Chapter 17: His Feelings

205 48 29
                                    

Chapter 17:
His Feelings

Year 2009

Limang taon ang mabilis na lumipas. Lalong naging malapit sa isa't-isa sina Renz at Huimy. Gabi-gabi silang magkatawagan sa cell phone. Tinupad ni Renz ang pangako nitong araw-araw siyang tatawagan at ite-text. Kahit abala na sila sa kanya-kanyang trabaho, hindi pa rin nila nakakalimutang kumustahin ang isa't isa.

Graduate na si Huimy sa kursong Computer Secretarial at nagtatrabaho na sa Maynila bilang encoder. Secretary sana ang a-apply-an niya ngunit hindi naman siya makahanap ng maayos ng kompanya o walang tumatanggap sa kanya dahil two years vocational lang ang natapos niya. Hindi na kasi niya naipagpatuloy sa four years ang kanyang kurso. Nagkaroon kasi ng financial problem ang kanyang mga magulang kaya hindi na niya naituloy. Napilitan na rin siyang mag-part time noon sa iba't ibang klaseng trabaho para lamang makatapos at makatulong sa ina. Nang maka-graduate siya ay pinilit niya ang kanyang ina na payagan siya nitong mag-apply sa Maynila. Mas malaki kasi ang sahod doon kumpara sa Cavite na provincial rate lang.

Si Renz naman ay nasa Batangas at doon nakadestino. Isa na itong foreman sa pinapasukan nitong construction firm. Mga building ng bangko ang ginagawa nila. Hindi na rin nito nagamit ang kursong kinuha na vocational noon dahil may nag-alok daw dito na magtrabaho roon. Sa pagkakaalam ni Huimy ay nag-aaral na rin si Renz ng engineering habang nagtatrabaho. Iyon din naman ang gusto ng binata noon pa man. Nasa ikatlong taon na ito sa kinukuhang kurso. Natutuwa siya dahil alam niyang nagpupursige ang binata para sa kinabukasan nito.

"Best, hindi ka pa ba inaantok? Mag-aalas dose na. Kanina pa tayo magkausap. Alas-otso pa yata tayo nag-umpisa ng usapan. Ang init na ng tenga ko," sabi niya na halos papikit na ang mga mata. Antok na antok na siya pero parang ayaw pang tapusin ang tawagan nilang dalawa. Para bang kahit paulit-ulit na lang ang pinag-uusapan nila ay hindi pa rin sila nagsasawa.

"Inaantok na rin pero puwede bang kantahan mo muna ako bago ako matulog?" Kabisado na ni Huimy ang paglalambing nito sa kanya.

"Grabe ha? Kailangan may pampatulog?" natatawa niyang biro sa binata.

"S'yempre naman." Narinig niya ang mahinang tawa nito sa kabilang linya. "Gusto kong marinig ang boses mo bago ko ipikit ang mata ko."

Hindi niya maiwasang hindi kiniligin kaya't napangiti siya.

"Sige na nga! Pero huwag kang tatawa ha?"

"Susubukan kong hindi matawa basta gandahan mo ang boses mo. Huwag 'yong boses palaka," biro nito sabay tawa ng malakas.

"Ang bad mo!"

Hindi pa rin naman ito matigil sa katatawa na para bang tuwang-tuwa itong asarin siya.

"Kakanta na ako, huwag kang maingay," saway niya.

"Okay. Game."

Nang tumahimik sa kabilang linya ay inumpisahan na niya ang pagkanta.

Sa puso ko'y ikaw lamang
wala ng iba
Kahit malayo ka'y parang kapiling ka
Sa bawat sandali ika'y naaalala
Walang ibang bukang bibig kundi ikaw sinta.

Alam ko na ang puso mo'y di pa handa
Hindi pa n'ya kayang magtiwala
nandito ako naghihintay sa'yo
pagkat ngayon lang nakakilala ng katulad mo

Sa puso ko'y ikaw lamang ang mamahalin
at mgpakailanman tanging ikaw ang iibigin ikaw ang siyang pangarap ko
ikaw ang buhay ko tanging ikaw
walang iba... sa puso ko

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon