Chapter 10: First Trial

246 51 51
                                    

Chapter 10:
First Trial

Tahimik na sila hanggang sa makarating sa Bulacan. Tanging usapan na lamang ng mga kasamahan sa trabaho na excited na makarating sa lugar ang tanging naging ingay sa sasakyan. Hinayaan na lamang ni Renz si Huimy na tahimik lang na nakayuko. Naiintindihan naman niya ito kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon nito. Hindi naman kasi talaga ganoon kadaling kalimutan ang lahat ng sakit na ibinigay niya rito noon.

Agad na dumistansiya si Huimy kay Renz nang makababa sila ng sasakyan.

"Wow!" Bulalas ng lahat maliban kina Huimy at Renz na hanggang ngayon ay nagpapakiramdaman pa rin.

Nakamasid ang lahat sa napakagandang resort na iyon. Pagbaba pa lang nila ay bumungad na ang napakagandang beach. Malinaw at bughaw na bughaw ang kulay ng dagat na kasing kulay ng kalangitan. May swimming pool din na iba't iba ang laki. May mga cottage din na gawa sa nimfa hut. May mga exclusive rooms para sa mga nag-o-overnight. May mga videoke rin.

"Sa inyo ba talaga ito, Sir Francis? Grabe! Big time!" manghang-manghang sabi ni Trisha. "Ang suwerte ko talaga kapag tayo ang nagkatuluyan."

Natawa na lang si Francis sa sinabing iyon ni Trisha. Nagpatuloy ito sa paglalakad kasabay pa rin ang dalaga. Tuwang-tuwang inililibot sila nito sa bawat sulok ng beach resort. Nakasunod lamang si Huimy na hanggang ngayon ay
hindi magawang i-appreciate ang ganda ng paligid dahil sa tensyon. Hindi pa rin kumakalma ang kanyang puso mula pa kaninang nasa sasakyan sila. Alam niyang hinding-hindi siya mapapakalma hanggang nasa paligid lang niya si Renz.

"Ano ka ba friend? Smile ka naman d'yan. Parang biyernes santo ang mukha mo." Mahinang siniko ni Trisha ang kanyang tagiliran.

"Parang gusto ko ng umuwi," bulong niya sa kaibigan.

"Ano ka ba naman? Kararating nga lang natin gusto mo na agad umuwi. Enjoy naman natin ito. Ganda kaya ng view. Tamang-tama sa pagse- selfie ko." Kinuha pa nito ang cellphone sa bag at nag-post. "Tara picture tayo," anyaya pa nito. Naki-post na rin lang siya kahit pilit ang ngiti.

Hinayaan na lang ni Huimy si Trisha sa kakakuha ng mga litrato. May group picture pa at panay din ang pictures sa mga magagandang view na naroon. Siyempre pa, kasama na ang pagpapa-picture nito kay Sir Francis. Mabuti na lang, hindi suplado itong si Sir Francis at pumapayag sa pagpapa-cute nitong si Trisha.

"Halika! Pipicturan ko kayong dalawa." Nagulat si Huimy nang bigla siyang hilahin ni Trisha palapit kay Renz. Pinandilatan niya ito ng mata ngunit parang balewala lang dito.

"One shot lang, please?" Itinaas pa nito ang daliri bilang sign ng peace. Wala na siyang nagawa kundi ang tipid na ngumiti.

"Move ka pa konti," utos pa ni Trisha kay Huimy ngunit pinandilatan lang niya ulit ito. Sumenyas naman ito kay Renz kaya nagulat siya nang akbayan siya nito. Tatanggalin pa sana niya ang kamay nito sa balikat niya pero biglang nag-click ang camera.

"Okay na souvenir ito para sa reunion ninyong dalawa," masiglang sabi ni Trisha. Lumapit ito sa kanilang dalawa at ipinakita ang picture.

Ngiting-ngiti si Renz habang siya ay parang gulat na gulat na hawak ang kamay ni Renz na nakapatong sa balikat niya.

Bloopers na bloopers ang itsura ko, kakainis talaga itong babaeng ito. Inirapan niya ito pero nakakalokong ngiti lang ang itinugon nito sa kanya.

"I-send mo sa akin ha?" sabi naman ni Renz. Gulat na gulat naman siyang napatingin sa binata.

Ano raw? Gusto pa niya ng kopya ng picture naming dalawa? Nananadya ba siya?

"Oh sure! Open mo ang bluetooth ng cell phone mo," utos naman ni Trisha. Parang close na close ang dalawa kung mag-usap. Nagtawanan pa ang mga ito.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon