"I miss you so much Skylane. Kailan ka pa ba babalik rito? Baka nakalimutan mo may mga project ka pang naiwan rito. Naku! Kung di lang talaga kita kaibigan matagal na kitang dinedemanda."
Napairap ako sa narinig sa kaibigan ko na owner ng Company na minomodel-lan ko sa Paris. Isa din itong Filipina at kasalukuyang naninirahan sa France para sa Company nila. Naging kaibigan niya ito dahil din kay Jerome.
"Tsk. Queenie, Baka nakalimutan mo na katuwaan lang natin tong pagmomodelo ko sa Kompanya mo, Ma'am."
Narinig naman niya ang paghalakhak nito sa kabilang linya.
"Haha. Sinabi ko nga. Anyways, Kumusta na ang Baby Ieasis ko? Namimiss ko na si Baby pretty, at ang Babes ko kumusta siya dyan? Naku! Please, Skylane pakibantayan ang isang yun baka may malalaki nang mabingwit yan dyan sa Pinas. Pano nalang ako nito."
Siya naman ang natawa sa narinig sa kaibigan. Masyado kasi itong inlove kay Jerome na bakla naman. Ewan niya ba, marami namang nanligaw nito pero si Jerome talaga ang gusto nito. Siguro ganun talaga ang puso di mo matuturuan at di mo mapagbabawalan. Kagaya ng nangyari sa kanya noon na inlove na inlove siya kay Aizan.
"Hays! Ewan ko sayo. Sige ka masasaktan-"
"Matagal na akong nasasaktan. Ngayon pa a ako aayaw? Sa ilang years akong nagtry nakalimutan siya pero hindi talaga eh. Masyadong matibay tong puso ko mainlove. Ayaw magpapigil."
"Hays."
"Sige na babye na, may gagawin pa ako rito. Please, send my hugs and kisses to them please."
Akmang magbabye pa siya kaso binabaan na siya nito ng phone.
"Gaga!"
Marahang tinulak niya ang pinto sa Living room at bumungad sa kanya ang magkatabing nakaupo sa sofa na si Ieasis at si Jerome. Nanood ang dalawa ng isang cartoon movie.
"Hi Baby!"
Napansin ko naman na may malaking space pa sa gilid ni Ieasis kaya umupo roon at nakangiteng tinignan siya. Napakunot naman ang noo ko nang hindi ako nito pinansin o tinapunan man lang ng tingin.
Nagtatanong ang mga matang tinignan ko naman si Jerome na tanging kibit balikat lang ang isinagot.
"Uh. Excuse me, Ladies."
Nang lumabas na si Jerome naiwan naman ako at si Ieasis na tahimik parin. Tanging ang tv lang ang nagbibigay ingay sa buong living room. Ano ba kasing problema nito?
"Baby?"
"May problema ba? Galit ka ba kay Mommy?"
Umiiling naman ito at nanunubig ang mga matang napayuko.
"Baby?"
"Mommy? Kailan babalik si Daddy? 3 days na siyang di bumisita. I missed him already." Malungkot na malungkot ang mga mata nitong tinignan ako. Mabilis ko naman itong niyakap at doon na siya umiiyak sa may dibdib ko.
Ito yung kinaayawan ko e, kaya ayokong ipakilala siya kay Aizan kasi natatakot akong masasaktan ang Baby ko sa maaring desisyon ni Aizan. Okay na yung ako lang ang masaktan wag lang siya.
"Baby, Busy lang siguro siya. Hindi lang naman kasi sa iyo lang nag focus si D-Daddy Aizan. May kompanya siya na kailangan din pagtuonan ng pansin. Wag ka ng mag cry tas diba, nag usap na tayo nito before? You shouldn't demand like that because he is not our Dad-"
"I know he is my Daddy,"
Parang nayanig ang buong mundo ko sa narinig sa anak ko. Sinong nagsabi sa kanya nito? Sinabihan na ba siya ni Aizan?
"Sabi mo Mommy, bawal mag sinungaling. Then why are you doing this to me? Why are you lying,Mommy?" Umaagos na ang luha nito na sa tingin ko ay pinipigilan lang niya kanena. Siguro parte nato sa buhay ng isang ina na pag makita nilang nasasaktan ang kanilang anak parang nasasaktan na rin sila. Yun bang naramdaman nila ang sakit na naramdaman ng anak nila.
Napakagat labi ako para di tuluyang mahulog ang luha na nasa mga mata ko pero sadyang mahirap talaga pigilan ang luha lalo na sa sitwasyong makikita mong umiiyak ang anak mo.
"I'm sorry, Baby. You are too young for this. You don't understand. But soonest I will tell you-"
"Do you love him, Mommy?"
Bat ganito ang baby ko? Masyado pa siyang bata para sa sitwasyon na ito.
Wala akong makapang sagot sa narinig ko kay Ieasis. She's too young for this. Paano niya naiisip ang mga ito? Paano niya nalaman ang lahat ng ito?
"How do you know that he is your Daddy?"
"Mommy, we have the same eyes, lips and the shape of our face. The first time I met Daddy in Grandpa's Birthday. I told myself that he is my Daddy. But I know you had your reason Mommy, I understand your decision. I'm just hoping that you and Daddy will be okay soon." Mahabang litanya nito habang mataman naman akong nakikinig rito. Walang salitang namutawi sa mga bibig kundi ang ibulong rito kung gaano ko siya kamahal at mahigpit itong niyayakap.
"I love you Baby,"
"I love you too, Mommy."
I'm sorry Baby, I'm so scared to love him again. I'm fvcking scared.