Chapter 3: The Bridge

519 70 184
                                    


Note: flashback po ito. Hindi ko na ginamitan ng italic dahil nakalagay naman po na Year 2004.

Chapter 3:
The Bridge

Year 2004

"Pinapabigay ni Renz," sabi ni Carol sabay abot ng bulaklak na papel kay Huimy. Napatigil siya sa pagbabasa ng pocketbook at kinuha ang inaabot nito.

"Uuuyyy!" tudyo nito na panay ang pagsiko sa kanyang braso.

"Talaga? Sa kanya galing ito?" naniniguro ngunit kinikilig na tanong niya. Kumikislap pa ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang bulaklak at inaaamoy-amoy iyon kahit wala naman talagang amoy iyon dahil gawa lamang iyon sa kulay-pulang art paper. Masaya siya nang malamang galing iyon sa binatang nagugustuhan niya. Hindi siya makapaniwalang makakatanggap siya ng bulaklak galing dito.

"Nagkita kami sa labas. Inabot niya 'yan sa akin. Sabi niya ibigay ko raw sa'yo. Mukhang nanliligaw na ah."

"Wow ha! Ang bilis! Kadarating pa lang namin dito ligaw agad?" Nilaro-laro ng kanyang kamay ang talulot ng bulaklak na papel na iyon, hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang labi.

"Kilig ka naman. Halata namang crush mo eh."

"Huwag ka ngang maingay d'yan," sabi niya sabay pabirong inirapan ang pinsan. "Nasaan pala siya?"

"Bakit mo hinahanap?"

"Wala naman, gusto lang mag-thank you."

"Ayon siya oh!" Sabay turo kay Renz na nakaupo sa bench ng basketball court. Nanonood ito sa mga naglalaro.

"Ah sige, puntahan ko muna," paalam niya kay Carol saka tinalikuran na ito at mabilis na nagtungo na ako sa kinaroroonan ng binata.

"Renz!" tawag niya rito nang makalapit. Lumingon naman ito at ngumiti.

"Hay! Ang gwapo talaga niya! Kung nakakamatay lang ang ngiti baka kanina pa ako nakalibing! Ay joke lang, Lord. Huwag muna! Magpapakasal muna kami." Tila nangangarap na sambit niya sa isip habang titig na titig sa mukha ng binata.

"Ikaw pala, halika." Umusod ng kaunti si Renz sa kinauupuang sementadong bangko at tinapik iyon para paupuin siya.

Nahihiya namang lumapit si Huimy at umupo sa tabi nito. Nalanghap niya ang pinaghalong manly scent at sabong ginamit nito. Mukhang bagong paligo ang binata. Abot-abot ang kaba niya ng mga oras na iyon at hindi niya malaman kung anong kuryente itong dumadaloy sa kanyang katawan sa pagdidikit lang ng kanilang mga braso.

"Bakit ba ganito na lang ang epekto sa akin ng lalaking ito?" Bigla tuloy nawala sa isip ang dapat niyang sabihin.

Bahagyang kumunot ang noo ni Renz habang nakatingin sa kanya. "Okay ka lang ba?" tanong pa nito.

Napayuko naman siya dahil sa hiya. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mukha.

Tingin pa lang niya, parang natutunaw na ako, paano ko pa kaya siya kakausapin nito?" bulong niya sa sarili.

Pilit niyang kinalma ang sarili bago nagsalita.

"T-thank you pala ha?"

"Thank you para saan?" nagtataka nitong tanong.

"Dito sa bulaklak na papel na binigay mo. Ang galing mo namang gumawa. Paano mo nagawa ito?" Pinakita niya ang bulaklak na hawak saka kunwaring inamoy-amoy iyon kahit wala naman maaamoy roon.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon