Author's Greetings and Revelation

222 37 24
                                    

Hay sa wakas... natapos ko rin ang #TeamStress. Iyon ang tawag namin sa istoryang ito nang mga kaibigan ko. Sobrang na-stress kasi talaga ako sa paulit-ulit na revision nito. And finally, I guess matapos ang apat na beses na pag-revise sa story na ito, I'm proudly say na eto na talaga. Tapos na po talaga siya! Final revision na at wala ng kasunod. Masakit po sa bangs mag-edit e. Mas okay pang magsulat ng bago kaysa mag-revise. Haha.

Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa istorya nila Renz at Huimy. Sa mga taong pinakaunang nag-comment at nag-vote. Specially kina: CrystalineG na unang bookclub admin na nakilala ko sa wattpad at nakabasa ng pinakaunang revision nito.
AnneJunio1 na isa sa naging pinakamalapit sa puso ko at kahit wala na siya mananatili pa rin siyang malaking bahagi ng journey ko sa pagsusulat.  OneTimeLover, ang Lolo ng bahay namin, isa rin sa unang nagbasa nito. Apir!
eniluac na number 1 fan ko raw. XD. Salamat sa support.
and MJasMbay na siyang kauuna-unahang nag-abang at nag-comment sa story na ito.

Special thanks din kay _zymielicious MerrygraceAguilia Black_Mystery12 at unSilverme natuwa po ako na nagustuhan ninyo ang istoryang nakaka-stress na ito. Sorry po sa sakit sa bangs na dinulot ni Renz sa inyo. Pepektusan ko na lang po siya para sa inyo.

At thank you rin kay OvrelJabelgas na nakikita kong nagbo-vote ng mga bagong update ko.

Siyempre hindi ko makakalimutang magpasalamat sa mga kapatid kong manunulat na sina LettersOfAlessa at SheilaValente, kayo ang mga inspirasyon ko. At siyempre kay Kuya Leaumore na ngayon ay naka-mushroom mode. Miss ka na namin at isa rin siya sa kapatid ko dito sa wattpad.

Nagpapasalamat din ako sa mentor ko, Emerald_Blake158 maging sa editor ko eleeyanna. Kung hindi dahil sa mga natutunan ko sa inyo hindi magiging matagumpay ang revision na ito.

Maraming salamat din po doon sa mga readers na lihim na kinilig at napaiyak ni Huimy. Pati na rin doon sa nainis kay Renz. Sorry din doon sa mga nai-stress. Talagang nakaka-stress po sila, sorry kung dinamay ko kayo. XD

I really really appreciate the time you gave for reading this story.
I'm happy and blessed. Masaya ako na na-enjoy ninyo ito.

At sana po patuloy ninyong suportahan lalo na at na-publish na ito as real book. Thanks to Binhi Publishing family. Sa mga gustong mag-avail, pm lang po. :)

Anyway for the revelation...

Ang istoryang ito ay hango sa tunay na LOVESTORY ng WRITER... Ako po iyon! 😂😂😂

Although hindi po lahat ng eksena dito kundi iyon lang pong teenager pa si Huimy hanggang sa live in issue ni Renz. Nagkabati pa naman po kami ng tunay na Renz noon after the live in issue at naging bff pa din.

'Yung nagkaanak po sila ni Renz kathang isip na lang po iyon. XD. Pero 'yong ibang mga linya na nabasa ninyo roon ay galing sa totoong Renz. Gaya ng:

"di ko kayang mawala ka sa akin"

at ang pag-iyak niya. Pati na rin yung line na:

"Hindi nagwawakas ang forever"

at

"bakit hindi mo ako hinintay?"

Paano po ba hintayin ang taong hindi mo alam kung ano ka ba talaga sa kanya? HANGGANG NGAYON puzzled pa rin ako at hindi ko alam kung minahal din niya ako. Kasi tulad ng linya ni Renz;

"kung dumating ang panahon na ako naman ang inlove sa'yo... hindi mo na malalaman pa iyon."

Anyways, hindi po nagkatuluyan ang Huimy at Renz in real life.
Kasi ang totoo po... WALANG FOREVER.

Ginawan ko lang ng happy ending ang istorya namin ng BESTFRIEND ko na first and greatest love ko. XD. Hindi ko nga alam kung bakit at anong pumasok sa kukute ko at isinulat ko na lang ito. Wala nga dapat happy ending pero nahiya naman ako doon sa mga sumubaybay kahit matagal ang update. Na-stress na nga sila ng bongga sa kahihintay, pati sa ending ba naman mai-stress pa sila. Kawawa naman 'di ba?

Pero kahit po walang forever sa aming dalawa ng tunay na Renz, thankful pa rin ako dahil natagpuan ko na ang tunay na ka-forever ko. I'm happily married with my husband. And blessed with my four kids.

At iyong bff ko... happy na din siya with his wife at may baby na rin sila. And I am happy for them.

Pagkatapos kong malaman noon na seryoso na talaga siya girlfriend niya ngayon, nasaktan pa rin ako. Akala ko makakaiwas na ulit ako at tatapusin ko na sana ulit ang pagkakaibigan namin. Isang taon ko siyang binlock para makapag-isip kung inlove pa nga ba ako sa kanya?

Then I realized na siguro nabigo lang ako sa paghiling sa bituin at ang lalaking hiniling kong makasama habang buhay ay hindi bilang magiging asawa kundi magiging panghabangbuhay na kaibigan.

I'm greatful na nalagpasan namin ang trials as best friends at ngayon ay no hard feelings na. Masaya na akong nakakapag-usap pa rin kami paminsan-minsan. Although, ang sabi nga niya... mahirap na talagang ibalik ang dati. May kanya-kanya na kaming buhay at marami ng bagay na pinagkakaabalahan pero kahit na magkalayo pa kami, magpapatuloy pa rin ang aming pagkakaibigan.

Kahit hindi kami nagkatuluyan... masasabi kong, totoo pa ring may forever.

BEST FRIEND FOREVER.

Again... thank you po sa inyong lahat. ♡♡♡

P.S.

Hindi rin po Renz ang real name ni bff... secret na lang po iyon baka search ninyo pa sa Facebook. XD

Promote ko na din po ang mga stories ko.

Operation: MOVE ON (Wattys 2017 Winner)

Love that is Hopeless

♡Draw Me Closer (Si Mr. Kulit at si Ms. Kikay)

♡Highschool Memories

I love you, Bitch

Godbless. Mwuaaah.😘😘😘

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon