Chapter 24

28.8K 732 13
                                    

Pakanta kanta akong nagluluto nang tumunog naman ang telepono namin.  Pinatay ko muna ang stove at sinagot ang tumatawag.

"Hello?"

"Hi Baby!" Napangite naman ako nang makilala ang boses ng nasa kabilang linya.

"Hello,Mommy." Ngumite pa ako kahit di naman ako nakikita nito. Ang sarap sa pakiramdam na okay kayo ng mga magulang mo. Yan yung natutunan ko sa ilang taong lumipas.

"Bakit po kayo napatawag, Mommy? At himala dito kayo sa telephone tumawag at hindi sa Skype."

"Nakakatampo ka naman Baby, ayaw mo bang tumatawag ako? Eh gusto ko sa telephone kasi alam ko ikaw ang makakasagot,"

"Ah kaya pala hehe."

"Nasaan ang maganda kong  apo?

Napalingon naman ako sa pwesto ng anak ko na nakaupo sa sofa na nanood ng Cartoons.

"Nasa sala Mommy, Nanood ng TV."

"Namimiss ko na kayo. Kumusta na Baby?"

"Okay naman po kami rito, Mommy. Tsaka kakabisita mo lang sa amin noong nakaraang linggo." Napatingin pa ako sa Calendar na nakasabit sa dingding.

"Hays! Eh sa namimiss ko na kayo e," Parang bata pa na saad nito na tinawanan niya.

"Baby, Next week na ang Big Day ng Daddy mo. Wala ka bang balak umuwi muna rito sa Pinas anak? Para naman kahit papaano ay makabisita ang Apo ko rito sa lupang iyong sinilangan. Ilang Birthdays na ng Daddy mo di ka pumunta. Please pag bigyan mo naman kami ngayon. 50th Birthday yan ng Daddy mo Baby." Pangongonsensya pa nito sa kanya.

"Mommy, bakit di nalang kasi dito sa France e-celebrate yan, Bakit dyan pa?"

"Hays! May mga katulong tayo rito na nag aabang din sa Birthday ng Daddy mo. Hiling din nila na sana dito nalang natin eh celebrate at sana daw umuwi ka na rito para makita din nila sa personal ang apo ko,"

"Mommy, may photoshoot pa kasi-"

"So ipagpalit mo na kami sa pag momodelling mo? So mas importante yan sayo? Si Jerome lang ang bahala dyan. Kahit tawagan ko pa yung batang yon. Papayag yon ikaw lang itong ayaw." Nababahid na sa boses ng Mommy niya ang pagkairita nito sa kanya.

"Please u-"

"Ikaw nalang ba ang palagi naming iniintindi? Nakakapagod na din Precious. Kung ayaw mong umattend dahil sa may photoshoot ka pa. Sige wag nalang."

"Mommy-"

Hindi na niya natuloy pa ang nais sabihin kasi binabaan na siya nang Mommy niya.
Napapikit naman siyang binaba ang telepono at iniisip ang sinabi ng Mommy niya. Tama naman kasi ito nagpapalusot lang siya para di makauwi. Di pa kasi siya handa. Ang tanong kailan ba siya maging handa? Kailan niya haharapin ang kinakatakutan niya?

"Mommy?" Napalingon naman siya sa anak niya na nakatayo na sa likuran niya.

"Baby? You need something?" Umiiling naman ito sa tankng niya.

"Are you okay po? Si Grandma po ba yong tumaweg?" Tumango naman siya rito. Muntik pa siyang matawa sa narinig na pagbigkas nito sa "tumawag"

"Nagtatampo lang si Grandma. But we're okay. She wants us to visit Philippines. Next week is your Grandpa's 50th Birthday. But I told her that we can't go there. Because of my hectic schedule." Mahabang paliwanag niya rito. Nagliwanag naman ang mukha ng anak niya nang marinig ang Philippines. Alam niyang pangarap ng anak niya na makapunta sa Pinas kaso siya itong ayaw.

Napansin naman niya ang lungkot sa mga mata nito nang marinig ang sinabi niyang di sila makapunta sa Pinas dahil sa masyado siyang busy.

"I understand, Mommy." Sabi lang nito at nagpapaalam na sa kanya na aakyat na ito sa kwarto. Alam niyang nagtatampo din ang anak niya sa kanya. Nababasa niya sa mga mata nito, hindi nga ito makatingin sa kanya. Malalim nalang siyang nagbuntong hininga at bumalik sa kusina.

Akmang mag hahanda na siya sa mga pagkain na naluto niya kanena nang mag ring naman ang phone niya. Nagpunas muna siya sa kamay bago sinagot ang tumatawag sa kanya sa skype na si Mertylle.
 
"Hey!" Bati niya rito pero hindi man lang siya nito nginitian. Nakasimangot pa uitong tinignan siya.

"Ang bad mo. Kakatawag lang ni Tita sa akin. At umiiyak pa habang sinasabi na pinagpalit mo daw sila sa trabaho mo. Beshy naman. Family is love eh! Bat inuuna mo pa yan. Alam naman natin na kahit gaano pa hectic ang schedule mo, kayang kaya yan eh handle ni Jerome." Pagrarant nito sa kanya. Walang imik naman siyang pinapakinggan ang kaibigan. At nang makita niyang tapos na ito. Nagsalita na rin siya para rito.

"Kaya ka ba tumawag para lang niyan?"

"Hindi ba obvious? Nakakainis ka narin kasi minsa Beshy, Strong naman na Precious ang nakilala ko pero bakit ata isang Mahinang Precious ang kaharap ko ngayon. Alam kong takot ka pumunta rito sa Pinas kasi takot kang makita si Aizan. Come on, Face your fear."

"Oh? Cat got your tongue? Hindi ka makapagsalita? I challenge you do visit Philippines, show me the Precious I used to know." At pagkatapos nito kagaya ng ginawa ng Mommy niya binabaan din siya nito. Inis na tinignan naman niya ang phone niya.

Di na siya takot. Hindi na. Nakalimot na siya e. Pero kahit anong pilit niyang eh convince ang sarili na nakalimot na siya. At di na siya takot, pero para lang niyang niloloko ang sarili. Kasi alam niya na takot pa siya. At di pa siya nakalimot.

Nang makapaghanda na siya nang pagkain. Tinawag na niya ang Baby niya sa kwarto. Mabilis naman itong bumaba at walang imik na kumakain. Wala si Jerome ngayon kasi may nilalakad ito.

Nang patapos ng kumain si Ieasis. Hindi ko naman mapigilan ang sariling hindi ito kakausapin. Ngayon lang nagtatampo ang Baby ko sa akin.

"Baby?"

Tumingin naman ito sa kanya na nanubig ang mga mata.

"M-Mommy," Basag na ang boses nito nang sinagot siya.

"Are you mad?" Umiiling naman ito.

"Then, what's the problem? Bakit di ka nagsasalita? Kanena ka pa walang imik?" Umagos naman ang luha ni Ieasis na tinignan siya. Para namang sumakit din ang puso niya nang makita ang sunod sunod na pag agos ng luha nito.

"I'm sorry, Mommy." Anito.

Mabilis naman niya itong nilapitan at mahigpit na niyakap ang anak.

"Don't be sorry. I know you want to go there. Am I right, Baby?" Tumango naman ang anak.

"I want to visit Grandpa, Mommy. I want to greet him in person. I want to meet Tita Mertylle in person."

"Shhh. Wag ka ng umiyak. Pupunta tayo sa Pilipinas. A-attend  tayo sa Birthday Party ni Grandpa, Okay?"

Mabilis na nagliwanag naman ang mukha ni Ieasis. Pinunasan pa nito ang mukha na may mga luha.

"Really, Mommy?"

"Yes."

"Am I dreaming po?"

Natawa naman siya sa narinig sa anak.

"No. You're not, Baby. Magpa book na tayo ng ticket para mapa aga ang pagdating natin sa Pinas." Narinig naman niya ang pag yes ng bata at niyakap pa siya ng sobrang higpit.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon