Finale: The Star and Her Wish

236 41 20
                                    

Finale:
The Star and Her Wish

Huimy's POV

Two years later.

Kaybilis nang panahong lumipas. Nasa dalampasigan si Huimy at nagmamasid sa lawak ng karagatan. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. Ang alon ng dagat na tila napakakalma ay nagdudulot ng kapanatagan sa kanyang puso.

Tumingala siya sa langit at napangiti nang makita ang bituin na si Venus. Tulad ng dati, nangingibabaw ang ningning nito at kalakihan sa lahat ng mga bituin. Kayganda ring pagmasdan ang buwan na malapit rito at bilog na bilog. Paborito ng mga mata niya ang tanawing ito tulad rin noong bata pa siya.

Abala siya sa pagtingin sa bituin nang bigla na lang may tumakip sa kanyang mata. Isang pamilyar na kamay na agad niyang hinawakan dahil alam niyang ito lang naman ang mahilig gumawa nito sa akin.

"Alam kong ikaw iyan, Clark," sabi niya saka inalis ang kamay na tumakip sa kanyang mga mata. Humagikhik ito nang lingunin niya.

"Ang galing mo talagang manghula, Mommy," natatawang sabi ng aking anak.

Nakakatuwang isipin na ang batang ito ay lumaking napakaguwapo at mabait. Siyam na taong gulang na ito at mukhang kaunting panahon pa at malalakihan na siya nito. Matangkad kasi si Clark sa edad nitong siyam.

Hinawakan niya ang ulo nito at ginulo iyon. "Lagi mong ginagawa kaya alam ko na. Ikaw talaga."

Tumawa itong muli bago nagsalita, "Hinahanap ka na po ni Tita Trisha, Mommy. Nandoon na po sila sa cottage."

"Okay," aniya saka tumayo. Ipinagpag muna niya ang buhangin na dumikit sa kanyang mga hita. Hinawakan niya ang kamay nito at sabay na silang naglakad patungo sa pinakamalaking cottage na naroon.

Nandito sila ngayon sa Bulacan, sa resort na pag-aari ni Sir Francis. Dito kasi ginanap ang kasal nito kaya naman imbitado ang lahat ng mga kasamahan nilang empleyado sa agency.

"Thank you sa inyong lahat sa pagdalo ninyo sa kasal namin ni Trisha. Cheers!" masiglang sabi nito sabay taas ng basong may lamang wine. Nakaakbay pa ito sa asawang halatang tuwang-tuwa dahil sa wakas ay natupad na rin nito ang pangarap na maikasal sa lalaking matagal na itinatangi ng kanyang puso. Hanga rin naman siya sa determinasyon ni Trisha para lang makamit ang matagal na inaasam na binata. Natatawa na lang siya kapag naiisip niya ang mga kalokohang ginawa nito para lang mapansin ni Sir Francis.

Pagkatapos nang reception ay kanya-kanya nang kasiyahan ang mga bisitang dumalo. May mga nag-iinom na mga kalalakihan at kababaihan sa cottage. Ang iba naman ay nagtungo na sa dagat para maglangoy.

Nakamasid lamang siya sa naglalarong si Clark. Nasa tabing dagat ito at gumagawa ng kastilyong buhangin. Nakaupo naman siya malapit sa bon fire.

"Nandito ka lang pala." Napalingon siya lalaking nagsalita. Napangiti siya nang makita niya ang mukha nitong nakangiti. Kitang-kita ang mga dimples nito sa magkabilang pisngi.

"Renz," nasambit niya habang nakatitig sa mukha nito.

"We've been searching for you all over the resort pero andito ka lang pala at nagsesenti," sabi naman ng babaeng kasama nito kaya't nilingon niya rin ito at nginitian.

"Monique." Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi bilang pagbati. Gumanti naman ito ng yakap.

"Naglalaro kasi si Clark ng buhangin kaya binabantayan ko."

"Hay naku, praning kasi itong asawa mo. Nalingat ka lang ng kaunti akala mo naman nilamon ka na ng blackhole," natatawang sabi nito. Huimy and Monique are good friends now. Malapit na rin itong ikasal sa boyfriend nitong Canadian.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon