Chapter 12: His Thoughts

256 51 28
                                    

Chapter 12:
His Thoughts


Humugot ng malalim na buntong hininga si Renz habang ang mga mata ay nakamasid pa rin sa paggalaw ng tubig ng swimming pool kung saan nakaupo siya sa gilid niyon. Tagusan ang tingin niya na para bang doon nakaguhit ang mukha ni Huimy. Naiwan siyang tulala matapos siyang hindi kausapin ni Huimy. Aminado siyang nasaktan siya sa pag-iwas nitong kausapin siya pero hindi naman niya masisi ito dahil sa laki ng kasalanan niya rito.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang mag-ring ang kanyang celphone na nakalagay sa bulsa ng kanyang cargo short. Agad siyang tumayo at sinagot ang tawag na iyon.

"Hello, Richell. Kumusta na si Mama?" bungad niyang tanong sa kapatid.

"Ayos na siya Kuya, nakalabas na siya ng hospital. Kinunan lang ng dugo para sa blood test, medyo mababa ang dugo pero okay na. Maintenance na lang ng gamot para hindi na ulit mahilo si Mama."

Gumaan naman ang loob niya sa narinig. Isa pa iyon sa inaalala niya kanina bago siya magtungo sa resort at sumama kay Francis. Makailang beses na naman kasing isinugod sa hospital ang ina niya at hindi niya maiwasang hindi mag-alala.

"Mabuti kung ganoon. Sabihin mo kay Mama laging magpahinga at huwag magpagod masyado," paalala niya sa kapatid.

"Oo Kuya, huwag ka nang mag-alala. Kumusta pala ang bagong na-assign sa'yong project? Sa Cavite iyan 'di ba?"

"Oo. Sa Cavite nga..." aniya kasabay ang buntong hininga.

"May problema ba Kuya?" Alam niyang napansin nito ang kaibahan ng tono ng kanyang boses. Kilalang-kilala siya nito kahit pa nga hindi sila nagkikita ay pansin nito kapag may gumugulo sa kanya. "May problema ba kayo ni Monique?"

"Wala. Wala kaming problema ni Monique. Ang totoo niyan, nagkita kami ni Huimy sa Cavite at magkasama kami ngayon dito sa Bulacan."

"Anooo? Si Huimy? As in si Mayumi Gonzales na best friend mo noon? P-paanong..."

"Kalma ka lang. Alam mo naman taga-Cavite siya 'di ba?"

"Oo."

"Then, it happened na malapit lang ang lugar kung saan ako nadestino, sa lugar kung saan din siya nagtatrabaho. At ang nakakatawa, katrabaho siya ni Francis."

"What a small world, Kuya. Mukhang sinadyang pagtagpuin ulit kayo ng tadhana. So, anong plano mo?"

"I tried to talk to her but I guess, she's still mad at me. Ayaw niya akong kausapin," malungkot niyang saad.

"Kuya,"

"Hmmm..."

"Do you still love her?" tanong nitong ikinagulat niya. Hindi niya agad nasagot ang tanong na iyon. He caught off guard.

Kagigising niya lang mula sa mahabang pagkakatulog dahil na rin sa kanyang sakit. Halos tatlong araw din siyang nilagnat dahil sa sugat na natamo niya buhat nang maaksidente siya sa kakahuyan. Nasa kuwarto lang siya at nagpapahinga.

Medyo okay na rin ang kanyang pakiramdam. Bumaba na ang lagnat niya pero sariwa pa rin ang sugat sa kanyang mga paa. Nang magpunta sila sa bukid ng kapatid niyang si Rico, hindi niya napansin ang kawayang nakatulos sa may daan at natapakan niya iyon. Mula nang hindi na sila magpansinan ni Huimy ay parang wala na siya sa kanyang sarili. Madalas siyang mawala sa focus. Laging tumatakbo sa isip niya si Huimy.

Miss na miss na niya si Huimy at kahit sa panaginip niya ay ito ang laging laman. Wala na nga yatang araw na hindi ito tumakbo sa isip niya. Gustong-gusto na niya itong muling makita. Gusto niyang puntahan ito at kausapin pero hindi niya magawa. Kung mabilis lang sana maghilom ng kanyang sugat ay ginawa na niya.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon