Chapter 30

29.7K 754 21
                                    

Nagising ako sa mahimbing kong tulog nang maramdaman ang demonyong humihila sa kumot ko. Naiinis na hinahawakan ko naman ang kumot pero nahablot parin nito. Nakapikit ang mga matang umupo ako sa kama.

"Jerome! Ang bastos mo! Nakikita mo bang mahimbing na natutulog ang ta-"

"Shhh. Si Daddy nasa baba na kalaro na si Ieasis. Di ka pa baba?" Nang aasar na tinignan ako nito.

"Hanapin mo paki ko-"

"Aysus! Sige nga bumaba ka nga na ganyan ang ayos-"

"Wala nga akong paki sa kanya! Kung gusto mo sayo na!"

Nanlaki naman ang mga mata nitong tinignan ako.

"Seryoso?"

Walang ganang naghikab ako sa harap nito na ikinangiwi naman nito . "Wala akong paki sa kanya."

"Bastos mo talaga, Precious!" Nakatakip pa sa ilong na tinignan ako nito.

Mabaho ba hininga ko? Pasimple ko namang inamoy yung hininga ko at hindi naman siya mabaho.

"Tsk. Bumaba ka na Jerome, dinidisturbo mo talaga ang pagtulog ko."

"Maaga ka namang natulog kagabi? Bakit inaantok ka pa? Ano ba ang ginagawa mo kagabi?" May pagduda na tinignan ako nito.

"Oh my god! Don't tell me hindi ka nakatulog dahil-"

"Hays! Lumabas ka na nga sa kwarto ko Jerome! Kung ano ano na ang lumalabas sa bibig mo!" Sagot ko rito at tinulak tulak pa ito hanggang sa makalabas sa kwarto ko. Naramdaman ko naman ang paghampas nito sa pinto ko at ang pagmura ng ilang beses. Wala na asar asar na si Jeromeya.

Napagdesisyonan ko munang maligo bago bumaba baka ano na naman ang sasabihin ni Jerome. Well, hindi naman sa nakoconscious ako dahil kay Aizan kais gavawinnko naman to kahit wala siya. Isang linggo na ang lumipas at dumadalas na ang pagbisita ni Aizan rito. Sinisigurado niya talagang masusulit niya ang quality time nila ng anak ko. Sa ilang araw na lumilipas mas napapadalas ko na ring nakikita ang ningning sa mga mata ni Ieasis pag kasama si Aizan. Siguro ito yung sinasabi nila na lukso ng dugo, na kahit hindi pa alam ng anak ko na si Aizan ang Daddy niya pero sa nakikita ko comfy na comfy siya rito.

Ilang minuto lang rin akong nagbabad sa banyo bago lumabas at nagbihis ng isang kumportableng damit. Nakashort lang ako at naka simpleng tshirt. Sinuklay ko na rin ang buhok ko. Hindi ko naman mapigilan ang sariling wag gumamit ng pabango bago bumaba sa kwarto.

Napahinto naman ako nang makita ko ang mukha ng baby ko na tuwang tuwa na kalaro si Aizan. Si Aizan naman ay ganun din. Yun bang wala na silang paki alam sa mundo basta masaya sila sa piling ng isa't isa. Napaangat naman nang tingin si Ieasis sa pwesto ko at kinawayan ako.

"Good Morning, Mommy!" Nakangiteng saad ng Baby ko at niyakap pa ako nito nang mahigpit.

"Good Morning, Baby,"

"Mommy, kain ka muna then please join us here." anito at pinapakita pa ang mga dolls niyang nakalatag sa floor.

Si Aizan naman ay matiim na nakatitig sa akin. Nginitian pa ako nito na nagpakabog ng puso ko. Nag iwas nalang ako ng tingin rito at hinarap si Ieasis.

"Sure baby, but let me have my breakfast first."

"Okay Mommy, eatwell." Anito at bumalik na kay Aizan. Tinignan ko pa sila ulit bago ako naglakad papasok sa kusina. Sumalubong naman sa akin ang nakangiseng si Jerome.

"Bangon naman-"

"Tumahimik ka Jerome, kung ayaw ipag book kita ng ticket papuntang France ngayon." Nakasimangot na ang mukha na umupo ako sa bakanteng upuan.

Napansin ko naman ang nagpipigil tawa ng mga kasambahay namin. Si Jerome naman ay umupo pa sa tabi ko at ipinagsandok pa ako ng pagkain.

"I'm just kidding Ms. Precious,"

"Good."

"Pero ang gwapo ni Aizan ngayon nuh? Parang sa bawat araw na bumisita ito rito, Hindi talaga pumapalya ang pagkagwap-"

"Sirena si Aizan. Wag mo ng pagpantasyahan."

Maarteng napatakip pa ito sa bibig na parang gulat na gulat siya. Magaling talaga si Jerome sa larangan ng pangbwibwisit sa akin.

"Talaga? Bakit ang Fafa na niya? Ay baka dahil may isang babaeng nagpapabago sa kanya. Nagpapatigas sa malambot niyang-"

"Ang bastos!" Nandidiring hinampas ko sa braso si Jerome na ikinatawa naman nito.

"What? Haha. Diba nga may isang babaeng nagpapatigas-"

"Sige ituloy mo! Ipapalamon ko sayo itong buong mangga na ito," Pananakot ko rito. Hays! Pag si Jerome talaga na sa mood sa pang aasar. Ang sarap sabuyan ng Holy water sa sobrang bastos nito.

"Bakit ka ba nababastosan? Hays! Ikaw nga lang itong nag iisip ng kung ano ano. Nagpatigas sa malambot na puso, ganun yun! Kung ano ano iniisip mo." Sinamaan pa ako ng tingin nito na parang ako pa ang may ginawang kabastosan.

"Jerome-"

"Sweet."

Sabay kaming napalingon ni Jerome sa lmay pintuan na kung saan naka tayo si Aizan. Matiim itong nakatitig sa akin. At nang dumapo ang tingin nito kay Jerome sinamaan pa nito nang tingin si bakla.

Mabilis na tumayo naman si Jerome at awkward na nginitian si Aizan. Habang binalik ko naman ang tingin ko sa pagkain na nasa harap ko.

Naramdaman ko naman ang paglalakad nito papunta sa pwesto ko. At huminto ito sa gilid ko. Nakayuko lang ako sa pagkain ko at umaaktong walang pakialam sa kanya.

"Bakla ka ba talaga?" Biglang tanong nito na sa tingin ko ay para kay Jerome.

What the heck?! Bakit niya naman tinatanong si Jerome ng ganun? Napaangat ako ng tingin kay Aizan at doon ko nakita ang nakakamatay na tingin nito kay Jerome.

Napatingin din ako kay Jerome na ngumingite kay Aizan.

"Yes,"

"Siguraduhin mo lang." May bahid na pananakot sa boses na saad naman ni Aizan.

"Aizan!"

Lumingon naman ito sa akin at mabilis na ininom ang tubig na nainuman ko na kanena. Napaawang ang mga labi na tinignan ko ito. Nginisian naman ako ng loko at walang imik na umalis.

"Breath, Precious."

"Sor-"

"Don't be Haha. Possessive naman pala si Pogi. Yun ba ang bakla ha? Jusko! Ang haba ng hair mo Precious!"

Walang imik na inirapan ko ito at nilantakan na ulit ang pagkain ko. Shet! Yung puso ko parang ewan. Please kumalma kayo! Nanginginig pa ang mga kamay ko. Shit! Heto parin! Kahit anong deny ko, lalabas at lalabas parin na epektado parin ako. Oo na ako na ang marufok..

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon