Matagal nang may lihim na pagtingin si Precious sa kaibigan niyang mas malambot pa sa kanya. Pinilit lang niyang ibaon sa limot ang naramdaman sa pag aakalang wala na siyang pag asang magbago pa ang bakla. Pero sa hindi inaasahang pangyayari nagbago ang lahat dahil lang sa isang gabing puno ng pagkakamali. Nagising nalang siya isang araw na hindi na siya nag iisa, kasi may munting anghel na palang namumuhay sa loob niya. Anghel na maaring daan para maging ganap na Ginoo ang malambot pa sa marshmallow niyang iniibig.