"History repeats itself."
Naguguluhan naman akong napatingin kay Mommy. Anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean, Mommy?"
"Alam mo ba Baby, Naging gago din ang Daddy mo noon."
"Ho?"
"Kagaya ng nangyari sa inyo ni Aizan ngayon ay nangyari din sa amin noon. Maypagka boyish ako noon. At naging straight na babae lang nang makilala ko ang Daddy mo. Nahulog ang loob ko sa playboy mong Daddy at binuntis pa ako at iniwan. Ilang taon din ang pinalipas ni tadhana bago kami pinagtagpo ulit."
Napaawang ang mga labi ko sa narinig kay Mommy. Shit! Hindi ako makapaniwala. Sa babaeng babae kong Mommy ngayon ay dating boyish pala.
Nakikinig lang ako sa mga kwento ni Mommy, naaliw pa akong marinig kung paano siya niligawan ni Daddy noon at kung anong ginawa ni Daddy para magkabalikan sila. Siguro ganun siguro nuh? Lahat ng relasyon sinubok ng matindi ni Tadhana. Ang kaibihan nga lang ay hindi kami magkarelasyon ni Aizan. Wait, bat ko ba sinasali si Aizan dito? At ang relasyon namin. Mag bestfriend lang naman kami.
Ilang minuto lang rin ay natapos na si Mommy sa pagkwekwento niya. Napa angat naman kami nang tingin sa may hagdanan na kung saan masungit na bumaba si Daddy.
"Honey, saan ka pupunta?"
Hindi pa ito umimik noong una pero huminto rin ito sa akmang paglalakad nito at nilingon kami ni Mommy.
"Pupuntahan ko si Ieasis. Kukunin ko ang apo ko. Baka kung saan na dinala ng gagong yun-"
"Aysus! Nagmamagaling ang gago din noon."
"Honey, iba-"
"Ano bang kaibahan niyo ni Aizan? Kagaya ka rin niya noon."
"Pero kahit na sana-
"Bakit ginawa mo ba yan noon? Diba hindi? Umalis ka din noon."
"Kahit na. Bakit ba nasasali ang issue natin dito, Honey? Tapos na yon-"
"Kasi gusto kung ipaintindi sa'yo na wag kang padalos dalos. Kasi hindi lang si Precious ang maapektuhan kundi pati na rin ang apo mo. Mag isip ka nga!"
"Nag iisip-"
"Talaga? Then, kung ganun? Saan ka pupunta? Diba kukunin mo si Ieasis? Alam mo bang napakasarap sa pakiramdam ng apo mo na makasama niya si Aizan. Tas yun pa ang kukunin mo. Mag isip ka Sien!"
"Ginawa ko lang ito para sa iyo Baby, para sa apo ko."
"Wag kang padalos dalos please. Mag isip ka muna. Pwede mo namang kausapin si Aizan-"
"Sinong nagsabi na kakausapin ko lang siya?!"
"Isa! Umayos ka Sien!"
"Hindi ko pinalaki si Precious para lang ganunin niya."
"Inaano ba ang anak mo? Hindi mo ba maintindihan na mga bata pa sila noon. At nakikita ko naman na bumabawi si Aizan sa mga pagkukulang niya sa anak niya. Which is ginawa mo rin yan noon. Give him a chance, Sien. Kahit para man lang sa apo mo."
Ang mabangis na mukha ni Daddy kanena ay biglang lumambot yumuko ito at tinignan ako. Walang imik naman akong nakatingin rito. Nanunubig pa ang nga mata kong tinignan din si Mommy.
"Sorry, Baby. Nagagalit lang ako kasi nang mga panahong yun hindi dapat ako nagtampo sa iyo. Tinulungan sana kita-"
"Nagpadalos dalos ka na noon. Kaya ngayon please Honey, mag isip muna tayo bago gagawa ng desisyon."
Nararamdaman ko naman ang panghihina ni Daddy habang naglalakad papunta sa amin ni Mommy.
"Sorry, Baby. Hindi ka naprotektahan ni Daddy noon."
"Ang drama mo."
Natawa naman ako sa naging reaction ni Mommy. Napakamot nama sa ulo si Daddy.
"Mahal na mahal ko kayo Precious, kayo ng Mommy at ng apo ko. Kaya sorry kung minsan sumosobra na ako."
"Buti naman narealize mo na Honey,"
"Pero hindi ko papalagpasin ang araw na ito na hindi mabugbog ang Aizan na iyon. Ito ang hindi niyo ako mapipigilan. Tatawagan ko rin ang Mommy at Daddy niya para ipaalam-"
"Honey!"
"No. It's final."