Chapter 21: A Night with Him

214 47 18
                                    


Chapter 21:
A Night with Him

"Tama na iyan, Huimy. Lasing ka na," saway sa kanya ni Daryl sabay hablot ng hawak niyang baso. Pinipigilan siya nito sa muling pag-inom ng in-order niyang alak.

Nasa bar sila ngayon dahil nagkayayaan ang mga katrabaho niya na mag-bonding. Birthday rin kasi ng isa sa mga katrabaho niya. Hindi naman sana siya sasama dahil wala siyang hilig sa pagpunta sa mga bar. Pero dahil masama ang kanyang loob ay napapayag siya ng mga ito na sumama. Kasama rin si Daryl dahil isa ito sa kaibigan ng birthday celebrant na si Willy at dahil binabantayan siya nito. Masugid pa rin ito sa panliligaw sa kanya kahit makailang ulit na niyang binusted.

"A-akin na iyan. Kaya ko ang sarili ko." Pilit niyang inaagaw ang baso sa kamay nito pero pilit nitong inilalayo.

Bakit pa kasi kailangang magparamdam siya ulit? Bakit parang pinalalabas niya na ako pa ang nagtapon ng friendship namin? Punong-puno ng katanungan ang kanyang isip. Sobrang sama ng loob niya dahil sa mensaheng natanggap buhat kay Renz.

Pinipilit niyang kalimutan ang nangyari pero mahirap! Hirap na hirap siyang tanggapin na ang taong pinahalagahan niya ng sobra-sobra at minahal ng higit pa sa buhay niya ay basta na lang nawala sa kanya. Basta na lang nang-iwan. Hindi man lang pinahalagahan ang kanilang pagkakaibigan. At ngayon lumalabas pa na siya ang hindi nagpahalaga. Kaya heto siya ngayon, iniisip na maaaring makatulong sa kanya ang alak para panandaliang makalimot.

"No, Huimy. Hindi mo na kaya, ihahatid na kita." Hinawakan siya nito sa braso at inakay siya palabas ng bar. Nagpaalam muna ito sa mga kasama bago tuluyan siyang isakay sa kotse nito.

Parang umiikot ang paligid niya kaya pumikit siya at sumandal sa upuan ng kotse. Unang beses niyang mag-inom at hindi niya akalaing ganoon ang epekto noon sa kanya. Ngunit sa kabila ng nararamdamang hilo ay tila hindi naman napapagod ang kanyang isip at puso dahil patuloy pa rin ito sa pagsigaw ng sama ng loob.

"Pagod na ako. Ayoko na!" aniya na ikinukumpas pa ang mga kamay habang nakapikit. Sunod-sunod rin ang pagpatak ng kanyang luha. "Ang sakit-sakit na!"

"Then stop loving him." Napadilat siya dahil sa tinuran ni Daryl. Tumingin siya rito. Abala pa rin ito sa pagmamaneho ngunit bakas ang lungkot at pag-aalala sa mukha nito.

"Aren't you tired of loving me?" tanong niya sa binata. "Did you ever say that to yourself? To stop and never love me again and again?"

"I can't even count how much I told that to myself. Until now, I convincing myself not to love you. I know how much you love him at nahihirapan akong makita kang nagkakaganyan dahil sa kanya. Every time I see you in pain, mas lalo kitang gustong mahalin at alagaan."

"Daryl..." tanging nasambit niya.

Hinawakan naman nito ang kanyang kamay. Nakatuon pa rin ang atensiyon nito sa kalsada at minsan lang lumingon sa kanya. "Kung bibigyan mo lang sana ako ng pagkakataon, ipinapangako kong hindi ka na iiyak. Tutulungan kitang makalimutan siya."

Umiwas siya nang tingin sa binata at itinuon sa labas ng bintana ang mga mata. Sa mga buildings na nadadaanan nila at sa mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada. Napabuga siya ng hangin.

"I can't stop. Gustuhin ko man pero hindi ko kaya. Tulad mo, patuloy ko ring kinukumbinsi ang sarili ko na ikaw na lang. Huwag na lang siya pero makulit ang puso ko. Wala siyang isinisigaw kundi si Renz lang... wala ng iba."

Hindi na umimik si Daryl. Alam niyang nasaktan na naman ito sa kanyang sinabi pero wala siyang magawa. Hindi niya kayang pilitin ang sarili niya. Hindi sa ngayon. Kahit na sobrang nasasaktan siya ngayon, alam niyang si Renz pa rin ang mamahalin ng sugatan niyang puso.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon