Nakailang texts na ako kay Ella pero ni isa wala man lang siyang sinagot. Para na nga akong timang sa kakasilip ng phone ko maya't maya.
"Stop that. Kanina ka pa. Napapansin ka na ni Dad," anas sa akin ni Markus. Katabi ko siyang nakaupo habang paikot kaming magkakapatid sa garden table nang umagang iyon. Isa-isa na kaming ini-orient ni Dad kung saang negosyo ng pamilya kami babagsak.
Itinago ko saglit ang phone at nagkunwaring nakikinig nang mabuti.
"Are you okay with it, Matias?" bigla na lang tanong ni Dad. Nagulat ako. Hindi ko alam kung ano'ng pinagsasabi niya pero nag-alangan naman akong magtanong dahil seryoso siya. Baka kapag nalaman niyang hindi ako nakikinig ay bibigyan na naman niya ako ng tiger look niya.
"Of course, Dad," sagot ko. Ngumiti pa.
Napatingin sa akin sina Kuya Marius at Markus na parang hindi makapaniwala. Bigla akong kinabahan. Ano ba ang sinabi ng Daddy?
"Bueno, now that it's settled I can tell your Grandpa to stop worrying. We will start with the preparation as soon as you finished your studies here."
Huh? Ano raw?
I glanced at my older brothers asking for clarifications. Napailing-iling si Markus. Nahulaan sigurong umuo ako sa isang bagay na hindi ko alam. May sinisenyas naman si Kuya Marius na tigok daw ako. Lalo akong naguluhan. Nang ibaling ko ang paningin sa dalawang nerds, sina Moses at Morris, todo ngisi sila. Siguro alam din nila na hindi ako nakikinig kanina.
"Dad, may katulong daw bang dadalhin sa Napa Valley si Kuya Matias?" kunwari'y seryosong tanong ni Morris.
"He'll be on his own just like I was when I was there," kaswal namang sagot ni Dad.
Wala siyang kamuwang-muwang na iniinis lang ako ng tipaklong. Pero nagpasalamat na rin ako sa tanong ng kulugo dahil kahit papaano naklaro sa isipan ko kung ano ang inoohan ko nang wala sa oras. Ibinigay na pala nila Grandpa at Dad sa akin ang pamumuno ng plantasyon namin ng ubas sa California pati na rin ang pamoso naming winery. Grabe! I couldn't breathe! Nao-overwhelm ako sa responsibilidad. Here I am, barely twenty-two years old but was chosen to be the new CEO of San Diego Accolade Wines and San Diego Vineyard. Whoah!
"Thank God, I have asthma. I know Grandpa will never ask me to work as his grape picker knowing that my asthma could be triggered by pesticide residues on the grapes," ngingiti-ngiti namang sabat ni Moses. Nagbungisngisan pa sila ni Morris na parang timang.
Grape picker? Teka!
"Don't worry about what your brother said. Sa unang tatlong buwan ka lang naman isasabak sa manual labor. Dad just wants you to be familiarized with the ins and outs of the vineyard before he assigned you to the winery."
"I'll be a grape picker?!"
Nagtaas na ng kilay si Dad. Ano raw ba ang deperensya no'n? Sina Marius at Markus daw naman ay nagtrabaho din bilang mga grape pickers noong kaka-graduate nila sa college.
Tuluyan nang nalukot ang guwapo kong mukha. Nagbungisngisan naman ang mga utol ko bago isa-isang nagsialisan sa garden.
Hindi na maipinta ang hitsura ko nang dumating sina Mom at Shelby na obviously ay kagagaling sa pagsa-shopping sa labas. Our princess kissed my cheeks and even felt my forehead and neck.
"What's wrong, Kuya Matias?"
"Everything," naiinis kong sagot.
Mom asked Dad what made me looked so pissed.
"Nag-iinarte lang iyan," sagot niyang nakangiti at inakbayan na si Mommy. The three of them went inside the house giggling.
**********
BINABASA MO ANG
MASTER M (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
HumorSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangarap na ni Ella na maging asawa si Matias ngunit binasted siya agad ng kababata pagka-confess niya ng f...