Chapter 6: Happy moments

302 59 49
                                    

Chapter 6:
Happy moments

Year 2004

Matapos ang outing na iyon, hindi na pinansin ni Huimy si Renz. Hindi na niya binabati ito kapag nagkakasalubong sila tulad noong una silang magkakilala. Ni hindi na niya ito nginingitian. Iniiwasan niya ito kahit sa loob-loob niya ay hirap siyang iwasan ito. Kahit kasi isang araw lang silang nagkausap noong araw na dumating siya ay napakagaan na ng pakiramdam niya rito. Ang pakiramdam na komportable na siya kahit iyon pa lang ang unang araw na nagkakilala sila.

Sa totoo lang ay hindi naman siya ang tipo ng tao na madaling magkagusto lalo na at sa loob lang ng isang araw. At hindi rin siya ang taong madaling magtiwala lalo na at unang kita pa lang niya rito. Pero iba ang kaso niya kay Renz. She almost tell her everything kahit noong una pa lang silang magkausap. Halos hindi nga niya nakilala ang sarili niya sa sobrang kadaldalan niya. Madalas siyang tahimik noon at nakikiramdam lang sa paligid niya at sa mga taong nakakahalubilo niya pero paanong sa isang araw lang ay nabago nito ang takbo ng buhay niya, iyon din ang hindi niya maintindihan sa kanyang sarili.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga habang naglalakad pabalik sa bahay ng kanyang tiyahin. Ilang araw na niyang ginagawa ang pag-iwas dito pero hindi pa rin siya mapalagay. Parang kulang ang araw kapag hindi niya nakikita ang ngiti nito.

"Tama lang na umiwas na ako sa kanya dahil lalo ko lang pahihirapan ang sarili ko. Alam ko namang hindi niya ako gusto. Mas mabuti na itong maaga pa lang, patayin ko na ang nararamdaman ko," aniya sa sarili.

"Huimy, galit ka ba kay Hermano?" Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Rico sa kanyang harapan. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan ang paglapit nito. Si Rico ay kababatang kapatid ni Renz na kaedad lamang ni Marikit. Tulad ni Renz ay guwapo rin ito. Maputi at singkit ang mga mata, matangkad ngunit may kapayatan nga lamang ang pangangatawan nito.

"Ha?" Nakaawang ang kanyang labi na nakatingin dito. Bigla rin ang pagkunot ng kanyang noo dahil hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nitong Hermano.
"Sinong Hermano?"

"Iyong Hermano ko. 'Yong nakakatandang kapatid," paliwanag nito na halatang nahihirapang magtagalog.

Ah, Hermano pala ay Kuya sa salitang bicol. Ngayon ko lang nalaman. Napatango-tango siya at biglang natawa.

"Akala ko kung sinong Hermano, kuya mo pala."

"Oo. Kuya ko nga. Kuya pala ang tagalog sa hermano." Napakamot pa ito sa ulo dahil sa pagkapahiya. "Galit ka ba sa kuya ko?" ulit na tanong nito.

Hindi agad siya nakasagot. Hindi kasi niya alam kung dapat ba niyang sabihin dito na umiiwas lang siya dahil may gusto siya sa Kuya nito at ayaw lang niyang masaktan kapag tuluyan na siyang nahulog dito.

"Hindi," tipid na sagot niya. Totoo naman iyon, hindi naman talaga siya galit, hindi rin masama ang loob niya. Siguro hindi lang talaga niya kayang isiksik pa ang kanyang sarili sa taong hindi naman siya gusto.

"Bakit 'di mo pinapansin si kuya?"

Lalo siyang natahimik at hindi malaman kung ano ang eksaktong isasagot. Matagal siyang nag-isip kung ano ang dapat sabihin.

"Hindi ah. Busy lang siguro ako kaya hindi ko siya napapansin. Pasensya na kamo," pagdadahilan niya.

"So, okay na kayo ni kuya?" ngiting-ngiting sabi nito sabay thumbs up.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon