Chapter 19: Hopeless

249 51 23
                                    

Chapter 19:
Hopeless

Hindi pa rin mawaglit sa isip ni Huimy ang ginawang paghalik ni Renz sa kanyang pisngi. Minsan naiisip niyang tanungin ito ngunit nag-aalangan naman siya. Wala naman kasi itong nababanggit tungkol sa nararamdaman nito sa kanya. Nakukuntento na lang siya sa paniwalang SPECIAL siya para sa binata at nararamdam rin naman niya iyon.

Tumingala siya sa langit at tumitig sa bituin na lagi niyang pinagmamasdan at kinakausap.

"Sa tingin mo Venus, mahal din kaya niya ako? Bakit kaya hindi niya masabi?" Iyon na naman ang tanong na gumugulo sa isip niya. Ilang beses na ba niyang itinanong iyon sa bituing iyon? Maraming beses na at hindi na niya mabilang.

Nagulat siya sa biglang pagtunog ng kanyang celphone na nasa loob ng kanyang bulsa. Agad niyang binuksan ang inbox at napangiti siya nang malaman kung kanino galing iyon.

Renz:
Best, gising ka pa ba? Magpapaalam sana ako sa'yo. Uuwi kasi ako sa Bicol. Ikakasal ang pinsan ko next week.

Huimy:
Ah ganoon ba? Magtatagal ka ba doon?

Renz:
Tatlong araw lang ang leave ko. Tutulong kasi kami sa pag-aasikaso.

Huimy:
Ah, okay. Ingat ka ha? Nga pala may itatanong ako kung okay lang sa'yo?

Renz:
Sige. Ano 'yon?

Biglang dinagsa ng kaba ang kanyang dibdib. Magtatapat nga ba ulit siya ng nararamdaman? Ilang beses na siyang rejected pero patuloy pa rin siyang umaasa. Pero wala namang masama kung alamin niya 'di ba? Mabuti na iyong alam niya kaysa naman patuloy pa rin siyang umaasa.

Makailang ulit siyang bumuntong hininga para makaipon ng lakas ng loob saka nanginginig ang mga kamay na pinindot ang keypad para ita-type ang nais niyang sabihin.

Huimy:
May feelings ka rin ba sa akin? Kasi ako mayroon pa at hindi nagbabago mula pa noon.

Limang minuto na ang lumipas mula nang i-send niya ang mensaheng iyon ngunit wala pang reply galing kay Renz. Lalo siyang kinabahan.

Bakit pa kasi tinanong ko ang bagay na iyon? Ang tanga-tanga mo, Huimy. Paano kung ikasira ng pagkakaibigan ninyo iyon?

Nasabunutan niya ang sarili lalo na nang sampung minuto ang muling lumipas ngunit wala pa ring mensahe galing sa binata. Tinext niya ulit ito.

Huimy:
Nakatulog ka na ba? Bakit 'di ka na nag-reply?

Naghintay pa rin siya ngunit wala pa ring reply. Hindi na niya maipaliwanag ang nararamdaman. Gusto niyang malaman ngunit natatakot naman siya sa isasagot nito.

Paano kung wala talaga siyang feelings sa akin? Siguro parang sinaksak ko na ang sarili ko noon. Lord, ano bang dapat kong gawin?

Lumipas pa ang bente-minutos ngunit wala pa ring mensahe galing kay Renz. Nakatulog na siya sa paghihintay. Naalimpungatan na lamang siya nang muling tumunog ang kanyang cell phone. Inabot niya ito mula sa pagkakapatong sa side table. Dahan-dahan niyang in-open ang inbox.

Renz:
Patayin mo na ang feelings mo para sa akin. Mas nananaisin ko pang maging kaibigan ka habang buhay kaysa ang mawala ka sa akin. Mas nagtatagal ang friendship kaysa love. Marami kang makikitang mas karapat-dapat sa'yo. Ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo. Kung dumating 'yong panahon na makalimutan mo ako at ako naman ang may feelings para sa'yo, hinding-hindi mo na malalaman pa 'yon. Mas mabuting ako na lang masaktan kaysa ikaw.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon