Chapter 29: Status: Complicated

189 41 21
                                    

Chapter 29:
Status: Complicated 

Bumalik na sa barracks si Renz matapos ihatid si Huimy sa bahay pero habang nasa sasakyan ay ito pa rin ang laman ng kanyang isip.

Napahilamos siya sa kanyang mukha matapos itigil ang sasakyan sa tapat ng pansamantalang tinutuluyan.

Frustration attacks him. He don't know what to do next. He's  stucked. Iniisip pa rin niya si Huimy at ang napag-usapan nila kanina, maging ang halik na iyon na tinugon nito. Ramdam niyang mahal pa rin siya nito pero kailangan nitong lumayo.

Oh God! I really love her but we're not destined to each other. Ganoon na ba kasaklap ang tadhana para sa aming dalawa? I want her. I need her but... damn! We can't be! And my son! God, I want him. Paano ko magagampanan ang responsibilidad ko sa kanya kung tumutol si Huimy na makasama ko sila?

Hinampas niya ang manibela ng kotse at humagulgol na sumubsob roon. Sobrang nasasaktan siya kaya kahit na lalaki siya, hindi niya mapigilan ang sariling emosyon.

Pinagsisihan na niya ang lahat ng pagkakamali noon pero hanggang ngayon ay sinisingil pa rin siya. Isa siyang malaking gago. Mahal niya si Huimy pero mas pinili niyang mawala ito noon. At ngayong nagkrus ulit ang landas nila, hindi na niya magawang pabalikin ito sa buhay niya. Marahil ito na nga ang katapusan para sa kanila.

Natigilan siya nang biglang mag-ring ang kanyang cell phone. Pinahid niya ang kanyang luha at tiningnan ang screen niyon. Nag-aalinlangan siyang sagutin iyon nang makita ang pangalan ni Monique.

Isa pa ito sa mga pinoproblema niya. Naiipit siya sa pagitan nina Huimy at Monique at hindi siya makapagdesisyon. Tuluyan na siyang pinakawalan ni Huimy at nariyan pa si Monique na walang kaalam-alam sa nangyayari. Nakokonsensiya siya sa mga ginagawa niya. Nakokonsensiya siya sa paglilihim niya dito.

Mahal siya ni Monique at minahal din naman niya ito. Hindi rin naman niya kayang saktan ito pero parang dadayain lamang niya ang kanyang sarili kung magpapatuloy siya sa pakikipagrelasyon sa dalaga.

Nakailang tawag pa si Monique pero hindi niya magawang sagutin ito. Nag-text din ito sa kanya at iyon na lang ang kanyang binasa.

Monique:
Hey loves, why you didn't answer my call? Nagkita na ba kayo ni Huimy? Nag-usap na ba kayo?

Lalo siyang nakonsensiya. Napakabait nito para masaktan lang nang dahil sa kanya. Napabuntong hininga siya bago ito ni-reply-an.

Renz:
Yap. We talk just a while a go. I'm home now.

Monique:
Can i call now?

Renz:
Sure.

Wala pang isang minuto ay tumunog na muli ang kanyang cell phone. Agad niyang sinagot iyon at masiglang bati ang binungad sa kanya ni Monique.

["Kumusta ang pag-uusap ninyo loves?"]

"Okay naman," walang gana niyang sagot.

["Bakit parang hindi naman? Anong napag-usapan ninyo?"]

Hindi agad siya nakasagot. Para siyang nasamid sa tanong nito. Ano bang dapat niyang sabihin?

"W-we just talk about... y-you.
Kinausap mo raw siya para kausapin ako. You don't have to do that. Alam mo namang okay lang ako 'di ba?"

["Eh kasi naman, hindi ko maramdamang okay ka. Ayaw mo namang sabihin sa akin kung ano talaga ang gumugulo diyan sa isip mo. Kaya ayon, si Huimy na lang ang pinakiusapan ko."] Wari'y nagtatampo ang tinig nito.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon