Chapter 5: Sadness

301 67 132
                                    

Chapter 5:
Sadness

Year 2004

Kanina pa kinukulit ni Robert si Renz mula pa nang makita nito si Huimy sa may basketball court. Mukhang tinamaan talaga ang kaibigan niya sa bagong saltang bakasyunista. Tanong nang tanong ito tungkol kay Huimy at niyayaya siyang puntahan ito sa bahay ng tiyahin nito. Gumawa pa ito ng bulaklak na papel para sa dalaga at nais nitong si Renz ang magbigay.

"Sige na pare, mas guwapo ka sa akin kaya mas papansinin ka noon kapag ikaw ang unang lumapit."

"Loko talaga ito, ginamit pa ang karisma ko para sa panliligaw niya. Wala talaga itong sariling diskarte. Tsk!" sabi niya sa sarili.

Matagal na niyang kaibigan itong si Robert. Magkaklase sila mula elementary hanggang highschool at magkapitbahay lang sa baryong iyon. At sa tuwing may natitipuhan ito ay lagi na lang hinihingi ang kanyang tulong. May pagkatorpe kasi ito pagdating sa mga babae.

"Ikaw itong nakaisip manligaw tapos ako ang magbibigay ng bulaklak? Baka sa akin mainlove 'yun, sige ka!" pagbibiro ko.

"Yun lang! Walang ganyanan pare!" Bahagyang napikon ito sa biro niya base sa pagkalukot ng mukha nito.

"Joke lang. Akin na nga!" aniya sabay kuha ng bulaklak na kanina pa nito ipinipilit na ipabigay sa kanya.

"Salamat pare!" Masiglang sabi nito saka mabilis na tumayo at tinungo ang pinto palabas.

"Oy teka! Akala ko ba sasamahan kitang manligaw bakit aalis ka na?" Nagtatakang pinigilan niya ito sa may braso.

Napakamot naman ito sa ulo. "Inuutusan pa kasi ako ni Papa eh, kaya ikaw na muna magbigay, susunod na lang ako sa'yo sa court kapag nabigay mo na." Paalam nito sabay karipas ng takbo. Hindi na niya napigilan ito kaya napailing na lamang siya.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang maalala ang mukha ng dalagang nakangiti sa kanya kanina. Hindi niya maipaliwanag ngunit unang kita pa lamang niya rito ay magaan na ang pakiramdam niya. Para bang matagal na niya itong kilala.

Malapit lang ang bahay nina Renz sa bahay na pansamantalang tinutuluyan ni Huimy. Sapa lang ang pagitan niyon. Napagpasyahan niyang magtungo na sa bahay ng tiyahin ni Huimy para ibigay ang bulaklak na pinapabigay ni Robert. Ngunit bago pa man siya nakarating sa bahay na iyon ay nakasalubong na niya si Carol.

"Hi Carol!" masiglang bati niya sa dalaga nang magkalapit sila.

"Oh Renz, ikaw pala. Anong sa atin?" ganting bati nito.

"Ah, pakibigay naman ito kay Huimy," sabi niya sabay abot ng bulaklak. Kinuha naman nito iyon at matamis na napangiti.

"Wow! Ang sweet naman," sabi pa nito na parang kinikilig pa.

"Ah, hindi---"

"Ah sige, nagmamadali kasi ako," paalam nito sa kanya kaya naman hindi na niya nasabing kay Robert galing ang bulaklak. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo habang nakatanaw sa papalayong pigura nito. Nagpunta na lamang siya sa basketball court at doon hinintay si Robert.

Habang abala si Renz sa panonood ng mga naglalaro ay dumating naman si Huimy. Nag-usap sila patungkol sa ibinigay na bulaklak ni Robert. At dahil sa gulat sa tanong nito kung may gusto siya sa kapatid nito ay kung ano na lamang ang lumabas sa kanyang bibig na hindi niya sinasadya.

Nalungkot siya nang makita ang pagkadismaya sa maganda nitong mukha pero hindi niya magawang bawiin ang kanyang sinabi kaya't pinanindigan na lamang niya.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon