Chapter 28: Goodbye Kiss

183 42 27
                                    

Chapter 28:
Goodbye Kiss

 "Pwede ko bang makilala ang anak ko? Gusto kong malaman niyang ako ang kanyang ama," pakiusap ni Renz.

"Mas mabuting huwag na lang, Renz," pagtanggi niya. Sa tingin niya ay mas magiging mahirap para sa kanilang lahat kung papayag siya. At isa pa, walang alam si Monique sa nangyari sa kanila ni Renz, magiging malaking gulo lang iyon kapag nagkataon.

"Pero may karapatan ako sa kanya dahil anak ko siya."

"Ayoko nang paasahin ang anak ko na makakasama ka namin. I-settle mo na lang ang buhay mo kay Monique. Gumawa kayo ng sarili ninyong pamilya. Huwag mo na lang kaming guluhin ni Clark." Pinipigilan niya ang sariling hindi mapaiyak. Naninikip ang kanyang dibdib habang sinasabi iyon ngunit pinapatatag niya ang sarili sa harapan nito.

"Hindi ko kayo guguluhin. Responsibilidad ko siya, dapat noon ko pa nagampanan ang pagiging ama ko sa kanya kung..." Yumuko ito bago muling nagsalita. "Kung sana... hindi ka nagpakasal sa iba."

"Wala na tayong magagawa sa bagay na iyon, Renz. I made a decision na sa tingin ko, hindi ko na rin kailangang pagsisisihan pa."

Nagpakasal siya kay Daryl dahil iyon ang sa tingin niyang tama. Alam niyang nagpadalus-dalos siya sa naging desisyon pero nasasaktan siya ng mga panahon na iyon. Hindi niya alam kung may Renz pa na babalik matapos niyang malaman na nakabuntis ito at magpapakasal na.

"Nagkamali ka rin kaya huwag tayong magsisihan," dugtong pa niya.

"Alam ko, all my life I've been regreting all my wrong decision. My life was a mess since you've been gone. Ang hirap mag-move on, Huimy. Gusto kong burahin ang lahat ng alaala ng nakaraan para lang makalimutan ka noon pero ang hirap. Then Monique came into the picture." Nakita niya ang luhang pumatak sa mga mata nito.

"Kaya nga mas makabubuting ituloy mo ang relasyon mo sa kanya at pabayaan na lang kami ng anak ko." Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang luhang nais kumawala sa kanyang mga mata.

Ito ang pinakamahirap sa kanya. Iyong makita ang taong minahal niya noon na umiiyak sa kanyang harapan ngayon, nagsasabing mahal siya pero huli na ang lahat. Kung sana noong una pa lang, nalaman na niya ang damdamin nito para sa kanya, siguro hindi na aabot pa sa ganito.

"H-hindi na ba kita mapipilit pa?"

Nakaramdam siya ng awa kaya't hinawakan niya ang kamay nito.

"Mahal kita... pero ayokong may masaktang iba dahil sa akin. Mas makabubuti ito para sa ating dalawa. Isipin mo na lang na hindi tayo nagkita o nagkakilala."

"Hindi ko kayang gawin 'yon."

"Kaya mo. Pitong taon akong nawala sa buhay mo, kaya mo pa ring mawala ako nang marami pang taon sa buhay mo."

Hindi ito umimik. Yumuko ito. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata nito. Parang lalo siyang sinasaksak sa nakikita niyang paghihirap ng kalooban nito. Nasasaktan siya, higit na masakit kaysa sa nakikita niyang sakit na nararamdaman nito. Gusto niyang bawiin ang kanyang mga sinabi ngunit mas minabuti niyang manahimik.

Naprisinta si Renz na ihatid siya sa bahay ngunit habang nasa biyahe ay wala pa rin silang imikan. Walang ni isang nais magsalita sa kanila hanggang sa makarating sa bahay.

Bumaba ito at binuksan ang pinto ng kotse para makababa siya. Ang kotseng iyon ay sa kompanya at ginagamit lang ni Renz bilang siya ang foreman.

Humakbang na siya patungo sa gate upang buksan iyon ngunit pinigilan siya ni Renz. Hinawakan ang kanyang kamay at mabilis na niyakap. Ni hindi na siya nakaiwas dahil mahigpit ang pagkakayakap nito na para bang ayaw siyang pakawalan.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon