"Here's your breakfast- Hey? Are you okay? Malulunod na ata ang buong Cebu sa lalim ng iniisip mo." Walang imik na tinapunan ko ng tingin si Jerome na nakatitig sa akin.
After that day, mabilis na nilayo kami ni Daddy kay Aizan. Kasalukuyan kaming narito sa Cebu, sa isa sa mga Resort ni Daddy dito. Sineryoso niya talaga ang banta niya kay Aizan na kahit anong pigil ni Mommy didto ay hindi nito pinapakinggan.
"Thank you."
"Ano na naman ba ang drama mo? Ba't ka tulala dyan? Hindi mo maeenjoy ang ganda ng Resort na ito kung tutunganga ka lang dyan. Kumain ka na tas mamasyal tayo rito." Saad pa ni Jerome at umupo sa tabi ko.
"I'm fine."
"Tsk."
Malalim na nagbuntong hininga ako nang maisip ko na naman si Aizan. Kumusta na kaya yun? Ano kaya ang nangyari nang pumunta sila Mommy at Daddy sa bahay nila Aizan? Sinaktan kaya niya si Aizan? Napaparanoid na ako sa mga senaryong pumapasok sa isip ko.
"Nothing."
"Tsk. I know you. Alam ko kung nagsasabi ka ng totoo or nagsisinungaling. Afterall, you're not good in lying. Come on, what is it?" Seryoso na ang mukha nitong tinignan ako.
"I'm fvcking worried."
"Hays. Pag ibig."
"I just can't help it. I can't deny the fact that I still love that man. Kahit gago na yun noon pa."
"Hays! Sa gwapo ba naman ni Aizan- aw!"
"Stop it."
"Hehe. Just kidding. Pero seryoso Precious, kung ano man ang ginawa ni Tito sa kanya. He deserves it."
"What if-"
"Shh.. Listen, Tito knows what's best for you and for Baby Ieasis. Di naman siguro niya papatayin si Aizan. Baka tinuruan niya lang ng leksyon ang lalaking yon."
"How sure are you?"
"Ofcourse. Mahal kayo ni Tito."
"Jero-"
"Shh. Chill. We're here to enjoy haha. Just go with the flow."
"How-"
"Shh. No more questions. Eat your breakfast na. Gigisingin ko pa ang Prinsesa." And with that he left.
Naiwan namang akong tulala. Well, may point naman si Jerome. Ginawa lang naman ito ni Mommy at Daddy para sa amin ni Ieasis. Kahit alam kong may tampo pa si Daddy sa paglilihim ko. Hays. I should trust them. They know what's best for me.
"Let's go Precious! Nasa baba na ang Van na mag totour sa atin sa buong Cebu." Narinig kong sigaw ni Jerome sa labas ng kwarto ko.
"What? I thought mag stastay lang kami rito sa buong Resort. Saan naman tayo pupunta?" Sigaw ko pabalik sa kanya. Nagmamadali pa akong nagbihis. Kanena pa kasi tong bakla to, naliligo pa lang ako sinisigawan na ako nito.
"Tsk. Kakasabi ko lang nga e, si Baby Ieasis, excited na excited na sa pupuntahan natin. Faster!" Sigaw pa nito. Kaya mas lalo kong binilisan ang ginagawa ko.
Naka simpleng dress lang ako at naka flat tas naka lugay lang ang mahaba kong buhok. Nag liptint lang ako hindi naman kasi ako mahilig sa make up. And tadaaa.. I'm done!
Mabilis na binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakasimangot na si Jerome at ang anak ko.
"Tagal." Bulong pa ni Jerome na buhat buhat si Ieasis.
"Hehe sorry. Ow! Hi baby! Ang gandaaaa moo." Nginitian naman ako nang anak ko at bumaba pa sa pagkakabuhat ni Jerome.
"Nagpapabuhat yan kasi sumasakit na ang paa niya sa kakahintay sayo." Saad pa ni Jerome.
Nginitian ko lang ang anak ko at hinawakan ang kamay nito.
"Sorry Baby,"
"It's okay, Mommy."
Hindi kami nagkasabay nito kanena kasi si Jerome ang napili niyang magbibihis sa kanya. Kaya ayon nang matapos sila nag libit libot pa sila tas pag balik nila di parin ako tapos hehe.
Pagdating namin sa baba naka abang na ang Van na sasakyan namin.
"Good Morning po, Ma'am." Bati pa ng driver sa amin na si Manong Nestor sa amin.
"Good Morning po." Mabilis na pumasok kami sa Van at inaalayan ko pa si Ieasis. Si Jerome naman ay busy sa ka text nito. Hays! Another baby boys.
"Ma'am, Saan po pala ang first stop natin?"
Napaisip naman ako kung saan kami unang bibisita. Ayaw ko namang disturbohin si Jerome na busy pa sa kalandian nito sa phone nito.
"Sa Basilica Del Sto Niño nalang po," Napangite naman ang Driver sa sinabi ko.
"Okay po,"
Nginitian ko nalang ang Driver at marahang hinaplos si Ieasis na nakayakap sa akin. Bat ang tahimik ng batang ito ngayon?
"Baby? Are you okay?" Nag angat naman ito ng tingin sa akin.
"I'm good po, Mommy." Matamlay na saad nito.
"I know you're not, Baby." Yumuko naman ito as a sign na nag sisinungaling ito.
"I just missed Daddy."
Hays! I knew it. Iniisip din nito ang Daddy nito.
Malalim na nagbuntong hininga ako at nilingon si Jerome na parang narinig din ang sinabi ni Ieasis.
"Baby, mag babakasyon kasi muna tayo rito sa Cebu. Ayaw mo ba nun? Kasama mo si Mommy at si Tita Jeriya? Mag bounding tayo rito and we will see the beauty of this City?" Lumungkot naman ang mga mata nitong tinignan ako.
"I am happy po Mommy,"
"Are you sure? Bakit iba ang nakikita ko sa mga eyes mo? Lying is bad."
"I just missed Daddy."
"You will see him soon, Baby. He's just busy for his business."
"When?"
"Soonest."
"For now, Let's enjoy exploring Cebu! This is a great place to stay, Baby."
"Okay po."
Nginitian ko lang si Jerome na nag alala ding tinignan ako. Hays! I fvcking hate it.
Mabilis lang kaming nakarating sa Basilica.
"Ma'am, Nandito na po tayo."
"Salamat po." Saad ko at inaalayan si Ieasis na bumaba sa Van.
Bumalik naman ang sigla nito nang makita ang Basilica.
"Wow." Manghang saad nito.
"Welcome to Basilica Del Sto Niño, Baby! The home of our Baby Jesus."
"Yehey!"
Napangite naman si Jerome na hinahawakan din si Ieasis. Sinalubong naman kami ng mga may edad ng nagtitinda ng kandila. Kaagad namang kaming bumili ni Jerome. Nang matapos din kami sa labas ay mabilis naman kaming umupo sa loob ng simbahan. Kaagad akong lumuhod at matiim nagdasal. Nagpasalamat muna ako sa mga blessings na nareceived ko, sa mga struggles na na overcome ko at hindi din mawawala ang pagdadasal ko sa relasyon namin ni Aizan.
Lord, I trust you with all of my heart. I trust your plans. and If we're meant to be, it will be.