Nagpapahinga ako sa kwarto ko nang bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok doon ang naluluhang mga mata ni Mertylle. Napaupo naman ako sa nakita ko at nag alalang nilapitan ito.
"Mertylle, what happened? Why are you crying?" Sumisinghot pa ito na tinignan ako.
"Ang bad mo,"
Naguguluhang kumunot ang noo ko. What? What I've done this time?
"What?"
"B-Bakit di mo sinabi sa akin na alis ka na."
Malungkot na tinignan ko naman siya. So, ito yung dahilan kung bakit siya umiyak?
"Hays. Don't cry na. Babalik naman ako e,"
Umaakto pa akong di affected sa pag alis ko."Bakit kasi kailangan mo pang mag stay sa France? Pwede ka naman dito. Huhuhu. I will talk Tita and Tito later. I will convince them to-"
"Beshy, This is the best thing to do. In states, I will start the new chapter of my life with my Baby."
Umiiling iling naman ito di talaga ito pabor sa plano ng mga magulang niya. Noong nakaraang araw napag desisyonan niya na sabihin sa mga magulang ang kondisyon niya. At ito nga ang nangyari, nagalit ang Mommy at Daddy niya. Ipapadala siya nito sa France, hindi din niya inamin sa dalawa kung sino ang ama ng Baby niya. Ayaw niyang masali pa si Aizan sa problema niya na to. Kaya niya to na siya lang. Mahirap yun sa part niya lalo na at malalayo siya sa Yaya Pancing niya at sa kay Mertylle. Pero sa tingin niya kung nasa France siya magsisimula siya muli na wala ng Aizan. At may baby na rin siya na dapat alalayan. At sa France baka mas madali siyang makalimot sa kung anong naramdaman niya kay Aizan.
"Bakit kasi ganun e! Huhu. A-Ayoko." Niyayakap na siya ni Mertylle ng sobrang higpit na parang di na siya bibitawan nito.
"Mertylle, babalik naman ako e, Sa Pagbalik ko kasama ko na ang inaanak mo. Pwede mo naman kami bisitahin doon e," Umiiyak parin si Mertylle na niyayakap siya. At dahil sa buntis siya at masyadong sensitive. Naiiyak na rin siyang niyayakap ito.
"What time flight mo?"
"Mamayang 7pm."
"Pwedeng next week nalang. Bounding muna tayo. Huhuhu."
"Beshy naman e, may skype naman. We can still communicate. And para lang naman tayong magkaharap lang pag mag videocall tayo. Kaya wagka ng mag drama please, bawal na akong iiyak e," Tumango naman si Mertylle sa kanya at pinunasan na nito ang mga luha sa pisnge nito.
"Wag mo akong ipagpalit sa mga magaganda doon ha."
Natawa naman si Precious sa narinig kay Mertylle.
"Siraulo! Haha. Hindi po ako si Henry. I'm not into woman yuck." Nadidiring sagot naman niya rito na hinampas ng mahina.
"Gaga!"
At sa halos buong maghapon silang nagkasama ni Mertylle sinulit nila ang bawat oras na magkasama sila. Nanonood sila ng movie at kung ano ano pang nakasanayan nilang ginagawa noon sa tuwing nag babounding sila. At parang ang bilis lang lumipas ng oras dahil namalayan nalang niya na naglalakad na siya papasok sa eroplano. Naluluha siyang kumakaway sa kaibigan at sa Yaya Pancing na umiiyak. Hinawakan naman siya sa kamay ng Mommy niya ng maupo na sila.
"You will be fine, Princess." Naluluha ang mga matang saad nito. Hindi naman niya mapigilang mapayakap sa Mommy niya.
"I'm sorry po,"
"Shh. It's okay."
Ang buong akala niya siya lang ang patitirahin sa France, at laking tuwa niya na kasama pala ang Mommy niya. Kaya hindi niya mapigilan na maging emosyonal talaga. Mahal na mahal talaga siya ng mga ito. Kasi pagkatapos ng pagkakamali niya heto pa rin ito at sinasamahan siya.
Goodbye Aizan...