Chapter 5

30K 779 31
                                    


1 week passed...

"Precious dami na ata nyan? Babasahin mo ba talaga ang lahat ng mga iyan?" Nakakunot noong tanong ni Mertylle sa akin.

Nandito pala kami ngayon sa School Library namin. At heto ako, nanghiram ng maraming aklat.

"Yes babasahin ko tong lahat." Balewalang saad ko habang kumukuha na naman ng panibagong aklat.

"Anong nakain mo? Kailan ka pa naging Bookworm? Sagutin mo nga ako Precious. Hoy ano ba!" Hinarap ko naman ang nakabusungot na mukha ni Mertylle.

"Shhh..."

"Wag mo kong ma shhh--"

"Mertylle, please hinaan mo yang boses mo baka mapalabas tayo ng Librarian dito. Alam mo namang bawal mag ingay. Wag masyadong oa Beshy." Napalingon naman siya sa may Librarian, at lumingon ulit sa akin.

"Eh kasi naman Beshy e, Feeling ko talaga sinapian ka. Sino ba kasing sumapi sayo! Okay lang sana beshy kung mga Romance books ang Genre ang babasahin mo, kaso look, about lang to sa lesson na dinidiscuss na ng Teacher natin e! Tapatin mo nga ako Precious Skylane ikaw ba talaga to? O kung sino ka mang sumapi sa Beshy kung umalis ka sa katawan niya.Hindi na ako natutuwa nito." Mahabang litanya ng bruhang with matching sad face.

Masyado nang naging oa ang babaeng to, sinapian talaga? Diba pwedeng ginawa ko lang to, nang sa ganun ay makalimutan ko na yong baklang yon. Kung mga Romance Books kasi ang babasahin ko mas lalo akong di maka pag move on, in fact, baka mas lalo lang akong umasa na PWEDE PA, kahit alam ko namang wala ng PAG-ASA.

"Okay lang kasi ako Beshy, kalma lang tayo okay. Ako parin to. Gaga to! Exagerrated mo masyado te." ani ko sa kanya.

Walang imik naman ang bruha kong Beshy na nakatitig sa mga mata ko. Mabilis na napaiwas naman ako rito at nagkunwaring may tinitignan sa mga books na nakuha ko na. Ayaw na ayaw ko kasi na tinitigan ako sa mata, kasi feeling ko makikita niya ang mga tinatago ko. Lalo na sa totoong rason sa ka dramahan kong ito.

"May tinatago ka ba sa akin Beshy?"

Nanigas ang katawan ko sa narinig ko kay Mertylle. Dumagdag pa ang mabilis na tibok ng puso ko.

Sh*t! Wag kang magpahalata Precious!

"W-what? Ano naman yon Beshy." Nauutal na saad ko. Mas lalo namang kumunot ang noo nang bruha sa naging reaction ko.

"Hahaha. Wag mo nga akong tignan ng ganyan Beshy, para kang ano- haha.. Tara na, okay na tong mga nakuha ko." saad ko at mabilis na tumalikod sa kay Beshy Mertylle na nakatingin parin sa akin.

Grrr. Maniwala ka please. Wag mo na kasi akong pagdudahan gaga ka. Kinakabahan na ako dito.

Taimtim naman akong nagdasal na sana lang di na ako tatanongin pa ng bruhang to.

Agad akong naglakad papunta sa bakanteng upuan na nasa sulok, na malapit sa may bintana. Mabilis kong nilapag ang mga librong dala ko at agad na umupo. Umupo naman sa kaharap kong upuan si Beshy Mertylle na tahimik lang na inoobserbahan ang mga galaw ko.

Isang linggo na pala ang nakalipas simula nang pumunta sila Henry at Melmar sa room. At sa nakikita ko, ang saya na ng lovelife ng Beshy Mertylle ko. Habang sa akin naman ayon waley, kaya nga heto ang drama ko, kasi sa isang linggong nagdaan, napapansin ko kasi na mas naging close na si Aizan at si Melmar, which is kinasaya ng bakla, habang ikalungkot ko. Nagseselos po ako. At sa nangyari rin kasi, parang nawalan na ako ng pag asa na maging lalaki pa si Aizan. Kasi ang landi- landi niya na pag kasama si Melmar. Parang nakalimutan niya na nga na may Precious pa sa mundo niya, SAKIT po talaga.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon