Chapter 8: Same Old Feelings

265 51 42
                                    

Chapter 8:
Same Old Feelings

"Huwag po kayong magpapaniwala diyan kay Trisha, Sir Francis. Magkaibigan lang po kami dati ni Renz." May diin ang katagang "dati" nang sabihin iyon ni Huimy.

Kung paanong naging madali sa kanila ang magkasundo noong una silang magkakilala ay ganoon naman kahirap na mag-usap sila sa muli nilang pagkikita. Sobrang awkward para kay Huimy ang sitwasyon nila ngayon. Ni hindi siya makagalaw sa kinauupuan dahil sa matinding presensiya ng kanyang katabi. Sumasakit lamang ang dibdib niya sa pag-iisip na kung paanong ang pagkakaibigang nabuo sa kanila noon ay bigla na lang naglaho.

Ramdam niya ang mga tingin ni Renz sa kanya kahit pa man hindi niya tinitingnan ito. Tumatagos iyon sa bawat himaymay ng kanyang balat patungo sa kanyang puso. Mga tinging hindi niya magawang salubungin man lang dahil sa takot na makita ang katotohanang iniwan siya nitong luhaan. Kung maaari lamang ay ayaw na niyang isipin pa ang nakaraan pero ngayong narito ito sa kanyang tabi ay patuloy lamang siyang nasasaktan.

Malayo-layo na rin yata ang nalalakbay ng kanilang sasakyan ngunit parang ilang oras ding may dumaang anghel sa kanilang kapaligiran. Ni walang nais bumasag ng katahimikan kung hindi pa nagsalita si Francis at iyon ang naging mitsa para maungkat ang matagal ng dapat ibinaon sa limot.

"Mukhang malalim iyang dating pagkakaibigan na iyan a," biro pa ni Francis.

"Ay sinabi mo pa Sir Francis, sa sobrang lalim nga, nagkaroon ng bunga." Mabilis na napatakip ng bibig si Trisha nang mabanggit ang salitang iyon at mabilis na tiningnan si Huimy na ngayon ay nagbabanta na ang mga tingin. Bakas din ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Renz. 

"Bunga?" sambit ni Francis na nagtataka rin.

Napakagat labi naman si Trisha bago alanganing ngumiti. "Ah... ang ibig kong sabihin, a-ano, a, e..." Halos pagpawisan na ito sa sobrang nerbiyos habang iniisip ang dapat sabihin. Kinakabahan naman si Huimy habang hinihintay ang sunod pang sasabihin ng kaibigan.

"Ano kasi, ganito kasi iyon Sir. Sa sobrang close nila dati, hindi naiwasang ma-in love nitong best friend ko kay Renz. Kaya iyon ang sinasabi kong bunga ng malalim nilang friendship. Na-develop itong si Huimy kaya lang..."

"Kaya lang ano?"

"Wala, Sir. Gawa-gawa lang po ni Trisha ang mga kuwento niya." Binalingan niya si Trisha at muling tinitingnan ng masama. "Hindi po talaga humigit sa friendship ang relasyon namin ni Renz. No feelings involve po."

"No feelings?" pabulong namang pag-ulit ni Renz na hindi pa rin maalis ang tingin kay Huimy. Bahagya namang napasulyap si Huimy sa binata at agad na nag-init ang kanyang mukha. Umiwas agad siya ng tingin.

Ang dali lang sabihin sa kanya na no feelings involve, samantalang kabaligtaran iyon ng kanyang nararamdaman ngayon at sa nangyari noon.

Year 2004

Nakabalik na si Huimy sa Cavite. Ngunit ang komunikasyon nila ni Renz ay nagpatuloy. Magka-text at magkatawagan sila araw-araw na para bang walang katapusan ang kanilang pinag-uusapan. Nagsusulatan din sila kung minsan.

Hindi maitago ang kanyang saya sa tuwing may text message at tawag siyang natatanggap mula sa binata. Literal na napapatalon siya sa sobrang tuwa at napapasayaw sa sobrang kilig. Kahit na nga simpleng pangungumusta lamang iyon ay halos lumutang na siya ulap sa sobrang saya.

Lagi rin niyang suot ang bigay nitong kwintas at lagi rin niyang hawak ang keychain locket na bigay nito. Napakahalaga niyon para sa kanya.

Kahit pa nga abala siya sa kanyang ginagawa ay hindi niya maiwasang mapangiti kapag naiisip ang binata. Katulad ngayon na kahit kaharap niya ang computer ay ito pa rin ang nasa isip niya.

MY LAST STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon