Chapter 7: Promise of Forever

287 51 50
                                    

Chapter 7:
Promise of Forever

Naging masaya ang tatlong linggong bakasyon ni Huimy kasama ang kapatid niyang si Kit sa Bicol. At s'yempre pa, dahil may inspirasyon siya sa lugar na iyon. Palagi silang magkasama tuwing hapon hanggang sa maggabi at walang sawang kuwentuhan at biruan lang naman. Minsan nga lang ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot kapag may pagkakataong sumusulpot sa eksena si Robert at nawawalan sila ng panahong mag-usap. Kapag umeeksena na ito ay kusa nang lumalayo si Renz at nakikipag-usap kay Marikit. Hindi naman niya maiwasang hindi makaramdam ng selos.

At ngayong huling gabi na ng bakasyon nila ay lalo siyang nakaramdam ng lungkot. Ito na rin kasi ang huling araw na makakasama niya si Renz. Higit pang nagpalungkot sa kanya ay ang katotohanang ngayon na malalaman ang sagot ng kapatid niya panliligaw nito.

Iniwan ni Huimy sina Renz at Marikit sa balkonahe para makapag-usap ang mga ito nang masinsinan. Walang gana siyang nagtungo sa kinaroroonan ni Robert. Panay ang salita nito pero hindi naman niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Lutang ang kanyang isip sa katanungan kung anong desisyon ang gagawin ng kapatid.

Kahit na malapit kasi sila sa isa't isa ay hindi pa rin niya alam ang maraming sikreto ng kapatid kahit ang nararamdaman nito. Hindi ito nagsasabi ng kahit ano tungkol sa kanya lalo na pagdating sa nararamdaman. Ayaw naman niyang pilitin itong magsabi sa kanya. Hinahayaan na lamang niya ito na unang magbukas ng usapan patungkol sa personal na damdamin nito.

Pasimpleng sumulyap si Huimy kina Renz at Marikit. Ngayon lamang niya naramdaman ang insecurity sa kapatid. Marahil ay dahil alam niyang ito ang gusto ng taong gusto niya.

I wish I was her, bulong niya sa sarili habang nakatingin pa rin sa dalawang nag-uusap.

"Huimy," tawag ni Robert sa kanya.

"Huh?" Nilingon niya ito na wala pa rin sa sarili.

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" medyo iritable ang boses ni Robert dahil na rin sa pambabalewala niya.

"S-sorry," nasambit na lang niya. She felt guilty. Hindi naman niya gustong balewalain ito.

"Siya ba?" tanong nito na ipinagtaka niya. Hindi niya malaman o wala lang talaga siya sa sarili kaya hindi niya maintindihan ang tinutukoy nito.

"Ha?"

"Huimy, kanina ka pa patingin-tingin sa kanila. Hindi ka rin nakikinig sa akin. May gusto ka ba kay Renz?"

Ikinagulat niya ang tanong na iyon kaya't hindi agad siya nakasagot.

"Halata naman sa'yo noon pa na siya talaga ang gusto mo."

"Sorry," ulit na paumanhin niya saka yumuko.

"Huwag kang mag-sorry sa akin. Dahil sa pagso-sorry mo, alam kong wala na akong pag-asa sa'yo."

Dahil sa guilty na nararamdaman at sa kirot na dulot ng kanyang pagseselos sa kapatid ay tumulo ang kanyang luha.

"Ayaw kong makasakit ng kahit sino, pero tama ka. Gusto ko siya, matagal na... pero si Kit ang gusto niya. Sorry talaga Robert. Hindi kita gusto." Mabilis siyang tumayo at iniwan ang manliligaw.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto at doon ibinuhos ang kanina pang pinipigilang mga luha. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan.

Ano ka ba? Bakit ka ba iyak ng iyak d'yan? Daig mo pa ang namatayan! Ano bang iniiyak mo d'yan? Inlove ka na agad? Tatlong linggo mo lang nakasama? Para kang tanga! Paulit-ulit na pinapagalitan niya ang kanyang sarili.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon