Naputol ang pagmuni-muni ko nang may umupo sa tabi ko.
"Hi," Kaagad akong napalingon sa taong nagkalakas loob na bumati sa akin. At doon sumalubong sa mga mata ko ang nakangiteng si Melmar. Ang karibal ko sa puso ni Aizan.
"Hello.." Puno ng pait na saad ko. Na sa tingin ko naman ay napansin ng huli.
"Okay ka lang ba Precious? May problema ka ba?" Nakakunot noo na tanong ni Melmar. Walang imik na inilingan ko naman siya.
Kung alam mo lang Melmar, na ikaw ang problema ko. Magtatanong ka pa kaya?
"Tanging iling lang ba ang matatanggap ko? Tipid mo atang magsalita ngayon? Okay naman tayo diba? Friends na tayo diba?" Usal pa niya.
Tsk. Friends? In your dreams.
"Masyado kang advance mag isip Melmar, tahimik lang may problema na agad? Diba pwedeng may iniisip lang."
"Sorry naman po." aniya.
Lihim na napairap naman ako sa sinaad niya. Pangise-ngise pa ang bruho, feeling niya siguro kinagwapo na niya yang pangise-ngise niya. TSK?! Kung naging lalaki siguro ako, mas gwapo pa ako sa'yo! Hayst! Ba't naman kasi ikaw pa yong gusto ni Aizan, ba't di nalang ako.
"Oh. Ano naman ba ang iniisip mo? Nakasimangot ka na naman." Puna pa nito sa pagbusungot ko.
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko ng umakbay ng wala sa oras si Melmar sa akin.
"Hayst! Ang cute cute cute mo talaga Precious, bagay na bagay sayo ang pangalan mo." sabi pa nito sabay kurot sa pisnge ko.
"Ouch!"
"Ow! Sorry hihihi."
Mabilis naman niyang binitiwan ang makapisnge ko, pero nakaakbay parin ang hudyo sa akin. Anong tingin niya hindi mabigat ang braso niya. Tsk. Mabilis ko naman hinawakan ang braso niya at pilit na binababa.
"Bitaw nga Melmar. Ang bigat mo." Masungit na saad ko na nginitian lang niya.
"Sungit nito. Ngumite ka kasi. Sige ka! Papangit ka niyan."
"Nakangite man o nakasimangot maganda ako." Walang ganang saad ko.
"Yeah. Sabi ko nga."
"Tsk."
Isod ako ng isod. Todo isod din naman si Melmar, kaya ang ending isang isod ko nalang mahuhulog na ako sa upuan. Sinamaan ko naman ito ng tingin, at nag peace sign naman ang huli.
"Sorry na kasi."
"Okay."
"Nakasimangot ka parin kaya. Smile ka kasi, Oy! Ngingite na yan." Pangungulit ni Melmar, sabay sundot-sundot sa tagiliran ko. Diko naman napigilang matawa kasi may kiliti ako sa tagiliran.
"Melmar!"
"Oy! Ngumite na si Precious!"
"Tsk."
"Ngite ka kasi, di ako titigil sa kakasundot sa tagiliran mo sige ka." Pananakot pa ng hudyo habang sumusundot parin sa tagiliran ko, todo iwas naman ako sa kakasundot niya.
"Melmar! Isa.."
"Dalawa.. tatlo?" Pang aasar pa ng bruho.
Wala akong choice kundi patulan ang lalaking to, kaya instead of sasawayin siya, mabilis ko nalang sinalubong ang mga kamay niyang susundotin na naman sana ako. Kaya ang kalabasan nakahawak ako sa mga kamay niya at nakahawak rin siya sa kamay ko. Holding hands lang ang peg. Pangite-ngite pa ang bruho na nakatingin sa mga mata ko habang hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko. Sinubukan ko pang kumalas sa mga hawak niya, pero malakas talaga ang bruho. Sinamaan ko naman siya ng tingin na tinugonan lang niya ng matatamis na ngite.