"Wow! Beshy, para sa akin ba ang flowers na yan! Galing na naman ba yan kay Melmar ma'babes." Nagningning ang mga matang saad ni Aizan nang makita niya akong papalapit sa kanila.
IRAP yan ang natugon ko ng makita ang nangingislap na mga mata ni Aizan. Kislap sa pagkasabik. Hindi pagkasabik na makita ako, kundi ang pagkasabik na mauwi na naman niya ang bulaklak na dala-dala ko.
Ouch! Laban lang heart. Kaya pa natin to.
Napansin ko pa ang masamang tingin na iginagawad ni Aizan sa akin ng inirapan ko siya. Hindi ko nalang ito pinansin at nilingon ang isa ko pang beshy na nakasimangot na nag iwas ng tingin nang makita ang dala- dala kong bulaklak.
Hayst! Kahit di niya aminin. Alam kong nagseselos na'tong babaeng to. Marami na naman sigurong ang tumatakbo sa isip nito nang makita ang dala kong bulaklak. Hayst! Beshy Mertylle kung alam mo lang.
Lihim na napangite ako ng maalala ang nangyari kanena. Na kung saan may pa luhod-luhod pang nalaman si Henry.
Hayst! Henry. Pinahirapan mo lang talaga ako. Pa'no ko ibibigay sa bruhang to ang bulaklak at chocolates na ipabibigay mo. Kung gumawa kana ng moves na nagpapahirap sa akin.
Naisip ko tuloy kanena habang ini-explain ni Henry sa akin ang lahat. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka abnormal ang isang yon. Kung di rin naman kasi kalahating tanga at gago. Edi sana masaya na sana ang lahat. Di na sana ako namomoblema pa'no ko maitatawad kay Beshy Mertylle to, Di pa nga ako nakapag abot nito, nakasimangot na siya. Pa'no pa kaya pag malaman niya na kay Henry to galing, edi patay ako.
"Sarap ng irap te, lasang tsokolate." Narinig kong bulong ni Aizan. Ang dami ko nanngang problema tas dadag-dag pa ang baklang to, at kailan pa naging lasang tsokolate ang pag irap ng isang tao?
"Isang imik pa Aizan, makakatikim ka na talaga ng masarap na sampal. Well, di rin naman masyadong masakit tong kamay ko. Lasang tsokolate lang din naman."
"TSK.Sungit!" bulong nito pa ng bakla na narinig ko naman. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya napaiwas siya ng tingin.
"Mer.." tawag ko kay Mertylle na nag iiwas parin ng tingin sa akin.
"Mertylle?"
Akward na lumingon naman siya sa akin. Nagtatanong pa ang mga matang tinignan ako. Ngumite muna ako rito bago nilahad ang bulaklak at ang chocolates sa kanya.
"Wag ng daming arte! No more ligaw² tingin please. This flowers and chocolates are for you, Beshy." Kitang kita ng dalawang mata ko ang mabilis na pagkunot ng noo ni Beshy Mertylle.
"What? Para sa akin?"
Marahan na tumango naman ako at nginitian ang bruha.
"K-Kanino galing?" Nauutal pa na aniya.
"Kay Henry." Mabilis na sumama naman ang mukha niya ng marinig ang pangalan ni Henry.
"Thanks, Precious. Hindi ko tatanggapin yan, it's for you. Wag mong ibigay sa akin. Kasi di niya yan binili para sa akin. And lastly, I'm not Aiza na--" Mabilis na pinutol ko naman ang litanya niya. Kasi nafefeel kong mag buburst out na talaga ang Beshy ko. Nababahid pa sa mukha nito ang pagka-inis.