Chapter 31: Last Goodbye

200 43 21
                                    

(Please play the video on the media para mas feel na feel ang mga hugot sa scene na ito. Goodluck po sa mga puso natin. Haha.)

Chapter 31:
Last Goodbye

Pinuntahan ni Huimy si Monique kahit sa Maynila pa ito nakatira. Nais niyang kausapin ito ng personal kahit alam niyang galit ito sa kanya. Tinanong niya kay Sir Francis kung ano ang address nito. Agad namang ibinigay niyon.

Nasa harap na siya ng bahay ni Monique. Isang bungalow style na bahay, hindi naman gaanong kalakihan. Kumatok siya at tinawag ang pangalan nito nang paulit-ulit. Binuksan naman nito ang pinto. Halatang mugto rin ang mga mata nito sa pag-iyak. Lalo siyang naawa sa kalagayan nito. Kasalanan niya kung bakit naghihirap ang kalooban nito ngayon.

"Bakit ka nandito?" mataray na tanong nito. Masama ang tingin nito sa kanya at nakataas pa ang mga kilay.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Anong dapat nating pag- usapan? Hindi ako interesado sa sasabihin mo." Aktong isasara nito ang pinto ngunit mabilis niyang pinigilan iyon. Agad niyang iniharang ang kanyang kamay.

"Pakinggan mo muna ako. Pakiusap, limang minuto lang," may pagmamakaawang sabi niya.

"Sige." Pinagkrus nito ang mga braso.

Natuwa naman siya sa naging sagot nito kaya't napangiti siya ng tipid bago nagsalita, "Alam kong masama ang loob mo dahil hindi na
min sinabi sa'yo ang totoo. Pero wala talaga kaming naging relasyon ni Renz. Mag-bestfriend lang talaga kami. Ngayon nga lang niya inamin na minahal niya ako. Pero hindi ko siya pinayagang maging parte ng buhay namin ng anak ko dahil alam kong masasaktan ka. Ilang beses ko siyang kinausap na huwag kang iwan. Ilang beses ko din siyang iniwasan pero hindi siya nakinig."

"Kahit ano pang sabihin mo, ginulo mo pa rin kami ni Renz. Dapat hindi na kayo nagkita. Dapat masaya na kami!"

"Sorry, hindi ko sinasadyang guluhin kayong dalawa." Napayuko siya at napaluha.

"Huimy." Nagulat siya nang hawakan ni Monique ang kanyang kamay. Sa isang iglap ay biglang naging maamo ito. Malumanay na rin ang boses nito. Tumunghay siya para tingnan ito.

"Hindi ako masamang tao, Huimy. Sorry kung nasaktan kita kanina. I'm so hurt. Mahal na mahal ko si Renz."

"Alam ko Monique kaya hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Lalayo na kami ng anak ko para wala ng gulo."

"Hindi, Huimy. Hindi mo kailangang gawin iyon." Biglang bumaba ang kanina'y mataas na boses nito. May lungkot sa tinig nito. "Na-realize ko na siguro nga kayo ang para sa isa't isa. Kasi pinagtagpo ulit kayo. At ako naging panakip- butas lang noon. Siguro may ibang lalaking nakalaan para sa akin."

"Monique..." nasambit niya habang nakatitig sa mukha nito.

"Pinapaubaya ko na siya sa'yo. Karapatan n'yo ding sumaya. At hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko sa lalaking ayaw sa akin. I deserve someone better. Ire-reserve ko na lang ang puso ko sa iba."

"No, Monique!" Hinawakan niya ang balikat nito at seryosong tinitigan sa mga mata. "Kaya kong buhayin ang anak kong mag-isa. Nagawa ko na iyon noon, kaya ko pa rin ngayon kahit wala si Renz."

"Pero Huimy..."

"I want you to be happy, Monique. Tanggap ko na ring hindi kami para sa isa't isa ni Renz. I let him go."

Niyakap siya ni Monique na may bahid ng luha sa mga pisngi. Halatang masaya ito sa narinig mula sa kanya. Napaluha rin naman siya. Inaamin niyang mahirap para sa kanya ang pakawalan ang lalaking minahal mula pa man noon pero kailangan.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon