parang nauubusan na ng words of wisdom sa akin.

"Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?"

Umiling-iling ako.

"E ba't mo siya binoyfriend? Pambihira ka naman, o! Trust is a huge part of any relationship. Kung wala no'n, you might as well set each other free."

Lalo akong napahagulgol. Lalo namang nataranta si Grace.

"Ano ba iyan, Ella!"

Pinagmasdan ko muli si Matty. Nakita ko siyang parang sobrang naiinip na. Nakailang pindot na rin siya sa cell phone ni Kuya Marius at nakailang beses din akong muntik-muntikanang matuksong sagutin ang tawag niya, pero alam kong hindi dapat. I have to let go...

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon