Chapter 16: Confuse

218 47 21
                                    

Chapter 16:
Confuse

December 2004

Kanina pa nakatulala si Huimy. Wala siyang maintindihan sa itinuturo ng kanilang guro sa accounting. Lutang na lutang ang kanyang isip. Para bang naiwan pa iyon sa Bicol kung saan siya nanggaling dalawang linggo na ang nakakaraan.

"Huy, Huimy!" tawag sa kanya ni Trisha sabay siko nang bahagya sa braso niyang nakapatong sa desk.

Wala sa sariling nilingon niya ito at kumunot ang noo. Sinenyasan naman siya nitong tumingin sa kanilang guro na kanina pa siya tinatawag. Maging ang pagtawag pala ng kanilang guro ay hindi na niya narinig dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Bigla siyang nataranta at napatayo.

"Yes Ma'am!" Para siyang sundalo dahil sa tuwid na tuwid niyang pagkakatayo, kulang na lang ay sumaludo siya rito. Natawa naman ang kanyang mga kaklase sa inakto niya.

"Ms. Gonzales, if you're mind is in the outer space, can you please take it back here so you can focus on our lessons?" mataray na turan ng kanyang gurong si Mrs. Legaspi.

Lalong nagtawanan ang kanyang mga kaklase maliban kay Trisha at kay Daryl na nakatitig sa kanya. Napayuko naman siya at nag-sorry na lamang sa guro saka siya nahihiyang umupo.

"Asan ba kasi ang utak mo, girl? Bakit ba tulala ka?" pabulong na tanong sa kanya ni Trisha.

"Ano kasi..." Kinagat niya ang kanyang labi at nag-isip kung dapat ba niyang sabihin sa matalik na kaibigan ang gumugulo sa isip niya. "Si Renz..."

"Susmaryosep!" palatak nito na napahampas pa sa sariling noo. Mabuti na lang at mahina lang iyon kaya hindi ito napansin ng kanilang guro. "Ano ka ba naman, Huimy? Halos 24/7 nang tumatakbo sa utak mo iyang si Renz, hindi ba iyan napapagod? Pagpahingahin mo naman."

Sa halip na matawa siya sa biro nito ay napasimangot siya. Kasalanan ba niyang ma-inlove? Grabe naman kasi siyang ma-inlove daig pa niya ang naka-drugs. Hindi na mawala sa isip niya si Renz mula nang maghiwalay sila noong gabing iyon at palaisipan pa rin sa kanya kung ano ang totoong feelings nito sa kanya.

Ewan, hindi ko alam, siguro.

Paulit-ulit na lang ding tumatakbo sa isip niya ang tatlong salitang iyon na para bang napakalalim ng kahulugan nito sa kanya. Dalawamg linggo na mula nang bumalik siya ng Cavite at dalawang linggo na ring hindi pa nagte-text man lang sa kanya si Renz. Alam naman niyang walang celphone ang binata pero nag-aalala pa rin siya at umaasa pa rin siyang magte-text ito sa kanya kahit isang beses man lang para kumustahin siya. Pinanghahawakan pa rin niya ang pangako nito na hindi siya nito kakalimutan at ang sumpaan nilang bestfriend forever.

"Sa tingin mo ba, mahal din niya ako?"

"Tigilan mo nga iyang mahal-mahal na iyan, Huimy. Mahal rin ang tuition fee natin kaya kung puwede lang mag-focus ka muna sa pag-aaral natin. Parehas tayong babagsak nito e. Pero alam mo, pasalamat ka kay Daryl dahil ipinakiusap ka niya kay Mrs. Legaspi na pabalikin ka kahit super late ka na para sa second sem."

Napatingin naman siya sa gawi ni Daryl. Nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Ngumiti pa ito nang magtama ang kanilang mga mata. Napakabait ni Daryl sa kanya, isa ito sa naging malapit niyang kaibigan sa school na iyon. Ito rin ang unang tumutulong sa kanya sa mga mahihirap na subjects nila tulad ng Html at itong accounting na second major nila. Nakakaloka naman kasing mag-compute ng assets and liabilities.

Natapos ang klase na wala siyang halos naintindihan sa itinuro ng kanilang guro. Nag-aayos na siya ng gamit nang lumapit sa kanya si Daryl.

"Masaya ako na nakabalik ka na," sabi nito sa kanya. Ibinigay nito ang notebook nito sa kanya. "Andiyan ang mga notes ko na hindi mo na-take up para sa prelim exam, hiramin mo muna para mapag-aralan mo."

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon