Chapter 14

31.8K 786 33
                                    

Nagising ako sa mahimbing kong tulog nang maramdaman ang nag iingay na alarm clock.

Papikit pikit ang matang hinahagilap ng mga kamay ko ang Alarm Clock sa bedside table para sana itapon. Kaso naalala ko na wala na pala akong Alarm Clock kasi naitapon ko na ito noong nakaraang araw.

Nanlaki ang mga matang napatingin ako sa ceiling na ibang iba sa kwarto ko. Lalo na nang mapatingin ako sa estilo ng kwarto. Hindi ito ang kwarto ko at lalong hindi amoy lalaki ang kwarto ko.

Kaagad akong napaupo sa kama. Napadaing pa ako sa sakit na nararamdaman sa gitna ng hita ko. At doon bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi at kung nasaan ako ngayon.

"Shit!" Napakagat labi ako nang maramdaman ang sumasakit na katawan.
Wala sa sariling napalingon ako sa lalaki- este sa baklang mahimbing ang tulog sa tabi ko..

Sa hindi malamang dahilan bigla nalang umagos ang luha ko nang maalala ang nangyari kagabi. Ang kagagahan na ginagawa namin. Pinakiramdaman ko muna ang sarili tanging sakit lang sa bulaklak at ang sakit sa katawan ang nararamdaman ko. Nakakatawa lang isipin na walang "pagsisi" akong naramdaman.

Malalim na nagbuntong hininga ako habang tinitigan si Aizan na mahimbing na natutulog. Wala sa sariling napangite sa kagwapohan ni Aizan.

"Bakit kasi naging bakla ka pa,"

Napa angat ako ng tingin sa wall clock na nasa left side ng kwarto ni Aizan.

"5am na pala. Shit! Kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ako sa amin,"

Dahan dahan na bumaba ako sa kama, At pinulot ang mga damit namin na nagkalat sa sahig. Habang nagbibihis ay hindi ko mapigilan ang sariling mapalingon sa pulang mansa sa kama. Na nagpapatunay na wala na sa akin ang bataan. Na naibigay ko na ito sa baklang matagal ko nang minahal ng palihim.

Nang matapos na akong magbihis nilapitan ko muna ang natutulog na si Aizan. Mabilis na hinalikan sa labi bago napagdesisyonan na lumabas na.

"I love you," bulong ko bago napag desisyonan na lumabas na sa kwarto ni Aizan.

Sa pagbaba ko nakasalubong ko ang Yaya ni Aizan.

"Magandang Umaga hija," nakangiteng bati nito sa akin binati ko naman ito pabalik at nginitian rin.

"Aalis ka na ba? Mag almusal ka muna kaya."

"Ah. Wag na po Nanay, aalis na po ako. Sa amin nalang po ako kakain. Hinahanap na po kasi ako sa amin." Namumulang saad ko.

"Yung mga kasama mo kasi tulog na tulog pa. Galing ka ba sa kwarto ng alaga ko? Sigurado ako pagkatapos mong magpaalam dun matutulog ulit yun."

Walang imik na ngumite naman siya rito.
"Hehe." Kung may plastic na ngite, ako naman may plastic na tawa.

Nagpaalam lang ako rito na aalis na kasi hinahanap na ako nila Mommy at Daddy. Hindi na rin ako pumunta pa sa Living room kasi alam kong tulog na tulog pa sila Mertylle ngayon. Kinakabahan din kasi ako na baka magising si Aizan. Baka mag ilangan lang kami. Pati na ang mga magulang ni Aizan ay tulog pa kaya sa Yaya nalang ni Aizan ako nagpaalam at inalok pa ako nito na ipahatid sa driver nila kaso tinanggihan ko lang rin ito kasi nag text na ako sa driver namin sa bahay. Ilang minuto lang rin ay lumipas ay dumating na rin si Mang Felix na driver namin. Binati ko muna ito at nginitian.

Dahil sa walang traffic mabilis lang kaming nakarating sa bahay. Nagpasalamat muna ako kay Mang Felix bago bumaba at nagtatakbo papunta sa kwarto ko.

Mabilis akong napahiga sa kama ko habang pinakiramdaman ang bulaklak na nanakit. Tulala lang ako hanggang sa dinalaw ako ng antok.

Nagising ako sa nag iingay kong cellphone. Mabilis ko itong dinampot at pikit pikit ang matang sinagot ito.

"Hello?" Antok na antok na sabi ko. Kumunot naman ang noo ko nang marinig ang hagikhik sa kabilang linya.

Anong nakakatawa?

"Anong nakakatawa Mertylle?" Mahahalata sa boses ko na bwiset na bwiset na ako sa kausap ko.

Napahinto naman ang tumatawa sa kabilang linya at tumikhim muna ito bago ako sinagot.

"Wag mo kung sungitan babae ka! Bakit mo ako iniwan dito?!"

Napairap naman ako sa rants ng bruha.

"Tsk. Yan pa talaga ang tinatawag mo sa akin? Alam mo bang natutulog-"

"I don't care!" Sigaw nito at binabaan pa ako ng phone. Wala sa sariling napairap ako sa kaartehan ni Mertylle. At dahil sa inaantok pa ako kaya natulog ako ulit.

Taimtim na nagdasal ako habang naglalakad papasok sa classroom namin. Hindi ko kasi alam kung paano batiin si Aizan na walang ilangan. Laking tuwa ko nang makitang wala pa si Aizan. Napataas naman ang kilay ko sa pag inarte ng bestfriend ko na si Mertylle na hindi pa ako pinansin.

Kaagad kong binaba ang bag ko at umupo sa tabi ni Mertylle. Naramdaman ko namang hinarap niya ako. Napansin ko na tinititigan niya ako kaya namula ako at hilaw na ngumite.

"Hehe. Good morning Besh-"

"Sabihin mo nga sa akin Precious, virgin ka pa ba?"

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon