"Precious,"
"Jerome, nakita mo si Ieasis? Pagkagising ko kasi wala na siya sa kwarto-"
"Excited na excited yun kanena. Kasi day off ni Aizan ngayon maglalaro daw sila ngayon buong araw."
Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ang sinabi ni Jerome. Hays! Ewan ko ba kung bakit napaparanoid na ako..
"Ang blooming mo ata ngayon te? May something na bang namumuo-"
"Tsk."
"Hoy! Precious!"
Walang imik na tinalikuran ko si Jerome at mabilis na naglakad palayo sa kanya. Tinatawag pa ako nito pero hindi ko na nilingon. Mang aasar lang ang baklang yun. Gulat na gulat na napatingin naman ako kina Mommy at Daddy na nakaupo sa sofa. Bago ako lumabas sa kwarto chinicheck ko ang time kanena at nasa mga 9:30 na sa umaga. Bakit nandito pa sila?
"Mommy, Daddy?"
"Buti gising kana."
Napakunot naman ang noo ko sa inaakto ni Daddy. Wala naman akong ginawang mali diba? Nagpapakabait na kaya ako ngayon. Tas inaalagaan ko naman ng mabuti ang anak ko. Bakit ganito ang mga mukha nila?
"Ano pong meron? Bakit hindi pa po kayo nakaalis-"
"Gusto mo na kaming umalis para hindi namin makita ang tinatago mo?" Madiing saad ni Daddy. Bigla naman akong namawis sa narinig sa kanya. Mas matatakot kasi ako kay Daddy keysa kay Mommy. Imagine years ago, hindi niya ako kinausap noon sa pagtatampo niya.
"Po? Anong tinatago? Hindi ko kayo maiintindihan Daddy, wala naman ho akong-"
"Si Aizan."
Napansin ko naman si Mommy na nakahawak lang sa kamay ni Daddy na parang pinapakalma niya ang huli.
"Ano pong-"
"Wag ka ng magsinungaling-"
"Ano ba Sien! Let her explain. Di yung inuunahan at pinuputol mo yung sasabihin niya. Mahahampas talaga kitang lalaki ka." Kung nasa maayos na sitwasyon siguro kami, siguro tumatawa na ako ngayon. Napatingin kasi si Daddy sa kanya na parang natatakot pa kay Mommy.
Lihim na napangite naman ako sa pagmamahal ni Daddy ni Mommy, mula kasi noon ganito na ito. Under man ang tawag ng iba, pero para sa akin. Pagmamahal ito. Ako kaya? Kailan ko kaya matatagpuan ang lalaking kagaya ni Daddy?
"Sorry, Honey."
"Go, Precious. Explain now."
"Daddy di ko po kayo maiintindihan? Ano po ang tungkol kay Aizan?"
"He is the father of Ieasis, right?" Diretsong saad ni Mommy. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Wala na alam na talaga nila. Paano pa ako lulusot nito? Pero ayokong maipit si Aizan.
"Mommy-"
"Yes or No?" Biglang imik ni Daddy.
Malalim naman akong nagbuntonghininga bago sila tinignan ulit.
"Opo. Siya po ang ama ni Ieasis."
"Kaya pala napaka familiar ng mukha ng apo ko sa akin. Kasi girl version pala siya ni Aizan. Putang-"
"Don't curse, Sien!"
"Honey-"
"Shut up!"
"Sorry po. Kung tinago ko po sa inyo ito. Natatakot po kasi ako, bata pa po kami ni Aizan noon at isang pagkakamali lang po ang nangyari kaya nabuo si Ieasis. Pero kahit po papaano nakaya ko naman pong buhayin ang anak ko na ako lang."
"Alam ba niya ito na nabuntis ka niya noon? Sinabi mo ba sa gagong yun?"
"Sien!"
"D-Daddy."
"Ano?"
"Bata po kami noon-"
"Tangina! Noong ginalaw ka ba niya iniisip niya yan?!" Namumula na ang mukha ni Daddy sa galit. Si Mommy naman ay marahan siyang pinapakalma.
"Tanginang yan! Ang kapal pang pumunta rito at nakipag partner pa ako sa gagong yun!"
"Honey. Kumalma ka nga."
"Daddy, lasing po siya. Wala po kami sa sarili-"
"Wag mo na siyang ipagtanggol Precious! Ipapapull out ko ang share ko sa tang inang Kompanya ng gagong yan! Hindi ko na papayagang pang makakatapak pa ang gagong yan duto sa pamamahay ko!"
"Honey,"
"No. Let me handle this.." Madiing saad nito bago tumayo at iniwan kami.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha kong kanena ko pa pinipigilan. Mabilis na niyakap naman ako ni Mommy.
"Shh.. Tahan na."
"I'm sorry, Mommy."
"Baby, Noong una palang alam ko na na si Aizan ang ama ni Ieasis. Pero baby, hindi si Mommy ang nag sabi kay Daddy. Kundi nalaman lang niya ito kanena kasi tinawag ni Ieasis na Daddy si Aizan. Sinubukan kitang pagtakpan pero masyadong matalino ang Daddy mo. Hindi siya naniniwala. Shh.. Tahan na magiging okay din ang lahat."
"Thank you, Mommy. Please help me po, baka ano ang maisip ni Daddy or worst ipakasal niya po kami ni Aizan. Ayoko po nun."
"I will Baby,"
"Mommy, kaya po kasi-"
"Shh. Wag ka nang magsalita baka iiyak ka na naman. Tahan na. Alam ko na ang lahat noon pa."
"Sorry po."
"Okay na baby, tahan na."