Chapter 25: The Proposal

206 45 24
                                    

Chapter 25:
The Proposal

"Ano ka ba? Iyon na sana ang tamang pagkakataon para magkakilala ang mag-ama, iniwas mo pa. Loka-loka ka talaga," sermon ni Trisha sa kanya habang nakaupo silang dalawa may couch.

Nasa bahay niya ito para makipagkuwentuhan. Dito ang tambayan nito kapag wala silang pasok sa trabaho. Minsan namamasyal din sila sa mall pero ngayon, wala sila sa mood maggala kaya foodtrip na lang sila sa bahay.

"Hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Baka mabigla si Clark kapag nalaman niyang iba pala ang daddy niya."

"Eh 'di ipaliwanag mo, pitong taon na si Clark. Maiintindihan na naman niya iyon kahit papaano at isa pa, sabik na din 'yon magkaroon ulit ng daddy." Buti na lang at wala si Clark ng araw na iyon, sinundo ito ni Kit para dumalaw sa kanyang ina kung hindi panay na rin ang tanong niyon kapag narinig itong kadaldalan ni Trisha.

Napaisip naman siya sa sinabi nito. Matagal na rin nang mawala si Daryl sa buhay nilang mag-ina. Naging mabuting asawa ito sa kanya at ama para kay Clark. Napakamaunawain nito sa lahat ng bagay at hindi ito nagkulang sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang mag-ina.

Napalapit na rin ang loob niya kay Daryl. Hindi naman kasi ito mahirap mahalin. Ngunit sadyang hindi na nito kinaya ang lung cancer nito. Matagal itong nakipaglaban sa sakit na iyon ngunit sa huli ay hindi na rin kinaya ng katawan. Halos tatlong taon din nila itong nakasama.
Sumagi sa isip niya ang huling sinabi nito bago bawian ng buhay.

"I love you Huimy. Thank you for accepting me into your life. Masaya ako na sa huling buhay ko, ikaw ang nakasama ko."

Nakakapanghinayang talaga ang isang tulad ni Daryl. Lubos kung magmahal at walang katulad. Hindi niya pinagsisisihan na naging parte ito ng buhay nilang mag-ina.

"Kung ako sa'yo mglalakas loob na ako na magsabi sa kanya. Pitong taon din ang nawala sa mag-ama para magkasama at maging masaya. Pati na rin sa'yo."

Napabuntong hininga siya. "Siguro nga tama ka. Pero hindi pa rin ako makapagdesisyon sa bagay na iyon. Para kasing ang hirap, pitong taon kaming hindi nagkita at ngayon bibiglain ko siya sa katotohanang iyon? Hindi pa rin ako sigurado kung may iba ng nagmamay-ari ng puso niya."

"Eh 'di tanungin mo siya. Sabi nga nila, the truth will set you free. Tutal nagkalinawan na kayo tungkol sa nakaraan, ituloy n'yo na, alang-alang kay Clark."

"Bahala na. Sana nga tama ang gagawin kong pagtatapat sa kanya. Bahala na kung anong kapalaran ang naghihintay sa aming dalawa."

Tinawagan niya si Renz sa numero na ibinigay nito sa kanya bago sila magkahiwalay. Ibinigay iyon ni Renz sa kanya sa pag-asang magbabago ang desisyon niya sa inaalok nitong pagkakaibigan.

"Hello Renz, si Huimy ito," bungad niya nang sagutin nito ang tawag.

"Oh best, ikaw pala. Kumusta ka na?" masiglang bati nito. Bahagya siyang napangiti sa endearment na sinabi ng binata. Naalala niya tuloy ang mga panahong maayos pa ang kanilang samahan at ganoon ang tawagan nilang dalawa.

"Okay naman ako. Hmmm... m-may sasabihin sana ako sa'yo," kinakabahang sabi siya.

"Ha? Ano 'yon?"

"P-p'wede ba tayong magkita? Gusto kitang makausap ng personal."

"Oo naman. Saan mo gustong magkita tayo?"

"Ah... sa Robinson's na lang, mamayang alas s'yete."

"Gusto mo bang sunduin na kita sa bahay mo?"

"Ah, hindi na. Kaya ko na. Malapit lang naman 'yon dito. Doon na lang tayo magkita."

"Okay," sang-ayon naman nito.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon