Chapter 44

21.9K 525 10
                                    

"Hey, are you okay?" Kaagad napalingon si Precious kay Jerome na nasa tabi niya.

"Ah- yeah. I'm fine."

"Magsinungaling ka lang sa lasing wag lang sa akin."

Nanlaki naman ang mga matang nilingon ito ni Precious.

"What are you talking about?"

"Sus! Kilalang kilala na kita Precious. So, anong problema bat ang tahimik mo ata ngayon?"

Napakunot naman ang noo ni Precious sa narinig.

"Bakit? Kailangan ba talaga akong mag- ingay?"

"Tsk. Pilosopa!"

"Wala nga kasi-"

"May napapansin ako." Kaagad na putol ni Jerome dito.

"Oh? Ano naman yun?" Inosenteng tanong ni Precious na nagpailing iling ni Jerome.

"Ang weird niyo ni AC."

Malalim na nagbuntong hininga naman si Precious sa narinig. Ewan niya rin, pero naweweirdohan din siya sa sarili niya. Para kasing may something si AC na di niya mapangalanan. Iba ang pakiramdam niya pag nagkalapit sila. Hindi naman niya ito kilala- hindi nga ba?

"Para kasing ano-"

"Ano?"

"Familiar kasi siya sa akin."

"Ay mga datingan ni AC, ganyan ang dating ng mga baklang trying hard maging babae." Pang iinsulto pa ni Jerome rito.

"Grabe ka naman-"

"Hays! Wag mo nalang isipin yun! Hali ka na at mag swimming na tayo." Walang imik naman siyang tumayo sa inupuan niya at sinundan nang tingin si Jerome na papalapit na kila AC kasama ang anak niya.

Masayang nagtatawanan ang dalawa na parang kilala na ang isat isa. Weird naman ng baby niya di naman ito masyadong friendly sa ibang tao.

Tahimik lang siyang sumunod kay Jerome na ngayon ay inaya si Ac na maligo din kasama sila. Hindi naman niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib nang pinagpasadahan siya nito ng tingin. Bigla naman siyanv na conscious sa klasi nang tingin nito.

"Ah- hindi muna ako sasama sa inyo mag swimming kakatapos ko lang kasi maglagay ng gluta sayang naman kung mababasa." Maarteng saad nito na nagpataas ng kilay niya.

Parang may bigla siyang naalala. Someone from her past. Kumusta na kaya ang bakla- lalaking yun? Hinahanap kaya siya nito? Nag aalala kaya ito sa pagkakawala nila ng anak niya?

"May problema ba Precious?" Nakakunot ang noo na tanong ni AC sa kanya. Nakatitig na pala siya rito nang hindi niya namalayan. Namumula ang mukhang nag iwas siya nang tingin at mabilis na lumapit kina Jerome. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang pag angat ng mga labi nito na parang nagpipigil lang sa pag ngite. Hindi nalang niya ito pinansin at hinarap ang anak na ngayon ay gumagawa na ng sand castle.

"Jerome baka gusto mong maglibot libot muna. Iwan mo nalang muna kami rito ng anak ko. Okay lang naman kami rito." Aniya rito. Napapansin din kasi niya ang pana panakang tingin ni Jerome sa paligid na parang may hinahanap.

"Hehe okay lang?" Tinanguan lang niya ito at mabilis pa sa alas kwatro itong tumayo at tumakbo papunta sa bandang maraming tao. Napailing iling nalang siya sa kalokohan ni Jerome. Hindi niya tuloy mapigilan ang sariling mapangite pag naiisip ang babaeng nasa Paris na patay na patay kay Jerome. Baka may chance pang magbago ang kaibigan niyang iyon. Gaya nang pagbabago niya kay Aizan.

"Mom?"

Napawi ang ngite niya nang makita ang mukha ng anak na nakatingjn sa kanya.

"Kailan po natin makikita si Daddy?" Malungkot ang mukha nito na nagpapasakit ng puso niya.

Ito ang kinaayawan niya sa lahat ang makitang malungkot ang anak dahil sa pagkakamiss sa ama nito. Wala naman siyang magawa kundi ang yakapan ito at palaging palusot na busy ang Daddy sa trabaho kaya sila muna ang magkasama.
Masaya naman siya kahit papaano na tatahimik lang ang anak niya na parang naintindihan nito ang sitwasyon nila ni Aizan.

Sinubukan niyang kausapin ang Daddy niya sa desisyon nito. Pero natatakot lang siyang magalit ito sa kanya at baka mas ilayo pa sila or worst saktan nito si Aizan. Kaya mas mabuti nalang na tatahimik nalang siya at hahayaan ang ama sa gusto nito. Kasi naniniwala siya na ang plano ng ama ay para rin lang sa ikakabuti niya.

Naalala niya pa nang minsang naglakas loob siyang kausapin ang Daddy niya. Kasi naawa na siya sa anak niya na umiiyak gabi-gabi kasi hinahanap si Aizan.

"I want to teach him something, Princess."

"Dad naawa na ako sa anak-"

"Just this once, and after this I promise that I will let him be with you. May gusto lang akong papatunayan niya sa akin."

Kaya wala na siyang nagawa kundi ang tatahimik nalang at hahawakan nalang ang pangako ng ama. Wala na itong iba pang salita at heto na nga nandito sila sa Cebu. Hindi man niya naiintindihan ang sinasabi nito, pero naniniwala siya na ang plano ng ama ay para rin sa ikakabuti nila. Kahit ang Mommy niya ay tinanguan na siya na parang naniwala din ito sa plano ng Daddy niya na makakabuti sa kanila. Sana nga lang maging okay na ang lahat. Kahit para kay Ieasis lang at wag na sa kanila ni Aizan.
Ayaw niyanv nasasaktan ng ganito ang anak niya. Ayaw niyang umiiyak na naman ito gabi-gabi dahil sa pangungulila sa ama.

"Baby, let make a castle."

"Hmm.."

"Baby?"

"Yes po?"

"Gusto mo ba gagawin kita ng Castle na kasing laki mo?"

Napasimangot naman ang magandang anak niya sa narinig sa kanya.

"Oh, bakit ayaw mo?"

"Wala naman po akong winiwish kundi ang makashama si Daddy, kahit wag na itong Castle. Ay-yoko maging Princess kung w-wala akong King. Ghusto ko mommy, complete tayo. May Queen at King sa buhay ko." Mahabang litanya ng anak niya na parang tinatry talaga nito na masabi lahat.

Lihim na sumikip ang dibdib ni Precious sa narinig sa anak.

"Soon baby. Makakasama natin si Daddy. I promise." Mahinang saad niya rito at mahigpit na niyakap ang anak.

"Yehey! I'm so excited po! Can't wait to see my Daddy!" Masiglang sagot naman niti at tinugunan siya ng yakap.

"I love you baby,"

"I love you too Mommy."

Mahigpit niyang niyakap ang anak at hinalikan sa noo. Wala sa sariling napatingin naman siya sa pwesto ni AC kanena. At halos magulantang siya nang makitang nakatitig din ito sa kanila.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon