Naalimpungatan si Precious nang marining ang nag iingay niyang phone. Papikit pikit niyang inabot ang phone na nasa bedside table niya. Naramdaman niya pa ang pag galaw ng anak niyang mahigpit na nakayakap sa kanya.
Kaagad niyang tinap ang answer button.
"H-Hello?"
"Baby?"
Mabilis na napaupo si Precious nang marinig ang tinig na nasa kabilang linya.
"Mom?"
"Hi baby! Sorry na disturbo ko ata ang tulog mo." Narinig niya pa ang pagtawa ng ina nasa kabilang linya.
"Okay lang po, Mommy."
"Hmm. So kumusta ang Cebu, baby?"
"O-okay lang naman po, Mom. Maganda parin naman po. Ka-kayo po? Kumusta si Daddy?" Napakagat pa siya sa sariling labi nang marinig ang malalim na pagbuntong hininga ng ina.
"Okay lang naman ang Daddy mo baby, sobrang busy na sa Kompanya."
Pilit na pinigilan ni Precious ang sariling mag tanong tungkol kay Aizan pero namalayan nalang niyang binigkas ang mga salitang dapat nasa isip niya.
"Si A-Aizan po? Kumusta na po siya Mommy? May balita ka po ba sa k-kanya?"
Napakunot naman ang noo ni Precious nang hindi nagsalita ang mommy niya ng ilang minuto. Napatingin pa siya sa screen kung connected pa ba sila ng ina.
"Mom?"
"Noong nilayo kayo ng Daddy mo at dinala diyan sa Cebu. Pabalik balik si Aizan rito, hindi ko naman nais na kalabanin ang Daddy mo kasi alam ko na ginagawa niya lang din ito para matuto si Aizan. Pero mag iisang linggo na siyang hindi pumunta rito. Noong huling punta niya nagkaharap sila ng Daddy mo, binugbog pa nga siya pero hindi man lang siya lumaban. Umiiyak lang siya ng umiiyak at patuloy na humihingi ng tawad sa Daddy mo."
Napapikit si Precious habang iniisip ang sitwasyon ni Aizan.
Ba't naman kasi ang tigas ng ulo niya! Baka mapapatay siya ni Daddy. Pero wait.. mag iisang linggo na siyang hindi pumunta sa bahay. Okay kaya siya?
"Baby? Nandiyan ka pa ba?"
"Yes po, Mommy." Napatango pa siya na parang nasa harap lang niya ang ina niya.
"Mag iingat kayo ng apo ko diyan. Wag kang mag aalala bibistahin ka namin diyan. Sa ngayon nagpapalamig pa ang Daddy mo. Ingat ka okay, ibaba ko na to para naman maka idlip ka pa ulit."
"Okay po, Mom. I love you po."
"I love you too baby."
Marami pa itong pinapaalala bago binaba ang tawag. Naiwan naman siyang nakatulala sa kama habang iniisip si Aizan. Nag aalala siya sa sitwasyon nito. Gusto niyang hingiin ang number ni Aizan kay Mertylle pero hinihila naman siya pabalik ng pride niya. Hindi naman kasi niya mapigilang mapaisip na baka babalik ulit siya sa dati at mag hahabol na naman kay Aizan at magmamakaawa na panagutan siya.
Napayuko nalang siya at napalingon sa anak na mahimbing na natutulog. Napagdesisyonan nalang niyang humiga ulit at hinalikan ang anak sa noo.
Nagising si Precious nang maramdamang wala na siyang katabi sa kama. Marahan siyang umupo sa kama at inabot ang phone noyang nasa bedside table. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang 9am na pala.
"Shit! Bakit hindi man lang nila ako ginising." Nakasimangot na pumasok siya ng banyo para mag ayos. Pino-pony tail niya lang ang kaniyanh buhok at naka simpleng v-nevk white tshirt at short lang siya. Nang napagdesisyonan niyang hanapin na ang anak niya.