Chapter 22: Foolish Heart

240 51 33
                                    

Chapter 22:
Foolish Heart

"I hold on to his promises, but now I finally understand why they say that promises are made to be broken." -Huimy

Higit dalawang linggo ang mabilis na lumipas pero walang Renz na bumabalik at nagpapakita kay Huimy. Ilang beses na ba niyang kinumbinsi ang sarili na baka abala lang ito sa ibang bagay tulad ng sinabi nito na may aasikasuhin lang? Hindi niya sigurado kung ano ang bagay na iyon pero handa na ulit siyang maghintay.

Tanging salitang "mahal kita" ang pinaghahawakan niya. Sigurado na naman siyang ang nangyari nang gabi iyon ay hindi lang isang panaginip. May hinihintay siya at alam niyang babalik. Kung kailan? Iyon ang hindi niya alam.

Umaasa siyang babalik si Renz sa boarding house at susurpresahin siyang muli nito.

Masigla na siya habang nagtatrabaho. Napansin na rin ito ng mga kasamahan niya sa trabaho pero matamis na ngiti lang ang tinutugon niya sa mga ito kapag tinatanong siya. Basta ang alam niya, mahal siya ng taong kanyang minamahal. Sapat na iyon para panghawakan ang isang pangako at maging masaya.

Pagkatapos ng trabaho dumiretso na siya sa bahay na kanyang tinutuluyan. Kapansin-pansin ang isang magarang kotse sa tapat ng bahay ng landlady niya. Nagtaka siya dahil ngayon lang niya ito nakita. Naisip niyang baka sa mayamang kamag-anak ng kanyang landlady at binibisita ito.

Tumuloy siya sa loob at nadatnan niya ang kanyang landlady na si Aling Esther na nakaupo sa sofa. May kausap itong isang babaeng mukhang supistikada at halos ka-edad lang niya base sa itsura at tindig nito. Maganda ito, maputi at mahaba ang wavy na buhok. Mukhang mamahalin din ang mga suot na alahas at damit.

Lumingon ang dalawang babae sa gawi niya nang makapasok siya.

"Nandito na pala si Mayumi. Sige maiwan ko na kayo," sabi ni Aling Esther bago umalis.

"So, ikaw pala si Huimy?" nakataas ang kilay na sabi nito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Wariy kinikilatis ang buong pagkatao niya, tagos din ang tingin nito maging sa kaluluwa niya.

Hindi niya nagustuhan ang tono ng pagsasalita nito at ang estilo ng pagtingin sa kanya kaya tinarayan din niya ito.

"Oo. Ako nga. Bakit? Sino ka ba?" tanong niya rito na nakipagsukatan ng tingin sa babae.

"I'm Amanda, Renz' live in partner," taas noong pagpapakilala nito. Agad na nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwalang ito ang babaeng nagte-text sa kanya noon na asawa raw ni Renz. Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa gulat.

"Pumunta ako dito para ibigay sa'yo ito," anito sabay abot ng isang sobre. "Invitation 'yan para sa kasal namin."

"K-kasal?" Kinakabahang tinanggap niya ang sobre na inabot nito.

Clarenz Sarmiento and Amanda Regado Nuptials

Nanginginig ang mga kamay niya habang binabasa ang nilalaman niyon. Malinaw ang bawat letra na nakasulat roon. At sa bawat letrang nakasulat doon ay tila mga sibat na sumasaksak sa kanyang puso. Lalong naging malinaw sa kanya ang naging katangahan. Paano ba niya nagawang ibigay ang sarili sa lalaking ikakasal na o may ka-live in partner na? Isa siyang malaking gaga para muling umasa. Umasa siya kahit hindi naman talaga niya narinig mula kay Renz ang paliwanag nito tungkol sa babaeng kinakasama nito. Ibinigay pa rin niya ang sarili, nabulag siya ng pagmamahal. Baliw ang puso niya para magmahal ng taong hindi magiging kanya kahit kailan.

Pumatak ang kanyang mga luha sa papel na hawak niya. Naikuyom niya ang kanyang mga palad dahilan para magusot iyon.

"Siguro naman sapat na 'yan para tigilan mo na si Renz. At siya nga pala, eto pa..." Iniabot nito ang isang pregnancy kit.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon