Chapter 11: The Pain of Goodbye

258 50 35
                                    

Chapter 11:
The Pain of Goodbye

Nang makabalik na sila sa court ng babaeng bigla na lamang humila sa kanya ay saka lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob para magtanong.

"Sino ka ba talaga? Bakit sinamahan mo ako kina Renz?" Malakas pa rin ang tibok ng kanyang dibdib dahil sa nakita niyang kalagayan ni Renz at dahil sa kaba na baka may nakakita sa kanilang pagpunta roon.

"Relax ka lang. Ako si Shane, pinsan ako ni Renz," nakangiting sagot nito saka nag-abot ng kamay. "Sorry kung nabigla kita kanina ha?"

"P-pinsan ka niya?" hindi makapaniwalang sambit niya. Labis ang kanyang pagtataka dahil hindi naman niya ito madalas makita sa lugar na iyon. Sa katunayan ay ngayon lang niya ito nakita.

Pinagmasdan niyang mabuti ang itsura nito at napansin niya ang pagkakatulad ng mga mata nito kay Renz, katunayan na magkamag-anak nga ito. May kaunting pagkakahawig din ito kay Richell. Maputi ito at may magandang hubog ng katawan, mas matangkad lang ito sa kanya ng dalawang pulgada.

"Yap." Tumango pa ito. "Hindi ako taga-rito sa lugar kaya ngayon mo lang ako nakita. Taga-ibang barangay ako, malapit sa sentro. Minsan lang akong nagpupunta dito. Tuwing may okasyon lang at kapag may laban ng liga ng basketball," mahabang paliwanag nito na para bang sinagot na ang katanungang naglalaro sa isip niya.

Napatango siya sa sinabi nito. "Bakit mo pala ako kilala?" tanong pa niya.

"Lagi kang kinukwento ni Renz. Na-curious ako kung sino ka kaya naman pumunta ako dito para makilala ka," prangkang sabi nito saka ngumiti.

Posible kayang ganoon ako kaimportante sa kanya para ikuwento niya ako sa mga pinsan niya?

"Kinukwento niya ako sa'yo?" Nagtataka man ay nakaramdam siya ng kilig at tuwa sa kanyang puso dahil sa nalaman.

"Oo naman. Wala ngang ibang bukang-bibig kundi ikaw. Akala ko nga ikaw na ang girlfriend niya pero bestfriend lang pala." Naiiling pa ito habang natatawa. Parang nanghihinayang na ewan ang itsura nito.

"Oo. Bestfriend lang kami." Napayuko siya. Bigla ring napalitan ng lungkot ang kaninang sayang nadarama niya. Nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Hindi ka ba niya nililigawan? Sabi niya kasi nagsusulatan daw kayo."

"Oo nagsusulatan kami. Sweet lang talaga siya pero hindi niya ko nililigawan."

"Oo, super sweet talaga iyon kahit sa aming mga pinsan niya. Pero sa mga naging girlfriend niya, hmmmm... ewan ko lang. Hindi naman kasi iyon nagseryoso pa."

"Oo, sinabi nga niya sa akin iyon. Ang kapal nga ng mukha noon eh, sabi niya, siya daw ang nililigawan ng babae," natatawang k'wento niya nang maalala kung paano nito kinuwento noon ang mga naging ex-girlfriend nito sa kanya.

Tumawa rin si Shane. "Naku, sinabi mo pa! Pero totoo iyon, marami ngang babae ang naghahabol doon. Eh, ang landi-landi ni Renz kaya pinapatulan. Iyon nga lang hindi rin nagtatagal. Babaero iyon pero torpe."

"Babaerong torpe? Meron ba noon?"

"Oo. Si Renz!" Sabay tawa ng malakas. Nakisabay na rin siya sa pagtawa nito.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon