Chapter 27

30.4K 896 100
                                    

Malakas na kumabog ang puso ko habang tinitignan si Aizan na taimtim na nakatitig kay Ieasis.

"Mommy! Look, Grandma is there! She's with kids! Mommy, Let's go!" Hindi na ako nakapagreact ng mabilis ako nitong hinila palapit kila Mommy. Naiwan naman si Aizan na nakatitig parin sa amin. Namamawis naman ang katawa ko sa sobrang kaba. Sana lang talaga hindi siya mag isip ng kung ano ano. Sana lang talaga hindi niya namumukhaan si Ieasis. Titig na titig pa naman ito kanena. Umaawang pa nga ang mga labi nito na nakatitig kay Ieasis. 

"Anak? Malalim ata ang iniisip natin?" Ngumite ako kay Mommy na nakaupo sa tabi ko.

Kasalukuyan kong binabantayan si Ieasis na masayang nakipag laro sa mga pinsan niya. Tuwang tuwa ito nang ipakilala siya ni Mommy sa mga bata.

Malalim naman akong nagbuntong hininga nang maalala ang Aizan na kaharap ko kanena. Ibang iba na siya sa Aizan noon.

"He changed alot, Mommy." Wala sa sariling usal ko. Naramdaman ko naman ang marahang haplos ni Mommy sa balikat ko.

"Matagal na, Anak."

"Ha?"

Napakunot ang noo ko sa naging sagot ni Mommy. Wala naman siyang kaalam alam sa past namin ni Aizan. Tanging si Mertylle lang at si Jerome ang nakakaalam sa secreto kong iyon. Hindi ko ito kailan man ino open up kina Mommy. Kasi ayaw kong sasama ang tingin nito kay Aizan.

"Wala naman Anak, Dapat kasi mag saya ka ngayon. Kasi kaarawan ito ng Daddy mo. Stop overthinking. Enjoy the party, Baby. Ako na ang bahala sa apo ko. Imbitado ang mga kaibigan mo na sila Mertylle at Henry at si Aizan. Sige na, puntahan mo na sila ate at ako na ang bahala rito." Nakangiteng saad ni Mommy.

"Bakit nandito si Aizan, My? Sinong-"

"Isa siya sa mga Young CEO na business partner ng Daddy mo, Baby. Kaya siya invited, at bat kaba ganyan umasta. Sa pagkakaalam ko matalik kayong magkaibigan noon. Kayo ni Mertylle at ni Aizan-"

"Iba na ang noon at ngayon,Mommy. Marami na ang nagbago,"

"Baka naman nagbago for good."

Naguguluhan na talaga ako sa mga pinagsasabi ni Mommy. Ngumise naman ito at sinabihan pa ako kung nasaan banda sila Mertylle..

Wala naman akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito. Wala naman siguro si Aizan doon. Hays. Nang makita ko na ang table nila Mertylle mabilis na bineso ako nito at niyakap. Si Henry naman ay nginitian lang ako. Napalis naman ang ngite sa labi ko nang makita ang lalaking nakaupo sa tabi ni Henry. Mataman itong nakatitig sa akin. Naiilang na tumabi naman ako kay Mertylle. Nagkwekwentuhan si Henry at Mertylle habang tahimik naman akong sumimsim ng alak. Naramdaman ko naman ang mainit na titig ni Aizan. Shit! Maya maya lang rin ay nag simula ng tumayo si Mertylle at Henry para makipagsayawan. Naiwan naman ako at si Aizan sa table. Shit! Aalis nalang kaya ako rito.

"I miss you." Automatikong kumabog ang puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. Nag angat ako nang tingin rito at hilaw na ngumite.

"Namiss ko din kayo-"

"Kumusta kana?

"O-Okay lang." Naalarma naman ako nang umupo ito sa tabi ko.

"Precious,"

"O-Oh?"

"S-Sorry."

"Haha. W-Wala na yon," Puno ng pait na sagot ko. Kahit anong kumbinsi ko sa sarili na umaaktong wala lang pero ayaw talaga.

"Precious,"

"Hmm."

"Can we talk in private?"

"Nag uusap na tayo,Aizan."

"Precious,"

Hindi naman ako sumagot rito. Naninikip lang ang dibdib ko sa bawat bigkas niya sa pangalan ko. Nanunubig na din ang mga mata ko sa narinig ko sa kanya. Shit! I should stop it! Ayokong umiyak sa harap niya. Baka mas matutuwa itong makikitang apektado parin ako! Ayoko na!

Umisod ako na kinunotan niya.

"Precious-"

Laking pasalamat ko naman nang dumating is Mertylle at Henry sa table namin. Napahinto pa ang mga ito nang makita na magkalapit na kami ni Aizan.

"Ehem." Sinamaan ko naman ng tingin si Mertylle na ikinangise niya.

"Real quick."

Umupo na ang dalawa sa harap namin habang si Aizan ay tahimik parin.

"Aizan, baka matunaw si Precious niyan." Sinundan pa ito ng tawa ni Mertylle.

"I won't-"

"Jerome!" Napalingon ako sa direksyon na tinignan ni Mertylle at nandon nga nakatayo si Jerome na parang may hinahanap. Nagliwanag naman ang mukha nito nang makita kami. Mabilis itong naglakad papalapit sa amin.

"Hi!" Aniya at kumuha ng bakanteng upuan sa kabilang table at nilagay sa tabi ko. So napagitnaan nila ako ni Aizan.

"Ba't ngayon ka pa lumabas Jerome? Kanena pa kami rito." Tanong ni Mertylle rito. Napakamot naman si Jerome na nasa tabi ko.

"Hehe. Nabusy kasi ako doon. Tsaka hinahanap ko si Precious, kaso sabi ni Tita nandito daw siya kaya naman pumunta ako rito." Mahabang paliwanag ni Jerome.

Naninibago naman ako sa kinikilos nito. Pero hindi ko nalang pinagtuonan nang pansin. Napansin ko pa ang panaka panaka nitong pag sulyap kay Aizan na nasa tabi ko.

Nanindig ang balahibo ko nang mabilis na lumapit ang mukha ni Jerome sa may leeg ko at bumulong. Napansin ko naman ang pagtingin ni Aizan sa amin. Natawa pa si Jerome sa binulong niya habang si Aizan ay masama na ang tingin sa amin. Kahit si Mertylle at Henry napansin din nila ang pagdilim ng mukha ni Aizan.

Binaba nito ang kopita at tinignan ng mabagsik si Jerome. Napahawak naman sa kamay ko ang bakla na nasa ilalim ng table.

"Boyfriend ka ba ni Precious?" Diretsong tanong nito kay Jerome. Mabilis na umiling naman si Jerome rito.

"Hindi ka naman pala niya boyfriend, then bakkt ka ganyan dumikit sa kanya? Distansya pare." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kay Aizan. Seryoso?! Ano raw, pare?!

Kahit si Mertylle ay ganun din habang si Henry ay nagpipigil tawa. Si Jerome naman ay namumutla. Kaya hindi ko na napigilan pang sumabat sa kanila.

"Problema mo ba? Eh close kami e, tas kaibigan ko siya-"

"It's a big no for me. Precious," madiing aniya.

"Bat nangingialam ka ba."

"Because I say so." Simpleng sagot nito.

"Aizan-"

"We need to talk, Precious."

"We are talking-"

"In private."

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon