Chapter 27: The Truth

177 43 14
                                    

Chapter 27:
The Truth

Natagpuan ni Huimy ang sarili na umiiyak sa loob ng comfort room. Dito siya nagtungo matapos niyang iwan si Renz sa canteen.

Ang tanga-tanga mo talaga. Bakit mo pa sinabi 'yon? Lalo mong pinagulo ang sitwasyon.

Sinisi niya ang kanyang sarili dahil sa ginawang pag-amin. Hindi niya na dapat sinabi pa iyon. Maayos na ang buhay niya kasama ang kanyang anak at kahit wala si Renz. Maayos na rin ang buhay nito sa piling ni Monique. Bakit kailangang maging kumplikado ang lahat?

Nagulat pa siya sa pag-ring ng cellphone. Kinuha niya iyon mula sa bag at tiningnan kung sino ang nakarehistro roon. Si Trisha. Pinunasan na muna niya ang mga luha saka sinagot ang tawag.

"Oh Trisha, bakit?"

["Nas'an ka na ba? Kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Glaiza. Galit na galit na. Overbreak ka na."]

Nasapo niya ang kanyang noo saka tiningnan ang wrist watch. Magbebente minutos na pala siyang nasa loob ng comfort room. Nawala na sa kanyang isip ang trabaho dahil sa kakaiyak. Hindi na namalayang pati ang trabaho ay naapektuhan na.

"Papunta na ako d'yan. Pakisabi na lang na sumakit ang tiyan ko kaya natagalan ako sa cr."

["Okay, sige, bilisan mo."]

Nawala na ito sa linya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka nagbalik sa trabaho. Pinilit niyang maging maayos ang takbo ng buong araw niya.

Palabas na siya ng building nang may tumawag sa pangalan niya sa 'di kalayuan. Tiningnan at kinilala niya ang babaeng kumakaway habang papalapit sa kinaroroonan niya.

"Hello," nakangiting bati nito sa kanya nang makalapit.

"M-monique?" Bigla siyang kinabahan nang makita ito.

Bakit siya narito?

"Buti naaalala mo pa ako."

"OOo nman. Paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?" nagtatakang tanong niya.

"Si Francis ang nagsabi sa akin. P'wede ba tayong mag-usap?"

Kinabahan naman siya. "T-tungkol saan?"

"Basta. Mamaya ko na sasabihin, tara na!" anito sabay hawak sa kanyang kamay.

"S-saan tayo pupunta?"

"Sa resto. Treat kita."

Napilitan siyang sumama kahit hindi siya kumportable. Mukhang sinusubukan siya ng tadhana. Pati ang girlfriend ni Renz ay makikipag-usap sa kanya ngayong araw na ito. Kung kailan siya umiiwas siya ay saka naman lapit ng lapit ang mga ito sa kanya.

Wala na bang katapusan ang sakit na ito? Torture na ito!

Wala siyang idea sa magiging usapan nila ni Monique pero may kutob na siyang baka si Renz ang topic.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa restaurant na malapit lang sa kanyang pinagtatrabahuhan. Magkaharap silang naupo sa isang maliit na table na nakalaan para lang sa dalawa. Um-order na rin ito ng kanilang pagkain.

"T-Tungkol saan ang pag-uusapan natin?" tanong niya habang kumakain.

Ngumiti ito. "Tungkol kay Renz."

Napalunok siya. Tama ang hinala niya. Agad na dinagsa ng kaba ang kanyang dibdib.

"A-anong tungkol sa kanya?"

"Di ba best friend mo siya?" Tumango lang siya bilang pagtugon. "Alam mo ba kung anong problema niya ngayon? Dalawang linggo na siyang parang wala sa sarili. Hindi ko siya makausap nang maayos. Parang lagi siyang galit."

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon