Chapter 9

25.6K 723 68
                                    

Monday...

Naglalakad ako papasok sa classroom namin nang mapansin ko ang mga may lamang tingin ng mga kaklase ko.

Ayaw na ayaw ko pa naman pag tinitignan ako, naiilang kasi ako. Kaagad na tumiklas ang kilay ko pataas na nagpaiwas ng mga tingin nila.

"Tsk."

Nakasimangot ang mukha na naglalakad ako papunta sa pwesto namin.

"Hi Besh, Good Morning!" Nakangiteng bati ni Mertylle, walang imik na nilagpasan ko naman siya at padabog na nilapag ang bag ko sa arm chair ng upuan ko.

"What's GOOD in morning?"

Walang ganang saad ko na nagpakunot sa noo ni Mertylle.

"Anong meron? Ba't bad mood na bad mood ka, Day?" Kunot noong tanong ni Mertylle na di ko naman pinansin.

"Beshy?"

Walang sagot na nakuha si Mertylle sa akin, sapagkat padabog pa akong umupo sa upuan ko.

"Hey. Ano ba kasing problema mo? Ang ganda ng umaga oh, tas nakasimangot ka. Ang aga-aga badtrip na badtrip tayo ah? Anong meron?" Usal ni Mertylle na tumabi pa sa akin.

Diko sana papansinin ang bruha, kaso sinusundot naman ang tagiliran ko. Kaya kaagad akong napaharap rito.

"Woah."

"Nakakabwisit kasi kanena. Ano ba kasing meron at ba't kailangan pa nila akong pagtitinginan, may dumi ba sa mukha ko Beshy?"

"Huh? Wala naman. Nanibago lang siguro yong mga yun kasi nga iba ka ngayon."saad ni Mertylle na nakahawak pa sa baba ng bibig niya na parang nag iisip pa ng malalim kung bakit ako pinagtitinginan kanena.

Tinaasan ko naman siya ng kilay ng mapansin ko ang mapanuring tingin ng bruha.

"What?"

"Ang Blooming mo ata ngayon Beshy, bagay sa'yo yang ayos mo. Nakalugay ang mahaba mong buhok. Lalo ka tuloy gumanda. Oy walang halong bula to!"saad pa ni Mertylle na di ko pinansin.

"Hi Ladies." Mabilis na napaangat tingin kami ni Mertylle sa taong bumati sa amin.

"Aizaaa! Halatang GOOD na GOOD ang morning natin ah?" ani Mertylle at mabilis na bineso si Aizan. Walang imik na kinalkal ko naman ang phone ko.

"Wow. Ano yan?" Narinig kong saad ni Mertylle, si Mertylle talaga kahit kailan napaka OA.

"Secret Beshy. Maupo muna tayo pwede?"

"Ah. Sure maupo ka. Ano ba kasi yang dala mo?"

Naramdaman ko naman ang pag upo ni Aizan sa tabi ko.

"Hi Beshy Precious," walang imik na nilingon ko naman ang bakla na nagpakunot sa noo niya.

"Meron ka ba ngayon? Ba't nakasimangot ka?" Narinig kong saad ng bakla na sinamaan ko naman ng tingin.

"Beshy, tayo nalang ang mag usap. Badtrip kasi yan kasi kanena daw pinagtitinginan siya tas ayun na badmood si Madam. Hali ka dito tayo mag usap." ani Mertylle na tinaguan naman ni Aizan. Napansin ko pa ang mga tingin ni Aizan sa akin habang nag uusap sila ni Mertylle, pinilit ko namang binabalewala ang mga yon at nag cellphone nalang. Buti nalang din kilala na ako ng dalawa to, kasi alam na alam talaga nila na pag nagsusungit ako, nagiging unapproachable ako.

Maya maya rin ay pumasok ang Teacher namin at nag iwan lang raw ng notes kasi may meeting daw itong pupuntahan. Tahimik lamang akong nakatutok sa black board namin at pinagpatuloy ang pagsusulat. Yes! Pag badtrip ako nagnonotes ako, habang ang dalawa naman kanena ko pa napansin na nagtatawanan. Diko nalang sila pinansin at pinocus ko nalang ang sarili ko sa board.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon