Chapter 46

21.9K 509 24
                                    

Pagkatapos mapatulog ni Precious ang makulit niyang anak ay marahan niya itong hinalikan sa noo bago tumayo at lumabas sa room nila.

Hindi pa kasi siya dinadalaw ng antok. Siguro dahil ito sa pinag iisip niya. Bakit ba naman kasi pinoproblema niya pa ang mga
bagay na di naman dapat pinoproblema.

Ano ba kasing meron sayo Aizan? Bakit nagkakaganito ako?

Natagpuan ni Precious ang sarili na nakatayo sa may veranda. Hindi naman niya mapigilan ang sariling mapapikit habang sinasalubong ang malamig na simoy ng hangin. Ito yung gusto niya, payapa at walang problema. Napaangat naman siya ng tingin sa langit na may mga bituing kumikislap.

Kumunot naman ang noo ni Precious nang biglang sumulpot sa isip niya ang mukha ni Aizan na nakangite at nakatitig sa kanya.

Oh, Fvck!

Pilit na pinipilig niya ang ulo at muling tumingin sa mapayapang kalangitanan. Kahit ngayon lang wag mo ko guluhin-

"Aizan!"

"Hoy! Anong Aizan?" Namumula ang mukhang napaiwas ng tingin si Precious kay Jerome na nakatayo na sa tabi niya.

"Bakla ka! Ba't nanggugulat ka?"

"Gaga! Kanena pa ako rito! Tinatawag pa kita kanena doon, di mo man lang nga ako nilingon. Kaya pala may ka moment ka na palang Ai- aray!"

"Sige, ituloy mo! Mapipitikan ko talaga yang bunganga mo bruha ka."

"Tsk. Ang sakit ha." Masama ang tingin ni Jerome sa kanya habang nakahawak sa nguso.

"Sarap, diba?"

"Ano ba kasing ginagawa mo rito? Tulog na tulog na yung anak mo tas ikaw rito maypa moment-moment ka pa sa mga bituin. Ano ka girl, Teenager?"

Sinamaan naman ito ng tingin ni Precious.
"Masyado kang oa, pag nagpapahangin ba pang teenager lang?"

"Ay sus! Eh dedeny pa eh kilalang kilala na kita. Alam kong may gumugulo sa isipan mo kaya hindi ka nakatulog ngayn. So, sino naman yan? Si Aizan o may iba ka ng iniibig na afam rito?" Nakangiseng tanong ni Jerome na sakanya.

"Please, Jerome. Umayos ka sa mga pinagsasabi mo. Anong may iniibig na afam? Kinikilabutan ako sayo! Umuwi ka na nga lang sa Paris. Ang dudugyot mo na kasi-"

"So, walang iba at si Aizan lang? Sana all!"

"Wala akong sinabi-"

"Kaya nga wala ka palang sinabi. Nababasa ko na sa mga mata mo. Iba kasi ang kislap niyan pag si Aizan ang nakikita at ang topic."

"Sige, bunganga mo lang Jerome-"

"Nagsasabi naman kasi ako ng totoo. Sabihin na nating pilit mong tinatanim sa sarili na 'wag na, tama na' pero si puso sige pa, may magagawa ka ba? Alam kong hindi lang si Baby Ieasis ang nangungulila sa kanya at alam ko na ikaw rin."

"Ano bang pinagsasabi mo."

Pinilit paring umaktong hindi apektado si Precious kahit sa loob-loob niya alam niyang tama si Jerome. Wala na rin naman siyang magagawa ang pader na pilit niyang tinatayo sa paligid ng kanyang puso ay unti-unti ng natitibag. At wala siyang magagawa kundi ang hayaan ito, kasi kahit anong pilit niya rito, pag ito na ang magdedesisyon talo na si utak. Ganyan naman ang karamihang kahiyaan ng tao, na pag puso na ang gumagana, wala ng kwenta ang nais ng utak. Para bang may mahika itong ginagawa na makapag pasunod sa lahat ng gusto ng puso; na kahit na katangahan na ang ginagawa ay sige parin.

"Ito nalang ang isipin mo Precious, para naman makatulog ka na. Baka kasi magising ang anak mo at hanapin ka. Isipin mo nalang na kung panahon na, dadating at dadating siya. Sadyang may mga bagay lang talaga sa mundo na kailangan mong mahintay sa tamang oras at pagkatataon. Be strong for your baby, I know you can do it-"

"Ang drama mo."

"Bwisit! Alam mo bang binasa ko pa yan sa mga books na binibili ko. Para naman pag may taong hihingi ng payo sa akin. May salita akong makapag bago sa kanila. Alam mo na, aside sa pagiging Fashion Designer, pangarap ko ring maging Love Adviser." Nangingislap pa ang mga mata nitong habang nagsasalita sa mga gusto nito sa buhay. Napangise naman si Precious nang may naisip na kalokohan.

"Paano si Queenie? Ikaw pangarap no-"

"Argh. Shut up!"

"Oo nga baka nga namimiss ka na no-"

"Gross."

"Haha. Baka may chance kayo Jerome, I mean alam mo na ganyan din kami ni Aizan noon haha."

"Gaga! Iba kami sa inyo! Kayo may anak na! Kami wala at never pa na magkakaanak kami! Wala akong planong mag labas ng binhi at maging ama."

"Sus! Wag magsalita ng tapos. Alam naman nating na gustong gusto ka ni Queenie at hindi yun titigil hanggat hindi ka makukuha- "

"Ew!"

Gusto ng tawanan ni Precious ang nandidiring mukha ni Jerome. Napapaatras pa ito sa kanya na parang sobrang dumi na niya sa paningin nito.

"What? Haha. Ang ganda kaya n-"

"Bullshit! Ayoko na matutulog na ako! Bahala ka na diyan sa buhay mo! I hate youuu!" Inis na inis na sigaw ni Jerome sa kanya at tumakbo na papasok.

Natatawa naman siyang bumalik sa pwesto at hinawi ang buhok ng lumakas ang hangin.

"Naniwala naman ako sa God's perfect timming. Kaso nga lang, natatakot na akong masaktan. Tsaka, may weird pa akong nararamdaman kay AC ngayon. Sino ka nga ba talaga AC? Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko malalaman ang weird na nararamdaman ko sayo. Ayoko ng tanggapin na umiibig na naman ako ulit, at sa bakla parin."

Malalim siyang nagbuntong hininga bago napagdesisyonan na matulog nalang.

Sa kabilang banda, hindi naman mapigilan ni Aizan na sundan ng tingin ang malungkot na mukha ni Precious. Gustong gusto na niyang magpakilala sa mag ina niya pero natatakot parin siya kung magpadalos dalos siya. Tama naman si Mertylle hindi niya pa kilala ang Daddy ni Precious kung paano ito magalit. Kaya dapat ngayon ay mag iisip na siya ng plano baka malaman na ng ama nito na lumalapit na siya sa mag ina niya. This time, he needs to think critically to help himself. Hindi na niya patatagalin pa ito; kasi baka magising na naman siyang nilalayo na naman ang mag ina niya sa kanya.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon