Chapter 41

22.7K 578 24
                                    

Naglalakad na si Aizan papunta sa kotse niya nang may humarang sa kanya. Kaagad niya itong sinamaan ng tingin na kinangite lang nito.

"Wow. Ang suplado mo na parang di tayo naging mag beshy noon-"

"Not now, Mertylle."

"Hays. You changed-"

"I know."

"Bastos mo na talaga Aiza-"

Napahinto naman sa pagsasalita si Mertylle nang makitang umikot si Aizan sa kabila para makapasok sa kotse.

"Hoy! Bakla sasama ako sayo!" Buong lakas na pinigilan ni Mertylle ang akmang pagsasara ni Aizan.

Kumunot naman ang noo nito na tinignan siya.

"What the fuck are you doing Mertylle?"

"Sasama ako! Alam kong pupunta ka kila Precious namimiss ko na ang inaanak-"

"NO."

"Aiza please-"

"I'm not Aiza."

Hindi naman mapigilan ni Mertylle ang mapairap sa kay Aizan sa pagtatama nito sa kanya.

"Parang noon lang naiinis ka sa akin pag tinatawag ka naming Aizan kasi Aiza ang gusto mo huhu. Namimiss ko na ang beshy ko noon." Pagdradrama niya pa na sa tingin niya ay hindi naman tumatalab.

"Mertylle, please not now. I still have many things to do-"

"Let me come with you."

"NO."

"Pag hindi mo ako isasama papatong ako sa hood ng kotse mo sige ka." Pananakot pa niya at naglalakad sa harap ng kotse ni Aizan.

Malalim na nagbuntong hininga si Aizan at binuksan nalang ang pinto ng passenger seat. Kung papatulan niya pa si Mertylle talagang hindi siya papayagan nito na makaalis na hindi ito kasama.

Matamis na ngumite naman ang huli na umupo sa tabi niya.

"Thank you." Ngite ngiteng saad pa nito na hindi niya nalang pinansin. Mabilis niyang pinausad ang sasakyan na kinahiyaw pa ni Mertylle.

"Dahan dahan lang bakla baka hindi tayo aabutin ng Cebu nito. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay at marami pa akong problemang haharapin pagkatapos nito."

Nagsalubong na ang kilay ni Aizan sa inis sa kadaldalan ni Mertylle halos sa buong biyahe ito ang nagsasalita. Natanong niya tuloy sa sarili niya kung bakit naging bestfriend niya ito noon sa kadaldalan nito.
Baka tama nga si Mertylle malaki na ang pinagbabago niya. Hindi na siya ang dating Aizan noon na kering keri na makipagdaldalan sa kay Mertylle.

"Hays! Buti nalang mayaman ka beshy nuh? Kasi kung hindi baka hindi pa tayo-"

"Can you please-"

"Oo na tatahimik na. Hays! Nagpasalamat lang eh!"

Mabilis silang umakyat sa private plane niya at laking pasalamat niya na tumahimik na rin si Mertylle.

"Besh, alam ko ba kung saan ang address nila Precious? Alam mo naman siguro na malaki ang Cebu-"

"Hindi."

"Oh my-"

"Pero gagawin ko ang lahat mahanap lang sila. Tama na siguro ang ilang taon naming magkawalay. Diko na kakayanin pang malayo pa sa kanila Mertylle. Haharapin ko ang galit ni Tito kahit ipagbugbog niya ako okay lang basta wag niya lang ilayo ang mag ina ko sa akin. Ayoko ng mabuhay ulit na parang patay naman. " Nagliwanag naman ang mukha ni Mertylle na nakikinig kay Aizan.

Iba nga talaga ang nagagawa ng pag ibig kaya nitong bagohin ang isang tao. Kaya nitong gawin posible ang isang imposibleng bagay.

Hindi nlaang siya umimik at hinawakan nalang ang kamay ni Aizan.

"Magiging okay din ang lahat Besh." Tanging saad niya.

Gulat na gulat siyang napatingin kay Aizan nang magsimula na itong umiyak.

Nanlaki ang mga mata niyang nilapitan ito, hindi niya akalain na ang nag iisang Aizan na kilala niya noon paman ay umiiyak dahil lang sa paglayo ng mag ina nito. Siguro mahal na mahal na talaga nito si Precious.

"Alam kong naging gago ako sa mga desisyon ko noon Mertylle, natakot lang ako noon. Ang bobo ko ba't hinayaan ko pa sila noon. Ba't pinagsalitaan ko pa ng masama si Precious." Lumuluha na ito habang patuloy na nagkwekwento sa kagagohan nito noon.

"Shh. Okay na tahan na Besh. Alam mo lesson lang yun ng tadhana sa inyo kasi kung hindi yon nangyari baka gago ka parin hangang ngayon. Diba nga kaya ka naging successful ngayon kasi naging inspiration mo ang mag ina mo? Cheer up na wag ka ng umiiyak. Jusko noong nasa college tayo kahit pusong babae ka pa noon never kitang nakitang umiiyak sa mga kalandian mo pero kay Precious ngayon grabi ka umiyak haha. Magiging okay din ang lahat."
Mahabang litanya niya at mahigpit na niyakap ang kaibigan.

"Ba't ang hina ko kasi noon."

"Lumalakas ka na ngayon. Hindi pa naman huli ang lahat. Pakakatatag ka Besh, nandito lang kami para sa'yo. Di ka naman siguro duwag para harapin si Tito ngayon diba?"

Mabilis na umiling naman si Aizan. Kung nasa normal na sitwasyon siguro sila ngayon tatawanan niya talaga ang pagmumukha ni Aizan para itong batang iniwan ng ina. Awang awa siya sa sitwasyon ng kaibigan. Pero malaki din ang tiwala niya sa Daddy ni Precious na may gusto lang itong patunayan.

"Gagawin ko ang lahat lahat Mertylle, makuha ko lang ulit ang mag ina ko. Kahit itaya ko pa ang buhay ko. Kahit buhay ko para lang mapatawad ni Tito gagawin ko."

Tinanguan lang siya ni Mertylle, gagawin niya ang lahat para lang makuha ulit ang mag ina niya. Mabilis lang sila nakarating sa Cebu. Nag stay lang sila sa isa sa mga hotel na pag aari lang din ng pamilya niya.

Kinabukasan umalis si Aizan sa hotel na pinagstayhan nila ni Mertylle. Gusto niyang makapag relax man lang kahit saglit, habang naghihintay siya sa mga taong binayaran niya para mahanap ang exact location ng mag ina niya ay napadpad siya sa isang simbahan sa Cebu ang Basilica Minore Del Sto Niño De Cebu. Natangpuan niya ang sariling nagdasal at umiiyak sa harap ng batang hesus. Umiiyak siya habang nagdadasal na sana ay mapatawad pa siya ng mag ina niya at sa ama ni Precious. Alam niyang hindi siya naging mabuting ama sa mga anak niya pero sana bibigyan pa siya isang pagkakataon para itama ang mga mali niyang nagawa noon. Iniyak niya ang lahat at humihingi siya ng tawad sa kagagohan niya. Ilang oras din siyang nakaluhod sa loob ng simbahan. Papalabas na siya ng simbahan nang may magiliw na batang lalaki ang kumakaway sa kanya na wari'y kilala siya nito. Napalingon lingon pa siya para siguradohin na baka hindi siya ang kinawayan nito pero wala namang tao kundi siya lang sa pwesto niya. Hindi niya napigilan ang sariling ngumite rin pabalik dito.

"Sir,"

Napalingon siya sa isang matanda na nakapalda at may dalang kandila. Nang lumingon siya ulit sa pwesto na kinatayuan ng bata kanena ay wala na ito.

Ang bilis naman ata niyang nawala..

"Tapos na po ako niyan nay," saad niya lang sa matanda na nag alok sa kanya ng kandila. Ngumite naman pabalik ang matanda sa kanya at naglakad na ito sa iba pang customer na papasok sa simbahan.

Nilingon niya paulit ang pwesto ng bata kanena bago naglakad papunta sa exit. Napahinto siya sa paglalakad nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone niya kaagad niya itong kinuha at kaagad sinagot ang tawag galing sa mga tauhan niya.

"Sir, nahanap ko na po ang exact location nila maam dito po sa Cebu."

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon