Chapter 34

26.1K 727 44
                                    

"Daddy, Ang ganda po ng Office niyo. Tas ang laki ng building hehe."

Marahang umupo ako sa sofa na nasa gilid lang at binaba ang bag ko. Si Ieasis naman ay naka kandong na sa Daddy niya na kanena pa pasulyap sulyap sa akin. What's the matter? Wala namang masama sa dress ko ha? Di naman siya masyadomg revealing? Don't tell me naiinis siya kasi natatakot siya na magkagusto sa akin ang mga baby boys niya rito? Oh! Precious, ang boba mo. Nag aasume ka pa ng kung ano-ano.

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa at marahang kinalkal ang phone ko. Si Ieasis at Aizan lang ang nag uusap sa apat na sulok ng opisinang ito. Wala rin naman akong balak na sumabay pa sa usapan nila.

"Baby, nakapag lunch ka na ba?"

"Hindi pa po, Daddy."

"Ano bang gustong kainin ng Prinsesa ko? Magpa order lang tayo sa Secretary ko." Malambing na saad naman ni Aizan.

"Daddy, I don't like your Secretary. She's a bad girl. Sinusungit niya kami ni Mommy kanena."

Natawa naman si Aizan sa pagtatagalog ni Ieasis. Kahit ako man ay lihim na napayuko para di mahalata ang pagpipigil ko.

"Ow! I'm sorry about that baby."

"Hmmp.."

"What do you want?"

"Jollibee!"

"Hmm. Okay wait." Tas maya maya lang rin ay may kausap na si Aizan sa kabilang linya na sa tingin ko ay ang bruha niya g sekretarya.

Tahimik parin akong nakaupo sa sofa at nagsecellphone nang marinig ko na tinawag ako ni Ieasis. Nakangiteng nilingon ko naman ito.

"Yes baby?"

"Mommy, what's yours?"

"Ha?"

Hindi naman nakawala sa paningin ko ang mabilis na pagsalubong ng mga mata ni Aizan habang tinitignan ako na hindi makasagot sa tanong ni Ieasis.

"Ano-"

"Food." Madiing saad ni Aizan at masama pang tinignan ang phone ko. Mabilis ko naman itong binaba at pilit na nginitian si Ieasis.

"Kung ano nalang ang kay Ieasis ganun nalang din ang sa akin."

"Tsk."

Inirapan pa ako nito bago nagsalita ulit sa telepono. Ano bang problema ni Aizan?

Ilang minuto lang rin ang lumipas ay masaya na naman silang nag uusap ni Ieasis habang ako naman ito nag secellphone pa din.

"Surprise!"

Gulat na gulat na napahawak naman ako sa puso ko nang makita ang lalaking kakapasok palang sa opisina ni Aizan. Malaki ang ngise nito kaso nawala rin nang mapansin siguro nito na hindi lang si Aizan ang nandito sa silid.

"Woah."

"What are you doing here, Jake?" Nababakas sa mukha ni Aizan na naiirita na siya sa lalaking bagong dating. Mas lumawak pa ang ngise nang lalaki nang napalingon sa akin.

"Hi, Ms. Beautiful-"

"Get out!"

"Aiz-"

"Get out! Don't touch her!"

"Kailan ka pa naging possessive? Are-"

"Get out!"

"Woah! Chill-"

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mabilis na pinababa ni Aizan si Ieasis sa pagkakandong nito at nilapitan ang lalaking malapit na sa akin. Mabilis niya itong hinawakan sa neck tie at kinakaladkad palabas.

"Woah! Easy bro-"

"Mommy, are they okay?" Naguguluhan namang tanong ni Ieasis na naglalakad na papunta sa akin.

"Yes baby. Maybe he's your Daddy's friend."

"Friend? Then why-"

Bumukas naman ang pinto at pumasok doon ang namumulang mukha ni Aizan.

"Daddy! Are you okay?" Mabilis naman na lumapit si Ieasis dito.

Tumango naman si Aizan at tinignan ako. Napaiwas naman ako nang tingin nang mapansin kong may something sa mga mata niya.

"Shit." Narinig kong saad niya bago inaalayan si Ieasis paupo sa inupuan nila kanena. Hindi ko naman mapigilang mag conclude sa nangyari. Bakit namumula si Aizan? Kaano ano ba niya ang lalaking yun? Lalaki niya ba? Kaya ba namumula ang tenga niya? Kasi may ginawa silang milagro sa labas?

"What are you thinking?"

Inis na nilingon ko naman ito na nakatingin na pala sa akin.

"None of your business."

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon